Last Page

287K 11.3K 1.7K
                                    

DD,

Hi, Mylabs!

Kakasulat ko lang kahapon. Bored na bored kasi ako sa buhay... kaya pinagdiskitahan ulit kita.

Inayos ang mga pahina. Ang pangit mo na, eh. Pinaliguan din kita ng pabango kasi ang bantot mo. Hahaha.

Ah... Nakalimutan ko isulat kahapon. Pumunta kami sa MIBF. Kasama ko si Bree!❤

Ang daming wattpaders sa MOA. Syempre, hindi nila kilala si AlphabetSenpai. Undiscovered author kasi ako. Naks! Hahaha. Ayoko naman magpakilala pati.

Okay na 'yong nakakapagbasa sila ng stories ko for free. Hindi ko naman pinangarap na sumikat. Gusto ko lang magsulat. Pampawala ko kasi ng stress ang reading... lalo na ang writing.

Bumili kami ng mga libro ni Bree. Siya nagbayad. Hahahaha. Natalo ko siya sa pustahan namin, eh. Maraming nadagdag sa books collection ko. OMG!

Watashi wa hontoni daisuki desu, Bree-sama!

Oopps!

Bago pa humaba kadaldalan ko, Mylabs. Na naman. At maging nobela... sulat ko 'yong nakita kong tula (na ginawa ko nung nagtransfer ako ng school sa College.) Required kasing gumawa ng kahit ano... sulat, drawing, poems, songs (o kung ano'ng trip)... tapos 'yon ang i- dedeliver sa harap for self-introduction.

Nilipad ang papel nung naglinis ako kanina... kaya isulat ko na lang sa 'yo. Memory din 'to.

Ito lang naman ang purpose kaya nagsulat ako ngayon. Sana magustuhan mo, Mylabs! \m/

_..._..._

Tula ni AlphabetSenpai, May Reklamo Ka?

Ako'y tutula, walang paki ang madla.
Ako si ABCD, babaeng NBSB.
They say, No Boyfriend Since Bitter
I say, No Boyfriend? Stress Break.
They say, No Boobs Since Birth
I say, No Boobs? Still Beautiful.
Rawrr!

I don't need make-ups, stuffed toys and bouquet.
I need a food fare.
Translation...
I don't need a boyfriend.
I need unlimited rice and bottomless drink.

Adik ako sa green.
Idol ko si Angel Locsin.
I don't like sweets and spaghetti,
Pero gusto ko ng maaasim at spicy.
Paborito ko ang action at patayan na movies,
Lalo ang mga brutal at madugong TV series.

Nilamon ng Wattpad at KDrama,
Doon lang kasi may forever at sa EDSA.
Idagdag na rin ang anime at manga...
Na hindi kayang mawala.
Mas nakakainlove kasi ang mga tauhan sa palabas at libro...
Kaysa sa mga totoong tao.
Sa real world, WFD nga kasi.
Sa isang kembot lang, nagpalit na ng kalandi.

Hindi naman gano'n kataas ang standard ko,
Kaya forever ko, where na you?
Kaiwan-iwan ba ako? Kapalit-palit? Kaloko-loko?

Bakit madalas akong naiinlove sa tao...
Na hindi magiging akin hanggang dulo?
Badtrip ka naman destiny, oh...
Favorite target mo ba ako?

Mahilig ako sa bata.
Gusto ko magkaanak kahit walang asawa o jowa.
Paano ba gumawa ng walang ipapasok o ipuputok na armas,
At walang mawawasak na perlas?

Tapusin na natin kahibangan na 'to,
Parang pagtapos sa pagpapantasya...
Na magiging totoo ang mga asawa sa libro.
Putulin na natin kabaliwan na 'to,
Parang pagputol ng feelings sa kanya...
Dahil may mahal na siyang iba.

Ito ang tula ni AlphabetSenpai,
Ang babaeng walang lovelife.
Sa isang bagay lang 'di pinagkaitan,
Hindi sa boobs at balakang...
Ngunit sa kagandahan at kadiyosahan.

May reklamo ka?
Alam mo na kung ano'ng tatawagan, ha?

_..._..._

PS: Hanggang sa muli, Mylabs. Till I have something to share to you again.

Diyosa forever,
AB


~.~.~

Chix : Sorry kung nag-expect kayo ng bonggang entry para sa last page ng diary ni AB. But, nuh uh. Tama na ang drama. Hahaha. At hindi naman kasi talaga siya nagsusulat palagi. Simula nung mag-college siya. Dumalang na. Promise, sa next chap... continuation na ng present time. \o/

Love at First Read (Pereseo Series #1)Where stories live. Discover now