Pamilya

28 1 0
                                    

Isang buwan nalang pasukan na ni Roxelle ngunit wala pa syang gamit nag away nanaman kasi ang magulang nya kagabi dahil sa kalasingan ng tatay nya

"Nay, papasok pa ho ba ako? I mean mag aaral?" tanong ni Roxelle sa nanay nya habang nag huhugas ng pinggang pinagkainan si aling Joselyn

"Oo naman anak, sa makalawa baka makakabili narin tayo ng gamit mo sa paaralan na pag aaralan mo" mahabang sagot ng kanyang ina, hindi makapaniwala si Roxelle sa sagot ng kanyang ina hindi nya rin napigilan ang sayang naidulot nun sakanya

Mahal nya ang pag aaral kaya naman ginagawa nya ang lahat para makapag aral ng mabuti

Nang hapon din na yun habang nag lalaba sya ay dumating ang kanyang ama na lasing nanaman 'hindi naman na bago kay Roxelle ang ginagawa ng kanyang ama ngunit ng araw na yun imbes na sa bahay nila dumeretso ang kanyang ama ay sa ibang bahay sya pumasok

Sobra sobrang kaba ang naramdaman ni Roxelle ng araw na yun dahil hindi naman kalayuan ang bahay nila sa bahay na pinsukan ng kanyang ama, pinilit nyang pakalmahin ang sarili nya at sinasabing baka makikipag inuman lang ang kanyang ama ngunit parang may sariling buhay ang kanyang paa at namalayan nya nalang na naglalakad na pala sya papunta sa bahay na pinasukan ng kanyang ama

Gusto nya mang tumigil at umuwi nalamang ay parang hinihila sya ng kanyang katawan kaya't hinayaan nya nalang. Nang nasa harap na sya ng pinto ay abot abot ng kaba ang kanyang dibdib nagilid narin ang kanyang luha sa di maipaliwanag na dahilan

Kahit pa sobrang lakas ng pintig ng puso nya ay naglakas loob parin syang katukin ang pinto na kaharap nya

Sa halip na tao ang bumukas ay kusang bumukas ang pinto at ng silipin nya to ay walang tao. Nagtaka sya at doble pa ang kabang naramdaman nya, ng makapasok sya sa bahay ay nakarinig sya ng pag ungol mula sa kung saan kaya sinundan nya ang pag ungol na yun hanggang sa dalhin sya ng sariling paa sa isang kwarto

Hindi rin nakasara ng mabuti ang pinto ng kwarto kaya't unti unti syang dumungaw sa loob at hindi sya makapaniwala sa nakita nya ang kanyang ama ay nakikipag talik sa iba, nag uunahang kumawala sa mata nya ang luha nya ano mang pigil nya agad syang tumakbo palabas ng bahay hindi nya alam kong saan sya pupunta hindi nya alam kong ano ang kanyang gagawin hindi nya alam kong pano nya sasabihin ang lahat ng nasaksihan nya sa kanyang ama kasama ang kanyang babae! Napaka walang kwentang ama ng tatay nya habang umiiyak at naglalakad napansin nya na lamang na nasa harap sya ng bahay nila agad syang nilapitan ng kanyang ina upang patahanin

"Jusko anak? Anong nangyare? Bat ka umiiyak?" bakas sa mata ng kanyang ina ang pag aalala, agad syang binalot ng kanyang kunsensya

'diyos ko pano ko sasabihin sa nanay ko lahat ng nakita ko' yan na lamang ang nasa isip nya habang yakap yakap at pinapatahan sya ng kanyang ina agad din silang pumasok sa loob ng bahay nila

Humiling si Roxelle sa kanyang ina na iwan muna sya pansamantala nais nya lamang makapag isip.

'laging sinasaktan ni itay si inay lalo na tuwing lasing sya' sabi ng kalahating utak nya

'ngunit alam kong sobrang mahal ni inay si itay, maaring di nya ako paniwalaan' sabi muli ng kalahati ng kanyang isip

'Kung hindi mo sasabihin kung anong nakita mo maaring magalit sayo ang iyong ina pag nalaman nyang alam mo ngunit di mo sinabi' bulong ng kalahati ng puso nya

'Mahal ng iyong ina ang iyong ama ngunit mas mahal ka ng iyo ina kahit sa ano mang bagay kaya habang maaga sabihin muna upang makalaya na kayo sa kalupitan at panloloko ng iyong ama' sabi muli ng kanyang puso

Naglalaban ang puso't isip nya, hindi nya alam ang kanyang gagawin hanggang ngayon tuloy parin sa pagpatak ng luha ang kanyang mata ng pumasok sa kwarto ang kanyang ina

Short Story (One Shot)Where stories live. Discover now