Chapter 3

4.8K 160 0
                                    

"So ibig sabihin niyan makakasama mo siya araw araw? Hanggang sa makauwi ang kuya mo?" Nicole wiggled her eyebrows." Kakayanin mo kaya ang temptasyon. Cassy?"

Napairap na lang siya dito. Kanina pa ito pangisi ngisi.

Hindi nito alam na inakit niya na nga ang 'Ate' Momo niya. Napapangiti parin siya pag naaalala ang reaksiyon nito kagabi. And she failed to hide what she felt. Napangiti na lang siyang bigla.

Nakaramdam siya ng pag siko sa tagiliran niya. "Uy! Halatang may nangyari ah? Kwento ka naman!" Nicole said again.

Ibinuka niya ang bibig para sana sawayin si Nicole pero naunahan na siya ni Tiffany.

"Stop it Nics." napatingin silang dalawa dito.

" Pwede ba. Wag na nating pag usapan 'to. May quiz pa tayo mamaya. And hindi pa kayo nag aaral."

Nakatutok ang tingin ito sa hawak hawak nitong calculus book. Kahit kasi hindi sila engineering. Kailangan pa rin daw na mag take ang mga kagaya nilang HRM students ng math. Kaya ito tutok sila sa pagaaral sa library kahit malapit na ang lunch. Wala kasing prof sa Marketing subject nila. Kaya ginamit na lang nila ng oras para mag aral sa susunod na subject mamayang 1 PM.

Pero nagtataka talaga siya kay Tiffany. Madalas itong umiwas sa ganitong topic kahit na alam nitong. Isang lesbian at isang bi ang mga bestfriend nito. But she's a closeted lesbian. Hindi pa siya umaamin sa kuya niya.

"What's wrong Tiff? Lagi ka na lang bang iiwas sa tuwing ito ang pag uusapan natin?" may inis sa tono ni Nicole. "Alam mo sigurong bi ako at lesbian naman tong si Cas di ba? Aminin mo nga. May galit ka ba sa mga kagaya namin? Then why are you still friends with us?"

Umiling saglit si Tiff. Saka ito nag angat ng tingin. Halatang naiinis na din ito. "It's not that ok?! Gusto ko lang mag aral para walang masabi sakin si Mommy. Mabuti kung may mini maintain kayong scholarship. Eh wala naman di ba? Bukod dun. Wala na kayong gagawin."

Medyo natigilan siya sa sinabi ni Tiffany. Nakakasama ng loob ang sinabi nito pero naiintindihan naman niya. Bukod kasi sa scholar ito. Kasama pa nila ito sa cheering at madalas itong ilaban sa mga kompetesiyon laban sa ibang school. Isa itong quiz bee contestant. Kaya siguro na i i-stress ito.

Pero may iba pa rin talaga. Ganito lang naman ito kapag tungkol na sa crush o nagugustuhan nilang mga babae ang pag uusapan. At kagaya nga ng sabi ni Nicole sa kanya noon. Napapansin nitong palaging umiiwas sa ganitong topic si Tiff. But they could also be wrong.

"What did you say?!" Nicole said.

Tumayo pa talaga ito sa upuan nito. Agad naman niyang hinawakan ang palda nito. Sabay iling.

"Nics....." saway niya dito dahil baka marinig sila ng librarian at palayasin sila.

Mabuti na lang at walang masyadong estudyante. Yung iba kasi tinitingnan na sila ng masama.

Yumuko si Tiffany.

"Tama na Nics baka na stress lang yang si Tiff. Alam mo naman na pressured yan." she tried to difuse the argument between the two.

"Hindi eh." Nicole said." It's clear as a day Cas." Ibinaling nito ang tingin kay Tiffany. "Siguro homophobic ka no? Scared that you will be alone, dahil kami lang naman ang kabarkada mo di ba? Walang gustong mag tiyaga diyan sa kaartehan mo."

"Nics! Sobra naman na ata yan!" Napalakas ang boses na sigaw niya.

"I---I can't do this here." pagkasabi nun mabilis na hinablot nito ang gamit at umalis.

Tila natigilan naman si Nicole. Hindi din siguro ito makapaniwala na masasabi iyon kay Tiffany.

Matagal na silang nagakakaibigan. Mula elementary hanggang senior high. Kaya nga hindi siya makapaniwala na ito na naman ang pinag aawayan ng dalawa. It was so hard confessing to your friends that you like girls. Kaya nga nung nagkaaminan sila lalong tumibay ang pagkakaibigan nila.

"Cas I---"

"Ayusin mo nga din yang ugali mong yan Nics!"

Ang bilis kasi nitong maasar. Lalo na kapag feeling nito. Natatapakan ang seksualidad nito.

"Silence in the library please!"

In the end napalayas din sila sa library.

"Nics. Makipag ayos ka kay Tiff ha? Tsaka bawiin mo yung sinabi mong maarte siya at wala na siyang iba pang kaibigan. She's just not comfortable with others. Alam mo naman siguro yun di ba?"

Tumango tango ito.

Napabuntonghininga na lang siya.

Madalas silang mag away na tatlo. Sometimes they rub each other in a wrong way pero nagkakabati din sila. Kaya hindi na bago sa kanya ang ganitong bagay. Ngayon nga lang parang mas matagal na mag kakaayos ang dalawa.

"Sige na. Mag ingat ka pauwi."

Tumango ito bago sumulyap kay Tiffany na nasa kabilang bench. Kakatapos lang nila sa cheering practice. At kahit kaninang Calculus hindi tumabi sa kanila si Tiff. At ito nga kahit sa practice ayaw din sila nitong kibuan. Actually si Nics lang. Alam niyang nagtatampo lang sa kanya si Tiff dahil wala siyang masyadong ginawa kanina.

"Tell her I'm sorry." Nics said. Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa pisngi at nagpaalam. May family dinner daw kasi ito kasama ang step dad nito.

Naglakad siya papunta kay Tiffany. Pagkakita nito sa kanya. Agad itong tumayo.

"Wait lang Tif."

Napahinto ito.

"I'm sorry for what Nics said. Sabi niya she's also sorry. Hindi niya sinasadya yun. Burst of emotion lang yun." nilapitan niya ito at niyakap. "Kung may problema ka. Wag kang mahiyang mag sabi. Andito lang kami para sayo. Alam mo yung feeling na alam mong may dinadamdam yung bestfriend mo pero wala kang magawa kasi nga ayaw niyang mag sabi. Naiintindihan ko Tif. Kung hindi ka pa handang sabihin yan. Andito lang kami. But please don't push us."

Ngumiti na ito. Saka siya niyakap din. "Thank you Cas."

Ngumiti siya dito. "Wala yun"

Nagpaalam na silang dalawa sa mga kasama pati na din sa coach nila. May cooking club pa kasi siya at may aaralin pang lessons si Tiff para sa quiz bee nito sa susunod na buwan.

Napangiti siya ng matapos niya na ang pag b bake ng cookies at pag luto ng special chicken curry.

'Magustuhan niya kaya ito?'

Pangiti ngiti siya habang inilalagay ang nagawang ulam at cookies sa tupperware.

Ito kasi ang firstday ng paglipat ni ate Momo sa condo nila ng kuya niya. Kaya gusto niyang i celebrate iyon kasama ito.

Please Momosyne De Silva - Completed DreameWhere stories live. Discover now