Unang Kabanata

23.4K 188 91
                                    

  "Oh ano mga inday? Ready na ba kayo? Bilis na! Nandito na si Congressman"

Sigaw ni Madam X, isang bakla na tagapamahala ng bar na pinagtatrabahuan ko. Strikta sya at tuso. Ayaw nyang may nagkakamali at gumagawa ng hindi naaayon sa kanyang kagustuhan. Gahaman rin sya sa pera kaya naman gagawin nya ang lahat makasamsam lamang ng pera, kahit na ba iyon ay pagbebenta ng kaluluwa nya at ng ibang tao.

"Ano ba Ann! Hindi ka parin tapos magbihis? Baka gusto mong hubad ka nang magsayaw sa mga parokyano ko!? Peste ka talaga kahit kailan. Kung di ko lang best seller ang ina mo noon ay hindi sana kita tatanggapin eh! Bilisan mo na dyan kung ayaw mong ingudngud kita sa mga semento!"

Singhal nya sa akin. Ako si Ann. Labing-pitong taong gulang. Salungat sa madalas na ginagawa ng isang dalagang kagaya ko na mag-aral, maglakwatsa at magsaya, ako ay nagtatrabaho. Nagsasayaw sa harap ng mga lalaking hayuk na hayuk sa panandaliang kamunduhan at mapusok na kaligayahan. Isa akong prostitute.


"Oh ano? Tutunganga ka nalang ba dyan?! Tangna ka pala eh! Dapat kasi binenta nalang kita sa Kanong nais bumili sayo! Wala kang kwenta!"


Singhal na naman nya sa akin na nasundan ng isang malutong na sampal. Ngunit taliwas sa mga soap opera na napapanood ko sa telebisyon, walang naglakas ng loob na tulungan ako at awatin si Madam X. Nagpatuloy silang lahat sa pag-aayos ng kanilang mga sarili.


"Pasensya na po Madam X, gutom lang po ako kaya hindi agad ako nakapag-ayos ng aking sarili"


Paghihinging paumanhin ko. Totoo naman kasing gutom ako. Hindi ako nakapagpananghalian dahil sa inutusan ako ni Ate Gracy na mamili ng mga make up nya sa isang tyangge. Hindi naman nya ako binigyan ng pagkain pagdating ko at binulyawan pa ako dahil mali-mali daw ang aking nadala.


Matapos ang ilang minuto lang ay handa na ako. Pumila na ako kasama pa ang iba naming mga kasamahaan. Sa aming lahat ay ako ang pinakabata. Ako lang rin ang birhen pa sa amin. Ito ay sa kadahilanang nag-iwan ng sulat ang aking ina na nagsasabing nais nya akong maisalba sa kumunoy na kanyang kinasadlakan noon. Hindi man ako tuluyang nakaahon ay hindi rin naman ako tuluyang lumubog.


"And now, let's welcome! The fresh and the sizzling hot Popsicle!"
Ito na ang hudyat na hinihintay namin. Sabay sabay na lumabas ang limang kababaihan na kinabibilangan ko. Nagsimula na kaming magsayaw. Maririnig ang samo't-saring mga hiyawan ng mga parokyanong nagnanais ng makita ang bida ng palabas na ito. Si Ate Gracy na mas kilala sa tawag na Popsicle.


"Wooh Popsicle!"


"Puta ang sarap mo talaga!"


"Ugh sh*t I'm gonna fuc* you Popsicle!'


Ilan lamang iyan sa mga sinisigaw ng mga kliyente namin sa t'wing lumalabas na si Ate Gracy. Sya kasi ang itinuturing na bida sa bar na ito. Maraming nagnanais na mailabas sya matapos ang aming mga pagtatanggal. Maganda kasi sya kahit na natatabunan ng maskara ang kanyang mukha at ayon sa aking nga kasamahan ay magaling rin raw si Ate Gracy na magpaligaya ng mga parokyano kaya naman binabalik-balikan sya.


"Ayusin mo pagsasayaw mo Ann kung ayaw mong maparusahan mamaya"


Kanyang bulong sa akin ng nadaan nya ako at malanding hinawak-hawakan ang aking mga dibdib at kumembot. Iyon naman ay nakapagdulot ng labis na ingay sa mga parokyano. Sa tingin ko nagustuhan nila ang ginawa ni Ate Gracy sa akin. Ayaw ko man ay wala akong nagawa at nagpatuloy na lamang sa pagsasayaw.


"Oh Gracy! May magtetable na naman sayo. Ikaw talaga ang swerte sa bar na ito!"


Nakangiting sabi ni Madam X. Sa tingin ko'y malaki-laki na naman ang kikita-in ni Madam X nito.


"Sige Madam X, pupunta na ako dun" syang sagot ni ate Gracy.


"Ann! Sumama ka kay Gracy, may gusto ring magtable sayo!"


Nagitla ako sa aking narinig at nagkatinginan kami ni Ate Gracy.


"Pero diba di pa po pwedeng magtable si Ann? Bak-"


"Sasama ka Ann? O ibibigay kita sa Kanong nais bumili sayo!? At ikaw Gracy wag kang makikialam kung ayaw mong malintikan! Sige na pumunta na kayo dun!"


Wala na kaming ibang nagawa pa kundi ang pumunta sa table na itinuro sa amin ni Madam X. Dun ay naghihintay sa amin ang anim na kalalakihan.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I hope you would leave some comments critiquing my work. I would love to read it even if its a bad one. 


-Undeniablybeast
 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Virgin ProstituteWhere stories live. Discover now