Chapter 14

271 20 12
                                    

Chapter 14

MUNTIK nang maaksidente si Jey dahil sa  pagmamadaling mapuntahan kaagad ang asawa. Itinawag sa kanya ni Jayson ang nangyari kay Cathy.

"Damn! Cathy, I told you to take care!" bulalas niya.

He is in the middle of an important meeting with a client when Jayson called him. Kaya, kahit na malaking transaksiyon sana iyon ay napilitan siyang itigil ang meeting. Mabuti na lang at naintidihan siya ng kanyang ka-meeting, ini-reschedule nila ang meeting sa susunod na lingo.

Nang makapagpa-alam na siya sa kausap ay mabilis niyang pinasibad ang sasakyan patungo sa lokasyon ng asawa. Dalawa sana sila ang pupunta sa Laguna bukas, ngunit nagpumilit ang asawa na mauna na ito ngayong araw. Ayaw man niyang payagan ito ngunit sa tono ng boses nito kanina ay walang makakapigil dito, pumayag man siya o hindi.

Mabuti na lang at nakabukas ang GPS nito kaya madali niyang ma-locate ang eksaktong lokasiyon nito. Halos alas-singko na ng hapon nang makarating siya lugar na kinaroroonan nito.

Ang kaninang kaba niya ay nadagdagan nang mamataan ang dalawang patrol car sa labas ng gate ng bahay na kinuroroonan ni Cathy. May limang ambulansyang nakahelira at ang dalawa ay paalis na at tatlo naman ay inaakyatan pa ng mga sugatang kalalakihan. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan limang metro ang layo mula sa isang ambulansya.

Minabuti niyang bumaba na lang ng sasakyan at lumapit sa isang pulis na nakikipag-usap sa isang may edad na lalaki malapit lang sa kinaroroonan niya.

"Sir, mawalang galang na po," tawag-pansin niya sa pulis na naka-uniporme. Agad namang nabaling sa kanya ang atensyon ng dalawa.

"May kailangan po kayo sir?" takang tanong ng pulis sa kanya.

"Nais ko po sanang malaman kung nasa loob si Cathy."

"Excuse me iho, maaari ba naming malaman ang iyong dahilan kung bakit mo siya hinahanap?" nagdududang tanong ng lalaking may edad na.

"Asawa po niya ako, itinawag sa akin ng aking ama ang nangyari. Hindi ko rin makontak si Cathy kaya hindi niya alam na pumunta ako," paliwanag niya rito.

Blangko ang mukha ng dalawa ngunit namimintanan naman ang duda sa mata ng mga ito. Hindi naman siya nagtataka sa reaksyon ng mga ito kaya minabuti niyang magpakilala at ipinakita na rin ang kanyang ID.

"Pasensiya ka na iho, pero nag-iingat lang kami, lalo na at may nangyaring hindi maganda kanina," wika ng matanda.

"Naiintindihan ko po…"

"Attorney Bernardo Guadalupe," sagot nito. Ipinakilala rin nito ang isa pang matanda na may tama sa kamay, "ito naman si Police Inspector Mike Juarez."

Iniaabot niya ang kanyang kamay sa dalawa na malugod namang tinangap ng mga ito. Akmang magsasalita si Bernardo ay may sumabad sa kanila, kaya doon napabaling ang kanilang atensyon.

"Ah, Tata Bernardo maaari bang dalhin muna natin sa pagamutan si Cathy da- Jey!"

"Melody?"

"Anong ginagawa mo rito?" sabay na sambit nina Jey at Melody.

"What happened to Cathy? Malala ba ang tama niya?"

"Eh, kasi alam mo namang reyna ng kabaliwan iyon at saksakan pa sa katigasan ng ulo. Binaril ni Conrad ang kanyang paa at dahil isang batalyon ang dala ng ama-amahan niya, eh nakipaglaban pa siya kahit may sugat. Ayon maraming dugo yata ang nawala sa kanya, kaya kahit natangal ko na ang bala at sinigurong hindi maimpeksyon ang kanyang sugat eh, kailangan pa rin niyang madala sa pagamutan. Nawalan kasi siya ng malay," mahabang paliwanang ni Melody.

DAREDEVIL'S ANGELS: BALIW NA PUSO (CATHY)Where stories live. Discover now