FIFTEEN

3.1K 107 9
                                    

~~~~~
"Love wait lang naman oh! Ang bilis bilis mo naman maglakad eh."

"Kasi naman Mr. Ferdinand Ravena III it's hot na and sobrang bagal mo lang talaga. Look oh! Ate Ly's waiting for us na. Gosh! Bakit ba ikaw ang boyfriend ko!?" Si Bea at rinig na rinig ko ang pagtawa ni Thirdy sa mga sinasabi ni Bea.

"Kasi kahit na mabagal ako love na love mo pa din ako. Patay na patay ka nga sa akin Isabel." Sabi ni Thirdy at binato naman siya ni Bea ng cap na hawak niya.

Malayo pa lang tong dalawa na 'to pero naririnig ko na ang pagtatalo nila. Hindi na talaga nagbago dati na silang ganyan. Ang cute lang.

"Hi ateeeee!" Si Bea sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Buti naman I have someone na hindi nakakairita. Nakakasawa mukha niyan." Sabi niya pa at humalakhak lang si Thirdy sa sinabi niya.

"Nako! Nako! Kapag nga hindi mo yan nakikita kulang na lang puntahan mo sa mga practice niya eh." Sabi ko kay Bea kaya naman umirap siya sa akin.

"Sorry baby pero mas love ako ni Ate Ly sayo eh. Nasaan si Manong ate?" Thirdy asked me.

Sumenyas naman ako sa kanila na sumunod sa akin papasok sa bahay. "Nag-iihaw siya kanina eh. Baka may kinuha lang sa loob. Hindi pwede si Dani?" Umiling lang si thirdy sa akin. Two days na kami ni Kiefer dito at sumunod na lang tong dalawa.

"Sayang naman."

"Yes ate. She's sad nga kanina eh. Gusto niya sumama pero busy daw talaga eh." Bea said. "Wow! Ang ganda ng house ni Manong dito ha."

"Kumusta ang byahe?" Si kiefer na may dala dala na plato.

"I'm just thankful na sa pagbalik natin sa Manila sabay sabay na tayo. Thirdy is a pain in the ass manong. Muntik pa kami malate sa sobrang sabog niya kaninang umaga. Ang dami niyang nakalimutan kanina." Si Bea na nakasimangot pa tapos pagtingin ko kay Thirdy nakangiti lang siya. Tinapik ko siya sa braso pero mas lalo lang siyang ngumiti sa akin.

"Huwag mo siyang pansinin ate. Ganyan lang yan kapag naglalambing." Bulong ni Thirdy pero pareho kaming nagulat ng may lumipad na unan sa harap namin.

"Hoy! Anong sinasabi mo kay Ate ha? Don't believe him ate Ly. He's lying." Sigaw pa ni Bea.

"Oy! Chill na. Tama na yan. Nandito tayo for vacation. Hindi para magtalo kayo ha. Sige na thirds ipasok mo na sa loob yang mga gamit niyo." Sabi ko at tumabi kay Bea. Nang makaalis si Thirdy para pumunta sa loob.

"Ang init ng ulo mo bei." Sabi ko.

"Kasi naman eh napakaharot niyan ni Thirdy ate eh. I just left him to talked to Mommy tapos pagbalik ko he's talking na with a girl. Look how landi diba?" Sabi niya.

"Magkaibigan nga kayong dalawa. Pareho kayong selosa." sabi ni Kiefer at tumawa pa sa amin bago niya binalikan ang mga iniihaw niya.

"Don't mind your manong. Baka naman he's helping lang yung girl. Ikaw talaga, cute cute mong magselos. Good thing nga hindi naiinis sayo si thirdy eh." Sabi ko pero hindi na ako pinansin ni Bea. "Huwag ka ng magtampo or kung ano man yang nararamdaman mo. Thirdy loves you." Sabi ko at tumayo na para sundan si kiefer pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Thanks Ate Ly. I love you." Sabi niya at biglang yumakap sa akin. "Masaya ako for you. I know love mo talaga si Manong and siya lang nakakapagpasaya sayo ng ganito."

"Huh? Anong meron?" I asked her. Parang nagulat pa si Bea sa sinabi ko at hindi na siya makatingin sa akin ng diretso.

"Ha? Ah.. Ano atee. OMG! ang bango naman Manong mukhang masarap." Sabi niya at nilapitan si Kiefer.

The Beauty in You (COMPLETED)Where stories live. Discover now