[2😎]

7 2 1
                                    

Jhon Harold's POV

"Hi harold! Baby ko!"

"Oh.... hi babe"

Sinuklay nya ang buhok ko gamit ang mga daliri nya habang nilalapit nya ang katawan nya saakin. Hindi ko alam kung sino yung babaeng to. Basta alam ko, isa sha sa mga babae ko.

Umupo sya sa hita ko, habang unti-unting nilalapit ang muka nya para halikan ako.... nung nag ka dikit na ang mga ilong namin.... bigla shang huminto. What the fudge?!

"What's the problem?"

"Hahaha"

What the heck?

"Hey, hey, hey, why are you laughing?"

"Hahahha"

What's her problem?! Tinatawanan nya lang ako. maya-maya, Bigla na nya kinatok-katok yung ulo ko

"Hey! Stop it!" Nakaka gigil na ah!

"Hahahaha"

Tinuloy tuloy nya lang yung pag katok sa ulo ko habang tumatawa. Hindi ko mahuli yung kamay nya para pigilan sha dahil mashado shang malikot.

Pumikit nalang ako sa sakit..... nang hindi na ko naka pag pigil.... binuksan ko ang mga mata ko at...

"ANO BA?!"

Nagulat ako sa pag bukas ko ng mga mata ko, nakita kong nasa kwarto ako at galing sa........... bangungot? Ok na sana eh

"ANONG 'ANO BA' ANG SINISIGAW MO DYAN?!"

Mas lalong nagulat ako ng sumigaw yung real life wonder woman (amazona) kong ate. Ate Shiena

"Wala yun!" Sigaw ko pabalik sakanya

"Lumabas ka na dyan! Ilang beses na kitang sinabihan na wag mag lo-lock ng kwarto kapag may kasama ka dito sa bahay!"

"Pano pala pag nag bibihis ako? Tapos, hindi naka lock yung pinto ko?"

"Manahimik ka dyan! Palagi naman kaming kumakatok!"

"Alam mo ate----"

"TAHIMIK! LUMABAS KA NA DYAN PARA MAKA PAG HANDA KA NA---"

"BAKIT NAMAN AKO MAG HAHANDA----"

"POTEK KANG BATA KA! LUMABAS KA NA DYAN! WAG MONG PINUPUTOL YUNG MGA SINASABI KO! MAG E-ENROLL KA PA! BIBILANGAN KITA HANGGANG SAMPUNG SEGUNDO!

Inayos ko kaagad yung sarili ko. Kahit naman hindi nya ko bilangan, alam ko na kung anong gagawin nya sakin.

"10, 8, 7, 5, 3, 0! LABAS DYAN!" bilang si ate sa labas

Potek naman oh! Totoo ba talaga na naka tapos ng pag aaral yung ate ko? Hindi man lang, marunong mag bilang!

"Andayan na!"

Tinapos ko ng mabilisan yung pag tu-toothbrush ko. Mamaya nalang ako maliligo pag ka tapos kumain. Pogi parin naman ako kahit hindi ako maligo.

Lumabas na ko ng kwarto kahit parang binagyo yung buhok ko at wala pang sapin sa paa.

"BAT AN TAGAL MO?!"

"nag toothbrush lang ako saglit" sabi ko habang naka yuko.

Bigla na nya na lang ako pinag susuntok at sampal.

"Aray! Masakit!"

"Talagang masasaktan ka sakin! Lakas ng loob mong putulin ang mga sinasabi ko at sagut-sagutin ako! At talagang pinag hintay mo pa kong bruho ka!" Pagalit nya sakin habang BINUBUGBOG nya ko.

5 kings and 5 ordinary girlsWhere stories live. Discover now