피나가마마할 공 티나파이

47 2 0
                                        

피나가마마할 공 티나파이

Isang babaeng simple, matalino at mabait,
Isang babaeng hindi mo makikita sa saan mang lupalop ng mundo sapagkat hindi ka makakahanap ng kapalit,
Nandyan sya palagi sa tabi mo lalo na sa mga araw na ika'y malungkot at wala kang makapitan dahil pakiramdam mo'y unti unti ka nang nalulunod sa problemang ni hindi mo ginusto at iniwasan mo ng pilit,
Di ka nito lulubayan pero ng dahil sa kanya ay unti unti kang makakakita ng saya at bagong pag-asa dahil sya ang magsasabi sayo na salamat at nabuhay ka,
Isang kaibigan na maaari mong maihalintulad sa isang panyo, na magpupunas ng mga luha na dulot ng sakit at pagkabigo na dulot din ng mga problema,
Isang kaibigan na hindi mo hahayaang mawala sapagkat alam mong totoo sya,
Isang kaibigang handang magsakripisyo para lamang sayo,
At handang ibigay ang natatangi nyang pag-ibig na tanging sya lamang ang maaaring makapagbigay kahit pa hanggang sa dulo,
Isang kaibigang alam mong naging totoo sayo,
Isang kaibigang nagngangalang Gwyneth Isabelle Aranda,
Ang nagdiriwang ng kanyang ika-15 na kaarawan sa araw na ito at kay saya,
Sapagkat hanggang ngayon ay may nabubuhay pang katulad nya,
Aking bestfriend, kapatid, kaagaw sa mga bias at ang pinakamamahal kong tinapay, salamat at nabuhay ka,
Sana'y di ka magbago sapagkat kaya ka minamahal ng karamihan ng dahil sa taglay mong pag-uugali,
At sana'y palagi mong tatandaang, mahal na mahal kita aking kaibigan.

TacendaWhere stories live. Discover now