C18

99 6 1
                                    

Belle's Pov

"oh. bakit umalis si alex? diba siya sasabay?" Barron.

"hindi pa daw siya gutom." ako.

"ah guys, my importante pala akong gagawin sige alis na ako." vincent. Tumalikod na siya agad.

"ano problema nun? kanina lang sabi niya gusto niya sumabay maglunch sa atin?" barron na kinamot niya yung baba niya.

"oh I smell something fishy around here. Grabe ang araw na to, ang unexpected diba bes?" I just rolled my eyes to her.

"kain na nga tayo, gutom na ako." lumakad na kami papuntang cafeteria.

Umorder na kami ng pagkain at humanap ng upuan. Kumain lang kami ng tahimik, minsan may nagsasalita at minsan tinutukso ako ni Iya kay Barron. May araw talaga tong babaeng to sa akin. Pagkatapos kumain naghiwalay muna kami kasi pupuntahan namin si alex, siya naman pupuntahan si Vincent.

Papunta na kami ni Iya sa tambayan namin at natanaw na nga namin si Alex kaya nilakad nanamin kung saan kinaroroonan niya. Nakatingin lang siya sa kabilang puno. Umupo na kami sa tabi niya kaya lang hindi pa niya ata alam na nasa tabi na niya kami.

"hoy!" mejo sigaw namin. Lumingon siya sa amin.

"oh anjan na pala kayo." tapos tumingin siya ulit duon sa puno.

"ano problema alex?" ako. Hinawakan ko shoulder niya.

"Oo nga, andito kaming kaming kaibigan mo handang makinig." Iya.

Tumingin siya sa amin, nagsmile kami at tumango.

Alex's Pov

Tumigin ako sakanila at nagsmile sila na tumango sa akin. Dapat ko bang sabihin? syempre tinatanong pa ba yan, kaibigan ko sila.

I sighed.

"Ganito kasi yun.." nagsimula na akong magkwento.

Flashback.

Tumaas na ako at dumiretso na sa kwarto. Nakakainis talaga, hindi man lang ako hinayaan ni mommy magsalita. Paano kung maniakin niya ako ulit dito sa kwarto. Binuksan ko na yung pinto at padabog ko itong sinara at humiga ako agad sa kama ko. Bahala siya jan hindi ako magpe-prepare ng gamit ko. Nakahiga lang ako ng biglang may kumatok ng pinto ko, malamang siya na yun. Papapasukin ko ba? mauuwi lang ito awayan eh. katok lang siya ng katok, nakaka irita na kaya binuksan ko na.

Pagkabukas ko..

"Isara mo yang pinto." walang gana kong sabi at tumalikod na pero nakita kong nagsign of the cross pa siya, ai grabe ginawa niya pa akong aswang pero hindi ko na pinansin at humiga ulit sa kama.

"oh bakit ka humiga? asan na yung mga gamit at learning materials mo?" vins. bumangon ako sa pagkakahiga ko.

"don't tell me mag-aaral talaga tayo." I faced him and I crossed my arms over my chest.

"ai malamang! kaya nga pinapunta nila ako dito para turuan ka kasi mababa daw grades mo."

"eh sila yung turuan mo wag ako at excuuuse me! kung masipag lang ako eh baka ikaw pa ang turuan ko." pagmamayabang ko.

"Weh??? wag ka ng palusot."

at ayun nag away nanaman po kami.

"Tama na nga at mag umpisa na tayo mag-aral please!" nag-isip muna ako dahil nag please siya.

"Ok." pero syempre masama akong balak, kailangan ko rin gawin ito para hindi talaga matuloy ang kasal at siya na mismo ang umayaw.

Nag umpisa na kami, umupo na kami sa table at nag umpisa na niya akong turuan. Ang ginawa ko yung juice na pinadala ng maid namin ay ibinuhos ko sa pants niya pero ako todo deny pero pinabayaan niya na, tinutulugan ko siya at gnigising niya ako na galit siya kasi sayang daw laway niya, sinusulatan ko din yung damit niya, nung nag CR din siya nilagyan ko rin ng bubble gum yung upuan niya at marami pang panti-trip sakanya. Tinitiis niya pa ako nung una pero napuno na siya sa mga ginawa ko.

"I've had enough of this!" sigaw niya.

"ok you may go" sabi ko na mejo nakangiti.

"You're a bitch! no a witch! ummh no you're a devil!" sabi niya. grabe sinabi niya na lahat.

"Are you done? if you're done, you may leave."

"Grabe ganyan ka ba kasama! sa lahat ba ng tao ganyan ka? huh?! jan sa ugali mo walang tatagal sayo! at walang taong magmamahal sayo!" mejo naiiyak na ako. huminga siya at nagsalita ulit.

"na lahat ng lalaki sa mundo itatakwil ka at hindi ka mamahalin dahil sa kilos mo at salita mo!" huminga siya

"siguro pati yung pamilya mo hindi ka mahal! at napipilitan na lang sila patirahin ka di--" hindi ko siya pinatapos sa sabihin niya dahil sinampal ko siya.

" tapos ka na ba? pwede ka na bang umalis? huh?" blurred na yung paningin ko kasi iniiwasa kong umiyak sa harap niya.

"Alex sorry hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko."

"Alis!" nakayuko lang siya.

"hindi ka aalis?" nakayuko lang siya kaya itutulak ko siya palabas ng kwarto ko.

"Alex sorry talaga, I did not mean to say those words." malapit na kami sa pinto at binuksan ko ito.

"Alis!" tinulak ko siya at sinara yung pinto. Pagkasara ko pumunta ako sa bed ko at yung pinipigilan kong iyak kanina pa ay inilabas ko.

Narinig kong sorry siya ng sorry hsa labas hanggang tahimik na, umalis na nga siya...

End of flashback.

Next week po ulit

1or 2 chapter/s po pero kung my atleast five votes baka madagdagan pa. haha

May klase na din po kasi ako. :-)

WattpadGirl meets WattpadBoy?!Where stories live. Discover now