Chapter 4

26 4 0
                                    

A/N sobra naman ang pagkabitch ng intro ng pinsan ko sa last chapter ang sama no? pagpasensyahan niyo nalang po hahahaha salamat po sa mga nagbabasa nito kung sino man kayo. We love you all especially sa mga magagandang babae na nagbabasa. Now on with the next chapter
_________________________________________
C H I L D H O O D M E M O R I E S

Nei's PoV"

Nandito na ako sa canteen ngayon kumakain kasama ang maingay kong kaibigan na si kyro.

"Uy bro sigurado kang okay ka lang?"

Nababanas na ako sa ingay nitong lalakeng to sobra. I mean I
appriciate the concern and all but,
he's so annoying.

At biruin mo ilang beses na siyang nagtatanong na kung okay lang ako since nung nakarating kami dito sa canteen. Hindi ko na nga maenjoy ang kinakain ko eh.

"Oo nga! ang kulit mo sobra. Tyaka pwede manahimik ka muna? Can't you see that I'm trying to enjoy my meal here?"

Mahinang sabi ko pero madiin

"Sorry naman. Sadyang nag-aalala lang ako kasi hanggang ngayon namumula pa rin ang yang mukha mo sa sampal at sapak niya eh."

Di ko nalang siya pinansin kasi kapag pinansin ko pa siya mas lalo lang tatagal ang usapan. But he does have a point though, kanina pa nga namumula ang mukha ko dahil sa babae na yun.

Tinuloy ko nang kainin ang meal ko nang may bigla akong nasulyap si gilid ng mata ko. Guess who? The one and only leighra. At sakto pa dahil sa amin siya dadaan. Kaya hinulog ko ang balat ng saging na kinain ko kanina sa dadaanan niya.

Nakita ko kung pano nanlaki yung mga mata niya dahil sa wala siyang makitang makakapitan....kaya bago pa siya nahulog ng tuluyan Sinalo kona siya hindi ko alam kung paano pero sinabi nalang bigla ng utak ko na gawin ko yun eh. Nung nasalo ko siya bigla nalang akong natulala sa kagandahan niya. Sobrang ganda niya talaga parang once in a blue moon ka lang ata makakakita nang ganitong klase ng kagandahan.

Pero syempre hindi ko sasabihin na maganda siya,kaya bago paniya maimulat ang mga mata niya tumikhim at nagsalita nako.

"Ehem! miss baka gusto mo ng tumayo nangangalay na ko, masyado ka atang nasisiyahan."

Nung minulat niya mga mata niya, halatang halata sa kanya na gulat na gulat siya. Kala mo na nakakita siya ng multo.

Bigla nalang siyang sumimangot nung sinabi ko yun. Bakit? totoo naman ah kanina pa siya sa mga braso ko no at nangangalay na ako.

Pero nung patayo na sana siya bigla ko nalang siyang binitawan tsk para naman kahit papano eh makabawi ako sa kanya.

At mas lalo pa siyang na nagalit at namula, nasaktan din ata siya pero sadyang di niya lang pinapahalata. Aba ang taas ng pride mo ah tignan natin kung saan aabot yan.

Pero tumayo siya bigla at lumapit sa akin sabay.... "PAK" sinampal niya ulit ako pero mas malakas kesa sa room. Sa sobrang lakas napatahimik ang buong canteen at lahat ng tao tumingin sa kanya.

Hindi na ako nakapag react pa dahil sa bilis ng pangyayari.

"Ano tinitingin tingin niyo!?"
pasigaw na sagot pagkatapos niyang sabihin yon nilingon niya ko ng may matatalim na tingin at sinabeng
"You want war? then Bring it on"

Generation WarWhere stories live. Discover now