Obsession #010

177 4 4
                                    

Chapter 10

Casey's POV

Ilang araw na ang lumipas simula no'ng insidenteng 'yon. Hanggang ngayon nga ay kinikilabutan pa din ako sa nangyari.

'Bampira na kaya ako?'

Pero, imposible. Hindi naman ako hinawaan siguro ni Dae, 'di ba?

Pero pano'ng nangyaring gano'n nga? Nagustuhan ko 'yong.... 'yong dugo n'ya.

'Pero baka naman kasi masarap talaga?'

Baka nga... baka nga gano'n.

"I let you taste it because I can heal anything with my blood, but I didn't expect you to like it"

Naalala ko pang sabi n'ya bago ako mawalan ng malay.

Oo, sa sobrang gulat ko ay hinimatay nga ako. Pagkatapos no'n, ay hindi ko na muling inungkat ang nangyari.

Napakapit ako sa sink nang sumakit na naman ang batok ko. Kasalukuyan kasi akong nasa banyo dahil nag half bath ako bago sana matulog.

Napapansin ko, madalas sumakit ang batok ko no'ng pumasok ang buwan na ito. Ang birthday month ko.

Pumikit ako ng mariin at bahagyang hinilot-hilot ang parteng 'yon.

Sobrang sakit talaga.

Para s'yang hinihiwa na hindi mo maintindihan.

Paulit ulit akong huminga ng malalim habang hawak ang batok ko dahil habang tumatagal ay mas sumasakit 'yon.

Napalunok ako nang bigla akong makaramdam ng matinding pagka-uhaw. Hindi ko alam, basta nauuhaw ako.

Dumilat na ako nang bahagyang mawala ang sakit. 'Saka dali daling nagbihis, lumabas at bumaba. Lakad takbo ang ginawa ko patungo sa kusina para kumuha ng maiinom.

Para akong nagagahol. Parang hinahabol. Parang mauubusan. Basta, ang alam ko lang, nauuhaw ako.

Mabilis kong binuksan ang ref at kinuha do'n ang isang pitcher ng tubig. Wala ng baso-baso, tinungga ko 'yon ng diretso.

Halos magkandatapon na saakin ang tubig sa kakamadali. Para lang mapawi ang pagkauhaw.

Hingal na hingal ako pagkatapos kong ilapag ang pitcher na wala nang laman.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit naman ako biglang uuhawin? At first time kong uminom ng gano'n ka dami.

Napasandal nalang ako sa sink nang kumalma na ang kaloob-looban ko. Nawala narin ang pananakit ng batok ko.

'This is very unusual to me. Ang gulo na ng nangyayari sa buhay ko '

Naupo ako. I heaved out a deep sigh saka napayuko. Hinawakan ko ang ulo ko.

'Inaantok lang siguro ako '

Ngunit agad din akong nag angat ng tingin nang makaramdam ng presensya.

Dumiretso ang tingin ko sa isang bulto na nasa ikatlong dulo ng hagdan.

Kinurap ko ang mata ko at nakitang si Zainer 'yon. Diretso ang tingin n'ya sa'kin habang pababa ng hagdan.

Sa isang kurap lang, ay nandito na s'ya sa harap ko.

"What are you doing here?" Bungad na tanong n'ya sa'kin.

Umiling ako, "Wala, nauhaw lang ako kaya bumaba ako para uminom ng tubig" sagot ko "Ikaw?"

Lumakad s'ya at binuksan ang ref saka nagsalin din ng tubig. "Same?" Tila hindi pa siguradong tanong nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Fangs:A Vampire ObsessionWhere stories live. Discover now