Magkabilang Mundo (Short Story)

283 4 21
                                    

In love, age and distance will remain just numbers.

~**~

I am never the type of person who believes in long distance relationship. The truth is, against pa nga ako sa ganoong set-up ng relasyon.

Hindi kasi ako naniniwala na pwedeng may mabuong pagmamahalan sa dalawang taong milya-milya ang layo sa isa't-isa.

Sabi ko pa nga sa mga kaibigan ko noon na may karelasyong malayo sa kanila "Yun ngang magkasama na araw-araw, nagkakasawaan, nag-aaway at naghihiwalay, yun pa kayang dalawang taong malayo sa isa't-isa?"

Oo, K.J. ako.

Siguro dahil hindi naging maganda ang unang experiences ko sa love. Siguro dahil na rin sa lumaki ako sa isang pamilya na close at malapit sa isa't-isa. Siguro dahil hindi ko pa talaga nararanasan.

Para kasi sa'kin, ang long-distance relationship ay isang malaking sugal.

Hindi mo kasi makakasama ang taong mahal mo. Hindi mo malalaman kung niloloko ka na ba niya o hindi. Hindi mo siya laging makakausap.

Pwedeng maghanap siya ng iba kapag natukso siya.O kaya naman, pwedeng ikaw yung mahulog sa iba na mas madalas mong nakakasama.

Hindi mo naman kasi masisigurado kung ano ang pwedeng mangyari sa future.

Madaling sabihin yung mga salita na "Ikaw lang talaga ang mamahalin ko.", "Hindi kita ipagpapalit.", "Forever na tayong dalawa, promise."

Ang tanong, hanggang saan mo kayang panindigan ang mga salitang iyon?

At hanggang kailan mo panghahawakan ang mga ganoong pangako?

~~~

*YOU GOT A NEW MESSAGE!!!

Lumabas na naman ang pop-out sa gilid ng screen ng laptop ko.

May bagong message, kanino naman kaya ito galing?

I clicked the pop-out at lumabas ang message from someone na hindi ko friend sa site na yun.

*FROM: JOKER

HI :)

Joker???

Ayos ang username.

Pinag-isipan ng matindi.

Because of curiousity ay sumagot ako sa message niya.

*TO: JOKER

HELLO :)

Wala pang 2 minutes ay may reply na siya agad palatandaan na online siya.

*FROM: JOKER

I LIKE YOUR SMILE. YOU LOOK CUTE.

Mas lalong nadagdagan ang curiousity ko sa taong 'to.

Ang tingin ko kasi, hindi siya Filipino.

Puro English kasi ang message niya sa'kin.

Para hindi na ako manghula pa tungkol sa kanya ay in-add ko siya as a friend at pinuntahan ko ang profile niya.

And gosh!

When I saw his face, ang gwapo niya! Para siyang artista.

I looked in his profile background.

He is French. At kasalukuyan siyang nakatira sa France.

Dahil sa nabasa ko ay nagkaroon na ako ng idea kung ano ang isasagot ko sa message niya.

Magkabilang Mundo  (Short Story)Место, где живут истории. Откройте их для себя