Chapter 45

3 0 0
                                    

Promise.

"Whoooo homee!"

Sambit ko at dinaganan sa sofa si Twinnie at Kuya,jgh from date namin ni Nathan."Twinnie,how's---"

"Pasalubong ko?!"

Grabe 'tong si kuya,hindi manlang ako kinamusta o date namin ni Nathan,pasalubong agad ang hanap,ano ako?nag-abroad?Ofw?Eh diba sya yun?Hays."Oh ayan oh!Hanep ka!" Sigaw ko at binalibag sa kanya yung damit,sapatos at pagkain na binili namin ni Nathan."Yann!Very good!" Aniya pa at tinaas ang kamay para makipaghigh-five pero inirapan ko lang sya at inabot na kay Twinnie yung pasalubong nya.

"Inaantok ako,tulog muna ako ha?" Paalam ko at umakyat na sa kwarto ko.Hayys kapagod.

Pagdating ko sa kwarto ko ay nagdive agad ako sa kama ko.

"Mommy?"

"Kuya?"

"Twinnie?"

"Asan kayo?Asan ako?" Paulit ulit kong tanong,asan ba ako?Ang dilim naman dito.Wala bang kuryente?Hays.Hirap pa naman akong huminga sa dilim plus may phobia pa'ko huwaaaaaa!

"Fiana.."

"Tulungan mo'ko.."

"Fiana.."

"Anjan na sila!"

"Takbo Fiana!Takbo!"

Napatakip ako sa tenga ko at napaiyak dahil sa mga naririnig ko,ang sakit sa tenga!Tumakbo ako ng tumakbo.Please!Palabasin nyo'ko ditoo!

"Takbo pa Fiana!Hahaha!"

Pilit nila akong pinapatakbo,umiiyak sila at tumatawa.Nababaliw naba ako?!

"Tulongg!" Sigaw ko at patuloy na tumatakbo pero wala akong makitang liwanag.

Hindi ako makahinga..

Napapagod nako..

Hanggang sa mapaupo nalang ako at napahiga.

"Halika."

Sambit ng isang anino sa nasa harap ko.

"Tutulungan kita.."

Aniya pa ulit.

"S-sino ka?"

Tanong ko..napatingin ako sa likod nya,andaming anino,napatingin ako sa likod ko at ganun din.

Naguguluhan nako.

Please ayoko na,tama na.

"Waah!" Napaupo ako at hinahabol ang hininga ko,pawis pawis ako.Anong nangyari?

Napatingin ako sa bintana at malalim na ang gabi.Lumapit ako sa bintana ng kwarto ko para sana isara ang malaking kurtina pero may nakita akong babae na nakatayo at nakatingin ng deretso sakin.Tinanaw ko sya,tumalikod sya sakin at nagsimula ng maglakad kaya dali dali akong bumaba.

Parang may nag-uudyok sakin na habulin ko sya.

"Sandali lang po!" Tawag ko ng matanaw ko ang babae."Miss!" Tumakbo ako papunta sa kanya.Madami kaming sinuot suotan na kanto at wala muna akong pake ngayon.

"S-saglit lang--"

Napatigil ako ng malaman ko kung nasan kami,nasa mala gubat ako,saan 'to?Ang sakit ng ulo ko!Ano bang nangyayari?Am I dreaming again?

Love Me Till The End. (On Going)Where stories live. Discover now