"O, sinabi ng doctor na 'wag kang masyadong magpapagod. Masama iyon sa baby natin, ha. Tawagan mo agad ako kapag may morning sickness ka o masama ang pakiramdam mo. I don't care kung anong oras iyon, basta tatawagan mo ako. Okay?" litanya ni Ross.
Nasa airport sila dahil inihatid niya si Sandra doon. Babyahe ito sa Davao para sa shooting ng ginagawa nilang pelikula.
"Opo."
He embraced his wife. "Mag-iingat ka do'n. Kumain ka ng maraming healthy foods para sa'yo at sa baby natin." Hinaplos niya ang tiyan nito at napangiti siya.
Sandra was two months pregnant. Ilang buwan lang, tatay na siya... tatay na ulit. At sa pagkakataong ito, hindi na siya magkukulang sa anak niya. He's more than excited for the coming months. Finally, after months of trying, biniyayaan na rin sila ng anak.
"One week lang akong mawawala. At saka kasama ko si Kuya Herald. Hindi ako pababayaan no'n. Baka nga, tumunganga lang ako do'n at hindi na niya ako pakilusin."
"Hay, kung pwede ko lang iwanan ang mga estudyante ko...kaso talagang hindi pwede. Basta ang usapan natin, ha?"
"Oo nga po. At ikaw, magpa-check up ka, please. Hindi nawawala ang mga pasa mo sa braso."
Tumango siya. "Didiretso na ako ng hospital mamaya."
"Sige, from time to time, magtawagan na lang tayo." Tumango siya. "Need to go. I love you, Sweetness! Mag-ingat ka dito."
"I love you, Sweetness! Tawagan mo agad ako, ha." He leaned down to kiss her and after few seconds of glance, he let go of her. He waved as she entered the terminal.
Dumiretso siya sa hospital kung saan nagtatrabaho si Penpen. Mula kasi nang maging ganap na doctor ang kaibigan at sister-in-law niya ay ito na ang humawak ng health records niya. Internal Medicine ang specialization nito. Pinapunta rin niya si Hansen doon para suportahan siya. Alam niyang may mali sa katawan niya. Matagal na niya itong binabalewala sa takot na malamang may malalang sakit na naman siya.
Sumailalim siya sa physical exams at lumabas na may anemia nga siya. Ngunit dahil may history siya ng heart transplant at kung anu-ano pang complications noon, minabuti ni Penpen na i-refer siya sa ibang specialized doctor. Sumailalim na rin siya sa iba't ibang tests tulad ng bone marrow aspiration at bone marrow biopsy.
Makailang araw ay pinabalik siya ng doctor para sa iba pang test tulad ng computed tomography o CT scan, magnetic resonance imaging o MRI scan, at iba pa. At pagkalipas ng ilang araw ay lumabas na ang mga resulta ng tests.
Hindi na nagawa ni Ross na tumuloy sa Senang Hati para sa gig ng Infinity matapos niyang makausap ang kanyang doctor. Diretso siyang umuwi ng bahay. Sinabi na lang niya sa mga kabanda na di maganda ang kanyang pakiramdam. Si Penpen at Hansen ang unang nakaalam ng lagay niya. Natulala silang tatlo nang makumpirmang may sakit na naman siya.
Wala pa rin siya sa sarili nang humiga sa kama. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang mga sinabi ng doctor.
"Mr. Ferrer, series of tests showed that you have abnormal cells inside your bone marrow. The cells grow very fast, and they replace healthy blood cells. The bone marrow, which helps your body fight infections, eventually stops working correctly. Because of that, you are more prone to infections and have an increased risk of bleeding as the numbers of healthy blood cells decrease."
Noong una ay hindi niya maintindihan ang patutunguhan ng paliwanagan na iyon hanggang sa sabihin na ng doctor ang sakit niya.
"I'm sorry to inform you that you have Acute Myeloid Leukemia or AML, a quickly disease characterized by too many immature blood-forming cells in the blood and . This type of cancer is very rare at your age. Normally, ang nagkakaroon ng AML ay may edad o matatanda na. It is the reason why you experienced series of fever and flu these past few weeks and those bruises on your shoulder and arms. Humihina kasi ang immune system mo."
BINABASA MO ANG
When God Made You (Published under PSICOM Publishing, Inc.)
Romance"True love is real. If you are able to find it, you are lucky. If that person finally arrived, never waste time searching for reasons. Just fall in love and let love give you the best lessons in life. Because love indeed is the most wonderful gift y...