7: agreement

264 14 2
                                    

ZEKE RODRIGUEZ

Tumayo ako sa pagkakahiga pagkatapos tumunog ng alarm clock ko. Tiningnan ko ang picture frame sa gilid which is ang picture ni Aly na nakangiti sa akin.

Ngumiti ako sa picture at hinalikan iyo.

"Good morning AZ. Bagong araw na naman ang magsisimula para sa akin. Bigyan mo ulit ako ng lakas para makapagpatuloy ha? Mahal na mahal kita," ngiti mong sabi saka ito hinalikan muli.

'Ano kayang pakiramdam na araw araw akong gigising na katabi ko siya? Yun siguro ang pinakamagandang pangarap. Kung mapanaginipan ko kaya ang ganong senaryo? Mas gugustuhin ko na atang hindi magising sa magandang panaginip na iyon' sa isip ko.

Pumunta na ako sa banyo para gawin ang daily routine ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng business suit sa walj in closet ko at namili.

'Masarap siguro sa pakiramdam na si Aly ang nag aayos ng mga ito para sa akin. Tapos aayusin niya yung damit ko pagkasuot lalo na yung necktie ko. Tapos bababa ako ng may nakahain ng pagkain at pagsisilbihan ako' isip ko ulit.

Napangiti na lang ako ng mapait. Ako naman ang may kasalanan kung bakit di ko nararansan ang mga iyon. Ako ang pumatay sa kanya, ako ang dahilan ng pagkamatay niya kaya dapat ko lang itong pagdusahan.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Hindi ko namamalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Ayokong ipakita sa iba ang kahinaan ko pero hindi ko mapigilan ang emosyon ko.

Marahas kung pinahid ang mga luha ko ag kinuha ang susi ng kotse ko.

Kinuha ko yung sasakyan sa parking lot ko at umalis na. Nagdrive thru na pang ako sa isang fast food chain para makakain.

Mag-isa lang ako sa bahay ko. Ang bahay na pinatayo ko para sa amin sans ni Aly pero ngayon ay nakaset na lang ito para sa amin ni Zely. May darating na lang na taga linis at taga laba ng damit ko dahil wala na akong time para dito.

Dumiretso ako sa sementeryo at nagkwento ng mga ginawa ko kahapon. Isang oras kung ginawa iyon saka nagdrive na papunta ng opisina.

Daily routine ko na ito bago pumasok iyon na ang naging sandalan ko para makasurvive sa araw araw

"Sir may tao po sa loob," sabi ng secretary ko.

"Huh? Bakit ka nangpapasok?" Tanong ko.

"Eh sir kilala niyo daw po siya at may dapat daw po kayong pag-usapan ng masinsinan tungkol daw po kay Zely ba yun? Ah oo Zely daw," sabi niya.

Abidance Of Love (AOL BOOK 2) [FIN]Where stories live. Discover now