Chapter Thirty-One - Wedding

45.4K 643 24
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

September 12, 2021:  This is currently on discounted price on Lazada and Shopee. Look for Gretisbored.

Thank you very much for reading this novel!

*************************************************

Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Nakatayo na siya sa harapan. Naghihintay. Pero parang panaginip pa rin sa akin ang lahat. Ang hirap talaga paniwalaan. Papano niya nagawa yon? 

Nakita kong nagbulung-bulongan ang mga guests nang pumasok kami ni Brian. Nakatingin lahat sa kasama ko. May ibang hindi nakatiis. Napasabi pa ng kawaisou (kawawa naman) habang nakalingon kay Brian. Pambihira. Kung alam nyo lang. Mga tsismosa.

Ang taong pinag-uusapan naman ay kampante lang. Walang pakialam. In short, dedma. Alam ko namang narinig niya ang usap-usapan pero no effect lang sa kanya. 

Pumasok mula sa pintuan sa gilid na malapit sa altar ang isang Caucasian na nakasutana. Pumagitna ito at naghudyat na sisimulan na raw ang seremonya. Pumailanlang ang isang bridal march at lahat napalingon sa pagpasok ng bride in a strapless white gown. Sexy pa rin siya at almost flat ang tiyan kahit na almost nine weeks pregnant na. Nakangiti ito. Larawan ng kaligayahan. Samantalang, seryoso at halos di ngumingiti naman ang kanyang groom. 

Nang simulan na ang wedding rites parang nawirduhan ako dahil ibang-iba sa nasaksihan kong seremonya sa Pilipinas. Nagbabasa na nga lang ng verses 4 to 8 ng Corinthians I Chapter 13, mali-mali pa ang ibang basa. Kaya di ako nakatiis, kinalabit ko si Brian.

"Is he a real priest?" tanong ko.

Umiling siya. "No. He was just hired to minister the wedding," bulong nito sa akin. Napangiti ito nang makitang parang shocked ako. Pwede ba yon? Hindi pari pero nagmi-minister ng wedding?

"Whether a real priest or not ministers the wedding is immaterial here. This ceremony is just for show because the one being recognized by Japanese law is the marriage documents submitted to the city hall registrar. And there's no ceremony required for that," pagpapaliwanag pa nito.

"Really?" Ang weird naman. Ay, pag ako kinasal, ayaw ko ng ganito.

Parang nahulaan ni Brian ang nasa isip ko, palihim niyang pinisil ang kamay ko habang nakangiti.

"You will have a better one," bulong pa niya sa akin. Napasulyap ako sa kanya at medyo pinamulahan. Ayaw ko namang isipin niya na masyado akong nag-e-expect.

Nawili kami sa pagbubulongan, hindi namin namalayan na tapos na pala ang seremonya. Sinabihan ang lahat na hindi family members and close friends na mauna na sa reception hall. Nagpaiwan kaming dalawa. Nilapitan namin ang couple.

"Congratulations, buddy," bati ni Brian sa kaibigan at kinamayan ito bago tinapik sa balikat.

"Thanks, buddy," simpleng sagot nito. Medyo asiwa pa nang konti. Pero in-assure naman siya ni Brian na wala na sa kanya ang lahat.

"Hey, Gary. Congratulations," bati ko rin sa kanya. Humalik ako sa kanyang pisngi. Yumakap siya sa akin. Medyo maluha-luha. Nakakapanibago. Never ko kasing naisip na emotional siyang tao. Sinong mag-aakala?

Pagkatapos magpa-picture ng couple kasama ang kani-kanilang pamilya, mga kaibigan naman. Sa side ni Gary, kaming dalawa lang ni Brian. Papano kasi, kaming dalawa lang ang naimbitahang dumalo sa wedding ceremony na ginanap sa chapel ng Ana Hotel. Ang iba kagaya nila Rhea, James, Liam, at Andrew ay sa reception na lang. Ni hindi naimbitahan isa man sa mga kaibigan ko. Limitado lang kasi ang pwede.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Where stories live. Discover now