Bakit?

20 2 0
                                    

Reese's POV

Umuwi ako ng bahay at feeling ko nabigo ko lang yata si Tope..

Kasi di kami natuloy sa pupuntahan namin dahil tinawagan ako ni Pier kung nasaan daw ako..

Kaya ang resulta,di natuloy ung birthday celebration na sinasabi ni Tope para sakin..

*Flashback*
"Promise,we'll celebrate your birthday,and we'll achieve a real smile"sabi ni Tope at inistart ang kotse nya..

Paalis palang kami ng biglang tumunog ang cellphone ko

-Pier calling......-

Napatingin ako kay Tope at ngumiti sya sakin at sinenyasan akong sagutin na ang tawag..

Sinagot ko naman ito agad..

"Hello?"

'Nasan ka?Bat walang tao sa bahay mo?Kala ko ba uuwi ka nalang?'

"Ahh,gusto ko lang sana magpahangin kaya umalis muna ako"

'Umuwi kanaaaaaaaa,kanina pa ko nandito eh,may good news ako sayo'

Napatingin ako kay Tope at nakatingin din sya sakin..

"Sige,pauwi na ko.."sabi ko at binaba ang call

Tinignan ko uli si Tope at ngumiti sya,alam kong hindi totoo ang ngiti nya at gusto lang naman nya kong pangitiin pero lalayasan ko pa sya..

"I'm sor--"di ko natapos ang sinabi ko dahik sumagot na sya agad

"Don't be,sino ba naman ako para makipag talo sa mahal mo diba?"sabi nya tapos tumawa pa

Nanahimik nalang ako,dahil di ko na alam ang sasabihin ko..

Nahihiya ako dahil simpleng favor nya lang na para din naman sakin,inalisan ko pa..

Lumabas na sya ng kotse nya kaya lumabas na din ako

Nakatingin sya sa malayo habang nakasandal sa kotse nya..

"Christopher,alis na--"sabi ko

"Bakit?"sabi nya

"Ha?"sabi ko

"I mean bakit di mo ko matandaan? Sobrang close na natin noon pero di mo parin ako natatandaan"sabi nya

"Sorry,"sabi ko

Tumawa sya tapos tumingin sakin

"No need to say sorry Reese,alam ko naman eh..Di mo ko natatandaan because you choose not to,and tatanggapin ko nalang yun"sabi nya

Di ako umimik dahil di ko alam kung anong isasagot ko,nakakasakit pala ako ng hindi ko alam..Bat ba kasi di ko sya matandaan?

Tumingin ulit sya sa malayo tapos nagsalita ulit

"Bakit?"sabi nya

"Anong bakit?"sabi ko

"Bakit sya ung mahal mo?"sabi nya

Nagulat ako sa tanong niya

Bakit ko sya mahal?

Di ko rin alam,basta ang alam ko mahal ko sya..Mahal na mahal..

"Scratch that,wag mo ng sagutin"sabi nya tapos bahagya pang tumawa..

"Gusto kong sagutin para malaman mo"sabi ko ng nakatingin sa kanya

Tumingin din sya sakin tapos parang nag hihintay ng isasagot ko

"Mahal ko sya,dahil mahal ko sya..Di mo madidiktahan ang puso mo kung sino ang mamahalin nya..Nagulat nalang ako isang araw hulog na hulog na ko sa kanya..Nagulat nlang ako mahal na mahal ko na sya,at di ko kayang mawala sya sakin..Kaya siguro kahit masakit,i chose to stay..Kahit masakit,pinipilit kong indahin para lang maka sama sya.."sabi ko habang naka tingin ng diretso sa mga mata nya

Tumulo ang mga luha ko pero hinayaan ko lang ang mga ito,

Nag patuloy ako sa pagsasalita,habang patuloy rin ang pag bagsak ng luha ko

"Tingin mo ba ginusto ko to?Tao lang din ako,nasasaktan,gusto ng kasiyahan,gusto ng pag mamahal,gusto ng kalinga gusto ng pag papahalaga,kung pwede kung lang sabihin na 'Okay na puso,tama na ,di ka mahal nyan'ginawa ko na noon pa...Alam mo ba kung gano kasakit tong dinadala ko?Tingin mo ba biro lang to?Tingin mo di ko gustong makalimot?Gustong gusto ko!Gustong gusto ko.."sabi ko,at pinunasan ang mga luha kong patuloy sa pag tulo..

Nakatingin lang sya sakin at malungkot din ang mga mata nya

"Gusto ko na sumaya,gusto ko ng matapos to!Noon pa!!!Noon pa"sabi ko,di ko na napigilang humagulgol at agad naman akong dinaluhan ni Tope at niyakap..

Tinatapik nya ang likod ko at pinahigpit pa ung yakap..

"Shh,stop crying please.."sabi ni Tope

Humiwalay ako sa yakap at tumingin sa kanya..

Nakita ko ang sakit sa mga mata nya,bakit Tope?Nararamdaman mo rin ba ang nararamdaman ko?

"Bakit ka malungkot?Kagaya rin ba kita?"sabi ko

He gave me a hurt smile

"Oo,mahal ko na yata ung babae,di sya maalis sa isip ko kahit anong gawin ko..Turns out may mahal syang iba.."sabi nya habang titig na titig sakin

Bahagya akong napatawa

"Bat ganon noh?Ang unfair ng mundo,kung sino ung gusto natin,di natin makuha..Kung sino ung nag iisang hiling natin,un ung ayaw ibigay"sabi ko,bwiset na mga luha di parin tumitigil..

"Sobrang unfair.."sabi nya na halos bulong na..

Hinawakan nya ang pisnge ko at inalis ang mga hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko..

Nalilito ako sa kung anong ginagawa niya,di ko alam kug anong magiging reaksyon ko

Pero nakakatunaw ang mga mata nya,kung tumingin sakin parang nagmamakaawa at parang ako lang nakikita nya ngayon..

Palapit ng palapit ang mukha nya,nakatingin lang kami sa mata ng bawat isa..

Konting agwat nalang at magdidikit na ang mga labi namin..

Patuloy ang pagtataka ko sa kinikilos ngayon ni Tope,kung ikaw ang makaka kita ng mga mata nya,sobrang maaawa ka dahil sobrang sakit ang makikita mo sa mga ito..

"Uuwi na ko,Tope"sabi ko dahilan para tumigil sya sa paglapit ng kanyang mukha..

Napatingin sya sa baba,at napatingin uli sa akin..

Binitawan nya ang mukha ko at tumango tango..

Ngumiti sya tapos nag salita..

"Go ahead..Go to Pier"sabi nya at ngumiti ulit at pumasok na sa loob ng sasakyan niya..

*End of Flashback*

Bukas plano ko uling puntahan si Tope para klaruhin ang ibig sabihin ng ginawa nya kanina..

Binuksan ko ang pintuan ng bahay ko at pumasok sa loob..

Nakita ko si Pier na natutulog sa sofa..

May hawak itong remote sa isang kamay at chips sa isa..

Mahimbing ang tulog nya kaya tinignan ko nalang sya..

I'm happy that you're happy Pier..

Kahit na di ako ang dahilan,okay na ako dun..

I love you,always..

Author's Note:
Dedicated sa kapatid ni Aila,umaangal raw eh HHAAHAHAHA
Thanks sa support😘
Please Vote and Comment

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Last RequestWhere stories live. Discover now