#9: A Good Start

1 1 0
                                    

-Sheen's POV-

Pagkauwi't pagkauwi namin ay agd na akong dumeretso sa kwarto ko at humiga.

Tahimik ang bahay.

Parang nababalot ng dilim ang buong paligid.

At parang napakalungkot na ng buhay namin.

Kailangan muna akong makalimot.

Kailangan ko munang kalimutan ang lahat kahit sa sandali lang. Parang ikamamatay ko kasi ang pagalala sa mga nangyayari.

Ugh.

Di ko kayang isipin ng ulit-ulit ang lahat.
Di ko kaya.

Nakatulog naman akong basa ang mga pilikmata.

Bunga ng balde palde kong luha.

Sana lang paggising ko bumalik ang saya sa aming lahat. Ang nandito si Papa. Kasama namin. Masaya.

"Anak, tumayo ka dyan at ituloy mo ang buhay mo"

"Pero papa di ko kaya, sumama kana sa akin"

"Anak ayokong nakikita kang malungkot"

"Pano naman ako magiging masaya papa?"

"Anak, isipin mong nandyan pa ang Mama mo, mas kailangan ka niya anak."

Napatigil naman ako sa pagsasalita at tumakbo malapit sa kanya para yakapin sya.     

Habang papalapit ako sa kanya, unti-unti namang naglalaho ang katawan niya hanggang sa paglapit ko sa kanya..

Yun naman ng tuluyang pagkalaho niya.

"Papaaaaa!" Nagising ako ng tumutulo ang luha ko.

Ang panaginip ko.

Si papa.

Gusto nyang ituloy ang buhay ko para kay Mama at kuya.

Kahit sa sakit at lungkot na nararamdam ko,

Napatingin ako sa bintanang may sikat ng araw.

Gagawin ko.

Gagawin ko  para sayo papa.

Para kay Kuya at Mama.

At para sa sarili ko.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ni Mama .

Naririnig ko ang bawat iyak niya.

Nararamdaman ko bawat hagulgol niya.

Linapitan ko sya at niyakap ng mahigpit.

Isinandal naman nita ang kabila niyang pisngi sa braso ko.

"Mama.. Tahan na."
Sabi ko ng napakahinahon.

Tuloy-tuloy lang ang paghagulgol niya.

Hanggang sa di ko namalayan ay tumutulo na rin ang luha ko.

"Alam mo ma, napaginipan ko si papa.." sabi ko kay Mama.

Patuloy lamang naman ang paghagulgol ni Mama habang nakatingin sa bintana.

"Sinabi nya sa akin na pilitin nating ayusin ang pamilya."

Napaingin naman siya sa akin ng basang-basa ng luha ang mga mata.

"Ma... dapat ikaw magsimula non diba?" Sabi ko sa kanya ng humahagulgol na.

"Nandito pa kami oh. Kailangan ka namin."sabi ko sa kanya na nakatingin parin sa akin.

Nagtagal ng limang segundo ang pagtititigan namin ni mama. Hanggang sa...

Cherish Every Moment(Ongoing)Where stories live. Discover now