Chapter 1: Flashback.

4K 59 4
                                    

Ito yung dating nangyayari sa buhay ni Camille at Jayzam.

----

Her POV

"Okay class, meet your new classmate. Mr.Manabat."

"Goodmorning everyone. I'm Jayzam Manabat." Manabat? Kapatid pala siya ni Klio.

"Pst. Klio kapatid mo?" Tanong ko kay Klio na nasa harap ko.

"Oo. Masama ugali niyan promise!" Malakas na bulong ni Klio.

"Ok Mr.Manabat, please take your seat next to Ms.Trinidad."

Katabi ko siya. Tsk.

"Get one whole sheet of paper and explain the following." Wika ni maam samin bago magsulat sa board.

"Hoy Jayzam penge papel." Sabi ni Klio kaya binigyan niya ito.

Hinanap ko sa bag ko yung papel ko pero... NAWAWALA ITO. shems. Pano yan.

Napatingin ako kay jayzam na nagsasagot gusto ko manghingi pero...
NAHIHIYA AKO!

Aish! BAHALA NA NGA!

"Ahm. J-Jayzam pahinging papel..."

"Close tayo?" cold niyang sabi. Tsk. Ang sungit.

"Sige na kasi."

"Ahm. Ms.Trinidad. Hindi. Lang. Ako. May. Papel. Dito." Tinignan niya ako wearing his poker face.

"Bilis na kasi!" Wika ko.

"Hoy jayzam! Susumbong kita kay mama! Kakatransfer mo lang yang ugali mo nanamang yan yung pinapairal mo!" pagsuway sakanya ni Klio.

Wala ding nagawa si Jayzam kundi bigyan ako ng dalawa.. Dalawa daw para di na ako mangulit. Yey!

»Fast Forward«

"Camille.. Pagpasensyahan mo na si Jayzam ah! Ganun talaga yun peeo madaldal yun. Haha." Sabi ni Klio sakin. Btw. Nasa canteen kami ngayon ni Klio.

"Ok lang, siguro naninibago lang." Sagot ko naman.

"Hi galssss!" Si Mae.. Ang president sa room namin at SSG ng school.

"Oh wassup pres?" pagbati namin ni Klio.

"Klio, yung kapatid mo, si Jayzam ang bait!" -Mae.

"Mabait? Sus! Sinusungitan nga ako eh!" -Ako.

"Ikaw lang! Kanina nga palabas na ako.. May nakabangga ako sa hallway tapos nahulog yung mga libro ko then tinulungan niya ako magpulot tapos nung paalis na siya nginitian niya ako! Shemayyy! Ampogiii niya!" Kinikilig na tugon ni Mae.

Psh. Edi sakanya na mabait si Jayzam.

"Talaga? Wao magic! Mukhang natitipuhan ka ng kapatid ko ah!" -Si Klio.

"Hihiz.. Kung matitipuhan niya man ako.. Edi maganda!" Ngayon halos mahimatay na si Mae sa sobrang pula.

"Mae.. Pinapatawag ka may meeting daw yung mga SSG ngayon sa library." Si Ate Pinky 4th year college na siya unlike us.. 3rd year palang.

"Osige! Byeeee gals!" Pagpapaalam ni Mae.

Buti naman umalis na yun.. Nakakainis!

"Oh camille bat ka nakasimangot? Naiinggit ka ba kay Mae kasi mabait sakanya si Jayzam?" Pang-eechos ni Klio.

"Sus! Di noh! Ako? Magseselos? Psh, Never." Pagtanggi ko naman.

"Sabi ko naiinggit, di nagseselos, uyyy. Defensive~" Pang-aasar ni Klio.

Gosh! Oo nga noh! Bakit selos yung sinabi ko.

"Selos, inggit. Iisa lang yun diba?" Pagkukunwari ko.

"Sus! Dont me Camille." Natatawang tugon ni Klio.. Baliw talaga amp.

"Hayst. Halikana dadating na si prof maya-maya." pag-iiba ko para di na niya ako lokohin.

"Okay sabi mo eh." Nakangiti parin niyang sabi.

"Hay naku! Tigilan mo yang ngiti mong yan Klio ah.." Sabi ko sabay talikod baka echosin ulit ako.

Back to class na ulit kami at math time na ngayon.

"Ok class, get your yellow paper and index card."

Agad kong sinilip sa bag ko kung dala ko yung yellow paper at index card ko and thank God! Dala ko.

"Camille, pahingi." Npatingin ako kay Jayzam. Tsk. Kitams di namimigay tas wala din naman pala.

Di ko siya pinansin at nagkunwaring wala akong narinig.

"Peymus, wag na nga.." Rinig kong bulong niya at tumayo siya papunta kay Mae. Hanubayan akala ko naman magmamakaawa siya sakin.

Nakasimangot ako hanggang sa mag-uwian kami.. Badtrip ako, pwede ba!

"Una na ako Camille ah.. Bye!" Tugon ni Klio bago siya umalis.

»»»

Nakarating na ako sa bahay ng nakasimangot parin pero sinalubong agad ako ni pheper... Ang aso namin na sobrang cute!

"Ate! Tulungan mo nga ako dito." Bungad ni cholo sakin habang nakaupo sa study desk at nakatingin sa papel niya.

"Camille tulungan mo nga yan kanina pa nagpapatulong eh di ko rin magets eh." Sabi naman ni Tita Camsy.

Tinignan ko yung papel ni cholo at shemay MATH pala..

Basic algebra.. Buti naalala ko pa to.

"Osige wait lang magbibihis lang ako choleng." Sabi ko kay cholo at nagbihis ako agad.

Pagtapos ko magbihis aty tinulungan ko na agad siya sa assignment niya.

"Salamat ateee." Nakangiting tugon ni cholo sakin.

"Sus! May kapalit yun! Dahil ako ang naka-assign sa maghuhugas ng plato ngayon.. Pero ginawa ko yung assignment mo.. Ikaw nalang ang maghuhugas ng plato!" Sagot ko naman..

"Osige yun lang pala eh. Basic."

Dumiretso ako sa kwarto ko at nag-online.

*scroll*

*scroll*

-.-

Jayzam Manabat.
Add friend.

I-aadd ko ba?

Nah. Wag na siguro. Ang sungit nun. Baka di ako iaccept.

Pero.. Malay mo.. Iaaccept niya...

NO! di ako iaaccept nun kaya itutulog ko nalang to..

Humiga na ako sa kama at matutulog na pero may bumabagabag talaga saking iadd friebd siya eh.. Hanubayan!

Ewan ko ba kung bakit.. Hayst.

Napaupo ako sa kama ko at binuksan ang acc ko at sinearch ang pangalan niya...

***

A/N: Oright! Wassup mga readers and Mandirigma na nagbabasa ngayon.. Sana nagustuhan niyo po ang story kooo. Haha. Iaadd-friend kaya ni Camille si Jayzam o hindi? Malalaman mo yan sa next chapter kaya keep on reading! And vote, comment, support. Byeee.

Love Without LimitsWhere stories live. Discover now