Chapter 42 - Syringe

572 23 8
                                    

Agad akong dinala sa office ng investigator-on-case at naabutan ko siyang nagsusulat.

"Mabuti at naka-punta ka agad dito," good mood niyang sambit.

"Sabi mo nailabas na'ng resulta," pagsisimula ko.

Binitawan niya ang hawak niyang ballpen saka ako hinarap nang maayos.

"You may take your seat!" sambit niya.

Naupo ako.

"Asan ang resulta?"

Hindi siya sumagot. May kinalkal lamang siya sa kaniyang drawer.

Mayamaya pa'y inabot niya sa 'kin ang isang brown envelope.

Napa-lunok ako nang mahawakan ko ito.

Sana hindi ako mabigo sa resulta nito.
Hinanda ko ang sarili ko at dahan-dahan ko itong binuksan.

Bago ko pa man makita ang resulta, biglang nagsalita si Juanito.

"Sa ngayon, hindi natin masasabing may kinalaman nga 'yan sa pagkamatay ng tatay mo. Hindi pa rin natin maia-alis ang posibilidad na baka aksidenteng nailagay lang ang syringe doon lalo't wala silang nakitang kahit anong bakas ng turok ng syringe sa kahit anong parte ng katawan ng biktima."

Hindi ko siya pinansin. Muli kong sinulyapan ang resulta ngunit bigla na naman siyang nagsalita kaya't hindi ko na naman ito naituloy.

"Ngunit hindi naman kita pinipigilang mag-conduct ng further investigation lalo't hindi ko naman pwedeng maliitin ang iyong kakayahan bilang isang investigator."

Kahit pa-paano'y okay naman ang kaniyang tinuran.

"Gagawin ko ang lahat para makamtan ni Dad ang hustisya," paniniguro ko sa kaniya.

Tuluyan ko nang sinulyapan ang resulta.

Napakunot-noo ako. Gaya ng mga naunang natanggap kong mga reports, hindi ko ulit maintindihan. Kaya't napa-tingin ako sa IOC or investigator-on-case.

"Ano'ng ibig sabihin nito?" tanong ko sa kaniya.

I mean may nabasa akong kCl sa resulta pero hindi kasi ako sigurado kung tama ba ang pagkaka-intindi ko.

Napa-sandal si Juanito sa kaniyang upuan saka naupo nang maayos.

"Isinasaad diyan na ang nilalaman ng syringe ay potassium chloride."

"Potassium Chloride?"

I don't get it. If my memory is right, potassium chloride is good for the body. Potassium helps cells, kidney, heart, muscles, and nerves work properly. Ginagamit ito ng medical practitioners para sa ikabu-buti ng mga pasiyente.

"H-hindi ko maintindihan," pag-amin ko.

Isa nga ba talaga itong lead? Hindi ko maalis ang pagdu-duda.

"Does it really cause heart attack?" pagtataka ko.

"According to the forensics team, yes potassium chloride can cause heart attack through overdose!" pagsisimula ni Juanito, dahilan upang mapa-tingin ako sa kaniya.

"How so?"

"Potassium chloride overdose causes severe heart arrythmias na katulad ng atake sa puso. Ilang minuto lamang matapos itong mai-turok sa tao, nagdudulot ito ng matinding pagka-pulikat sa puso na dahilan ng bigla nitong paghinto. At ito ang tinatawag na SCD o sudden cardiac arrest."

Natahimik ako sa kaniyang sinabi. This explains everything. Kung bakit nagkaroon ng sudden cardiac arrest at kung bakit hindi tumutugma ang medical record niya sa forensic report.

"Pero paanong hindi na-trace ang potassium chloride sa katawan niya?" muli kong tanong.

" Good thing, naitanong ko rin 'yan sa forensics..." pagsisimula niya.

"It's not traceable dahil may similar reaction siya sa body. Tuwing meron daw kasing nasisirang muscle tissue, it is in the body's nature to release large amounts of potassium to the bloodstream. Kaya hindi namin nakita sa naunang imbestigasyon na may posibilidad na potassium chloride nga ang cause ng death."

Napa-isip ako sa sinabi niya. Kung ganoon, malinaw na ang lahat. Potassium chloride caused the death!

"Ngunit hindi pa rin natin maaaring sabihing ito nga ang ikinamatay niya. Maaari pa ring dahil inatake nga siya sa puso."

"Ngunit ayon sa medical record, malinaw na walang basehan ang atake niya sa puso. Kaya't naniniwala akong murder weapon ang nahanap kong syringe."

"Hindi 'yan sapat. There are no signs of any pinprick to the victim's body. Kaya hindi natin masasabing 'yung syringe na nahanap mo ay murder weapon."

Hindi ako naka-imik. Sinubukan kong mag-isip ng iba pang posibilidad.

Malaki ang paniniwala kong potassium chloride nga ang kinamatay ni Dad, ngunit kailangan ko ng matibay na ebidensya para patunayan ito.

Kung hindi syringe ang naging paraan, how about intake?

"Posible kayang intake ang ginawa ng culprit?" tanong ko sa kaniya. Baka sakaling masagot niya.

"I don't think that's possible. There's this so-called failsafe system in our GI tracts. This prevents overdose from unusually large intakes of potassium. 'Yung mga nabibili nating supplements, dadaan lang 'yan sa tiyan at hindi ito ma-a-absorb ng katawan. The only way that might cause lethal effect is through injection. And as what I've said earlier, there were no signs of pinprick in his body."

Hindi ako naka-imik! Sinubukan kong balikan sa aking isip ang mga nakalap na ebidensya. Sinubukan ko ring balikan ang crime scene base sa pinakita nina Matt na photos dati.

Kailangan kong mai-dugtong agad ang bawat ebidensya sa crime scene baka sakaling matulungan ako nitong malaman ang trick na ginamit ng culprit.

I took a deep breath while trying to concentrate. Inisip kong naroon ako sa mismong eksena no'ng ginagawa ang krimen.

Mayamaya pa'y bigla akong napa-ngiti, dahilan upang mag-taka si Juanito.

Naisip ko na! Tama, potassium chloride nga! Napaka-galing ng trick niya.

"Uhmmm maraming salamat sa resulta," sambit ko sabay hawak sa envelope.

" Tutuloy na ako," sambit ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Tuluyan na akong lumabas ng kaniyang opisina para umalis.

Sa ngayon, kailangan kong alamin ang missing link na mag-uugnay kung paano naisagawa ng culprit ang murder nang ganoon ka-bilis. If my calculation is right, nagawa lang niya ito within 13 minutes which is impossible for a perfect crime to be executed. But there's always a way which I will find out!

Pagka-sakay ko ng kotse, tumawag si Rob!

"Any update?" tanong ko.

" Bro, seryoso ka bang hahanapin ko ang list ng occupation sa Pinas na may kinalaman sa stabbing?" duda niya.

"Well, I was serious about it. Pero binabawi ko na. Ako na'ng bahala. Sa ngayon, I want you to make a research of these two persons," sambit ko.

" Sinong dalawa?"

"Iti-text kita," sambit ko at ibinaba ko ang phone.

------------------
Malapit na malapit na ang big reveal. Sa ngayon, vote muna 😉😜😊

Justice ServedWhere stories live. Discover now