27

6K 139 4
                                    


Neon above☝☝☝☝☝

Neon pov.

Nakaupo ako sa isang mesa at pinagmamasdan lamang ang mga nagaganap sa aking paligid kung saan nakikita ko kung paano makisalamuha ang mga matataas na tao sa business world. At alam kong nagpapataasan na naman sila ng mga ihi, pinagmamalaki ang mga natatamo nilang mga karangalan. Tsk aakalain mong sakanila ang party at grabe kung makipagplastikan.. They are trying to get this opportunity for their own business.. Dahil alam ko naman na Hindi importante sakanila ang party na nagaganap kundi ang makahanap ng mga bagong share holder para sakanilang kompaniya what a shame.

"Pinaghandaan talaga ang party. " malamig na saad ng aking pinsan na
kasama ko sa iisang mesa kaya agad na bumaling ang aking atensyon dito at nakita kong nakatingin parin ito sa harapan kung saan may malaking entablado kaya hindi ko mapigilan na gawin din ang ginagawa nito. Saka napatingin ako sa paligid at masasabi kong tama ang aking pinsan.. Hindi ko akalain na magagawa ito ni mrs. Zalar ang gumastos ng malaki para kay arriane na hindi niya tunay na kadugo at dagdag pang anak ito ng kaniyang kaaway. Ang akin lang iniisip ay kung bakit? May plano ba ito? Pero sa pagkakakilala ko kay mrs. Zalar ay hindi niya gusto ang mga paghihiganti. Pero alam ko din na sagad sa buto ang galit nito sa mga zandor dahil mortal niya itong kaaway. Pagdating sa negosyo..

At ang nakakabahala ay yung makita kong nasa gawing kaliwa na katabi naming mesa ay nakaupo ang mga zandor.

"Kanina ka pa tahimik neon. Sa tingin mo ba may mali sa gabing ito? " usal ng aking pinsan kaya napatingin ako dito. Ngunit nakita ko itong sumisimsim ng alak sa wine glass teka nga ako ba talaga kausap ng yelong to? Ni hindi man lang tumitingin sakin kapag nagsasalita.

Pero ano pa ba ang magagawa ko eh. Dapat sanay na ako dito eh simula pa noong bata pa kami ay ganito na talaga nag ugali nito napakatahimik at napakamisteryoso.

"Neon wag kang manahimik lang satingin ko may kakaiba sa mga pangyayari. " at sa wakas napatingin na ito sakin ngunit napalunok lang ako ng sumalubong saakin ang walang kaemosyon emosyon nitong mukha. Saka din rumehistro sa aking isip ang mga sinasabi nito, napagtanto ko na pareho lamang kami ng iniisip may kakaiba lalo pa't

Kanina nung bagong dating pa lang ang mga zandor ay Lahat ay nagtataka kung bakit dumalo ang mga ito eh kaaway naman ito ng taong gumawa ng party kahit ang mga media ay kanina pang parang di mapakali dahil tila naaamoy nilang malaki laking balita ang makakalap nila ngayon.

Pero kung sila ay naguguluhan parin pwes ako ay may bumubuo ng ideya sa aking isip dahil alam kong pakana ito ni arriane at mukhang di maganda ang magiging gabi na ito.
.
" yes i can feel something really bad would happen. There would be a chaos i know"mahinang saad ko at di sinasadya na dumako ang aking mga mata sa kinalalagyan nila xianne.

Nakita ko ang malaking ngiti nito habang nakikipagkwentuhan sa tatlo pa nitong kapatid habang ang magulang nila na sina tita raven at tito roux ay tila may malaking pader sa pagitan ng mga ito dahil hindi ko man lang makita na binalingan ng tingin ng nanay ni xianne ang ama nito na kanina pa nangungulilang nakatingin lamang sa asawa nito. Kaya naisip ko na Baka nga hindi parin ito nagkakaayos. Isa pa Patunay din sa ang kalamigan ng nanay ni xianne sa asawa nito sapagkat tanging ang ama lang nito ang kinakausap nito.

"Still in love with her? " tanong ni claedon kaya napaubo ako dahil sa gulat at napailing saka pinagmasdan muli si xianne.

Masasabi ko na noon ay oo parang sigurado ako sa aking nararamdaman pero ngayon na nakikita ko muli ito at alam ko na ang lahat o buong storya ay tila tuluyan na nawala ang damdamin ko na noon lang ay parati kong nararamdaman kapag nasa malapit siya.

At ni hindi ko nga alam kung bakit naisip ko dati na mahal ko siya? Dahil Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala alam kung ano talaga ang pakiramdam na magmahal. Dahil noon ang alam ko lang ay mahal ko si xianne at wala ng ibang dahilan kundi dahil maalaga ito.. At nakikita ako nito bilang si neon..

The Knife That Cuts DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon