Chap XXI: THE TWIST:]

921 40 7
                                    

Jessy

 Love you.. 

Love you...

"UGOOOOOOOOOOOOOOOOk!!!!!" 

"ANAK??"

"Ay Mama, ikaw pala.. Kanina ka pa jan??" Nagulat naman ako dito kay Mama.

"Sinong UGOK? Tska bakit ka namumula jan?" 

"Etong mga pinapatapos sa akin para sa opisina, mainit kasi Ma." Pagsisinungaling ko.

"Ah, Akala ko may kaaway ka e."

"Wala po.. Sige na po magpahinga na kayo,"

"Nga pala Anak, hindi pa ulet natutulog dito si Chastine, Ano na pala balita sa batang yun?"

"Ewan ko dun, Patay na yata."

"Nak! yang bibig mo.. Hindi kita pinalaking ganyan.." Highblood agad agad. Pakiramdam ko talaga si Chastine na ang anak ng Mama ko simula nung magluto yung Epal na yun. Araw araw na lang tinatanong ni Mama si Chastine. 

"Tss. Ang touchy naman ng Mama ko.. sige na Ma." At hinalikan ko si Mama sa pisngi sabay sarado na nung pinto ng makatalikod na siya.

Napatingin naman ako sa mga papel na nakakalat dito sa kama.

"Hay! Paano ko ba tatapusin to!" Nakakatamad tapusin tong mga to ng ganitong may gumugulo sa isipan ko. Simula kasi ng sabihin ni Chastine ung mga salitang yun, hindi na ako natahimik, para bang naalarma ang bawat sulok ng katawang lupa ko na para ring kinatok ang puso ko at heto ako natutulala na naman dahil hindi na ulit nagparamdam ang Epal. Hindi ko tuloy matapos tong mga papeles na to,Badtrip!

Napatingin ako sa cellphone ko nung marinig kong magvibrate ito sa ibabaw ng side table na katabi nung iba pang papel.. "Sino na naman kaya to?"

Message from Isabel

Nandito na pala sa pinas si Chastine e,

Message from Sam

Day! Wag ka na magemote jan, nandito na labidabs mo.

 Kung alam niyo lang na alam ko ng nandito siya at kung alam niyo lang ang ginawa niya..  Akala ko ba hindi seryoso! bakit may LOVE YOU...

Pinatay ko ung cellphone ko dahil wala naman bukambibig tong mga to kundi si Chastine, lalo na si Isay.. tatawag pa sa akin para lang tanungin si Chastine..

"Buhay naman oh! Paano ba ako matatahimik.." Napasalampak na lang ako sa kama.

 Nilapag ko ulit yung cellphone ko sa tabi nung mga papel na nasa side table ko.

 Ay oh??

  C.I.D  

Nang mapansin ko ang Initials ng pirma niya dun sa mga papel na nakakalat.

 "C.I.D? hmm. Chastine Dominguez.. Ano kaya yung I niya?" 

"Nak!"  Katok ni Mama sa pintuan ng kwarto.

"Ano na naman Ma?" Pagbukas ko nung pinto.

"Tumatawag sayo si Chastine, hindi mo daw sinasagot ung cellphone mo.." Sabay abot niya sa akin nung telepono ng bahay. "Oh.. kausapin mo na. Papuntahin mo nga dito Nak." 

"Ma naman e. Wag na!" Pagreklamo ko pa pero kinuha ko pa rin ung telepono. "Hello..Ano na naman?" Sabay sarado ko nung pinto.

"Bihis ka, labas tayo.." Masigla niyang bati sa akin.

NOT JUST A TYPICAL LOVE STORY(girlxgirl) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon