Chapter 7: Revenge

375 19 4
                                    

Three weeks later...

Rocky's POV:

"Napakasuwerte ko at napasaakin ka na rin." Napakaganda talaga ng mga mata niya habang magkalapit ang amin mga mukha habang nag uusap dito sa loob ng library.

"Oo naman Rocky." Nakangiting tugon sa akin ni Shayene.

Wala na ata makakapagpahiwalay sa amin. Sa akin lamang siya. Napakasuwerte ko rin sa pulang kristal na nasaakin ngayon. Hindi ko man alam kung saan nagmula iyon at kung paano niya ako nabigyan ng kakaibang katangian na magpahulog ng damdamin ng ibang tao. Hanggat nasa akin ang kristal na iyon nakakasigurado ako na hindi ako iiwan ni Shayene.

"Hoy, Shayene nandirito ka lang pala!" Tawag bigla ni Kristel Anita Ramos na kaklase ni Shayene sa Physical Education 3.

"Bakit may problema ba Kristel?" Tanong bigla ni Shayene.

"Oo. Napakalaki!" Sigaw ni Kristel kay Shayene. Bigla naman napatingin ang ibang estudyante sa direksyon namin dahil sa lakas ng boses ni Kristel.

"Ano iyon?" Nagtatakang tanong ni Shayene.

"Ikaw, bobita kang babae. Puro landi inaatupag ninyo ni Rocky. Tingnan mo kung ano nangyari kanina sa PE! bumagsak tayo sa finals natin." Namomoot na sigaw ni Kristel sa harapan ng lamesa namin ni Shayene.

"Paano? Diba naipasa naman natin yung project kanina." Sabi ni Shayene.

"Oo naipasa nga natin kanina pero failed! Malimali ang articles na inambag mo sa group project natin sabi Prof. Jason!" Pagkatapos sabihin iyon ni Kristel ay bigla niyang binuksan ang kanyang dalang tumbler at ibinuhos ang laman na ice coffe nito kay Shayene.

"Fair enough. Haha!" Sabi ni Kristel na may kasama pang tawa sabay talikod sa amin at lumabas na ng library.

"Shayene okay ka lang---" hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang biglang tumakbo papunta ng comfort room sa library si Shayene. Napansin ko rin na may luha ng tumutulo sa kanyang mga mata.

Hindi ko maari mapalampas ang ginawang pagpapahiya ni Kristel kay Shayene. Sisiguraduhin kong pagsisihan ni Kristel ang ginawa niya.

Sinundan ko sa labas ng library si Kristel. Naabutan ko siya sa hagdanan ng corridor.

"Kristel!" Sigaw ko sa kanyang pangalan. Agad naman lumingon ito.

Buti na lamang at walang mga estudyante sa paligid ngayon. Halos lahat ay nasa library o di kaya naman sa mga classroom nila.

"Yes?" Mataray na tanong sa akin ni Kristel. Ngunit hindi ko siya tinugon. Tinitigan ko lamang siya ng malalim. Hanggang sa huminga ako nang malalim at tinapunan si Kristel ng nakakalokong ngiti.

"Inuutusan kita na tumalon sa hagdanan ngayon mismo." Turan ko sa kanya sabay litaw sa harapan ko ng pulang kristal. Pagkatapos no'n ay nakita kong pumuwesto na si Kristel sa sa hagdanan. Ilang sandali pa ay tumalon na ito at narinig ko ang lagutok ng mga buto ni Kristel sa pagkakabagsak nito sa ground floor mula rito sa fifth floor.

Mabuti iyan sa'yo. Magdusa ka sa Impiyerno pagkatapos nang nagawa mo sa girlfriend ko na si Shayene.

"Welcome to Hell, Kristel."

 
-----End of Chapter 7-----
Please vote and comment below. Thanks.

Charles (Series Vol. II Completed)Where stories live. Discover now