Fantasy #1

38 3 0
                                    

.....

"Joi!  Wakey Wakey!.... "

Napahawak naman ako sa pisnge ko dahil may biglang dumapo dito. Inis kung tinignan Si Amelia na ngayon ay nakangisi habang naka peace sign. 

"hoy!  Marunong kabang gumising ng taong natutulog ng hindi sinasaktan?!  Huh?!.... " inis kung tanong dito habang dilat na dilat ang mga mata. Fell ko parang luluwa na ito dahil sa sobrang dilat.

Nakita ko naman syang napalunok at bago ko pa sya tiresin ay nakatakbo ito na halos magka dapa-dapa na.

"sorry!  Joiiiiiiii!!!!!....." Napabuntong hininga nalang ako at nilibot ang tingin sa kwarto naming magkakaibigan.  Ito na ang huli kung makikita ang kwarto namin pati narin ang hindi gaano kalambot na higaan na kahit masakit sa likod ay makakatulog ka parin ng mahingbing. Matagal pang bumangon.

Isa akong ulila at lumaki dito sa bahay amponan. Sabi nila ay nakita lang  nila ako sa kalye na maraming pasa at naliligo sa sariling dugo kaya isinugod nila ako sa hospital at nagising nalang ng walang maalala kahit mga  magulang ko. Saklap diba?

Pero kahit ganoon ay masaya na ako sa buhay ko kahit na may kulang sa pagkatao ko. I have 4 crazies friends and a subtitute mother.

It's okay!  Just be strong and be brave!  Hahahah...

That's enough....

Matapos kung mag ayos ay agad kong kinuha ang bag na naglalaman ng mga damit at gamit ko at lumabas na ng kwarto. For sure may kadramahang nagaganap sa pag baba ko nito.

Gaya nga ng Sabi ko ay ayun nagiiyakan ang mga kaibigan ko at si Mother Rossy . Parang hindi na magkikita huh?

"Mga anakies!  Wag nyong pababayaan ang sarili nyo huh?! lalo't na wala na ako sa tabi nyo.." Bilin nya at kumuha ng panyo at suminghot singhot.

"Opo naman! Mother Rossy" nakangiting Sabi ni hamida  at niyakap Si Mother Rossy na umiiyak. Napa roll eyes naman Ako.  Oii.. Oii  Di ako masama huh! Di ko lang feel ang magdrama.

"Ikaw mother!  Wag na wag mong kaligtaan ang pag inum mo ng gamot baka kami ang mag worry nyan!  Naku Ayaw kung magdonate ng kape at biskwet!.." maarteng Sabi ni Febelyn at binatukan naman sya ni Amelia.

"tumahimik ka kung gusto mong mabuhay!  Aalis na nga tayo tapos  magsasalita kapa ng ganyan?...gusto mo ipalapa kita sa lion?  Ayyyy!  Wala pala tayong lion.... kay mengkay nalang kahit na matandang pusa yon ay may nasasaktan rin!  Ano  gusto mo?..." Unis na bulyaw ni Amelia at nagsukatan Sila ng tingin.  Okay.. Here comes the hot headed.

"Ano kaba Amelia!  Di kapa sanay sa bibig ko?  Duh!... " aapila na sana Si Amelia pero inawat na sya ni chrismae at mother.

"hay! Kasasabi ko palang!..". At ayon binulyawan ni mother silang dalawa.

"teka! Asan si joillian?...sus! yong bata din nyon!  Naku ewan nalang!..." bigla nalang napatingin sa direksyon ko Si chrismae.

"mother! Ayon sya oh!..." turo nya. Wow!  Maka turo parang tae ako sa paningin nya ha!  Bigwasan ko kaya to.

"anakies!  Wala kabang bilin sa akin Bago kayo Aalis?.." abot tenga nyang tanong ni mother. Tinignan ko lang sya at sinabi ang...

"wag kalimutan ang pag- inom ng gamot para hindi matugi, matulog ng maaga para di maestress at hindi matugi,  Kumain ng masustansyang pagkain para di matugi at iwasan ang pagka childish...." diretsyong Sabi ko. Napanga-nga naman Sila.

"grave ka anakies!  Ganoon ba talaga Ako katanda sa paningin Mo?.. Ang hard mo!... "kunwari pa syang umiyak pero tinignan ko lang sya na nakakunot.

CROWN ACADEMY: THE POWERFUL ONE (Under Edited)Onde histórias criam vida. Descubra agora