⚜Beginning⚜

85 23 7
                                    


The chapters are edited.....Enedit ko dahil nga sa pati ako di ko maintindihan yung story na ginawa ko hahaha... Kaya yun kahit di pa completed en-edit ko na agad para maayos basahin ....

Tyaka beware 🤣 my characters are you know they don't live in modern days so😄 yung lang..... At! This is my first Fantasy story kaya di pa gaano kaganda....Enjoy reading!!!(*∩ω∩)

*****************************

Third Person's PoV

Madilim ang gabi at huni lamang ng mga panggabing hayop ang naririnig. Dahil sa patay na ang mga ilaw ng mga kasambahay ay oras na upang umalis dahil sa misyong hinawakan nila ngaun.

Pupunta siya at ang kanyang mga kasamahan sa kabilang dako ng isla ng Vervanda.

Kinuha nya ang kanyang mahalagang mga gamit para sa misyong ito, kasalukuyan syang nagliligpit ng biglang pag dating ng kanyang ama't ina.....

"Handa ka na ba anak? Nag hihintay na ang iyong mga kasamahan sa labas" tanong nang kanyang ama.

Napatango na lamang sya, at napa buntong hininga na lamang ang kanyang ama.

"O sya,basta anak mag-iingat kayo at lalong lalo kana"May halong pag-alalang pag sabi nang kanyang ina.

"Sige ma kailangan ko ng umalis dahil hinihintay na ako ng aking mga kasamahan,hindi naman gaanong mahirap ang misyong to kaya kayang kaya namin to,sa dami ba namang mga misyong napag daanan namin." Pag mamalaki nya sa kanyang mga magulang niya habang naka ngiti.

At napa ngiti na lamang ang kanyang mga magulang at niyakap siya.

"O sya sige, humayo ka na't hinihintay ka na ng mga kasamahan mo." Sabi pa nang kanyang ina pag katapos nitong yakapin siya.

Tumango sya at sinukbit na ang kanyang dalang bag na may lamang kaka-unting damit at iba pa niyang kakailanganin sa misyon...

"Sige ma, pa, kailangan ko ng umalis" wika nya

Tumango na lamang ang kanyang ama't ina at tyaka na lamang sya lumabas sa kanilang tahanan..

Nang nasa labas na sya ay nakita na nyang naroroon na sa di kalayuang nag hihintay ang kanyang mga kasamahan kaya kumaway sya at nang nakita nang kanyang mga kasamahan ay agad naman silang kumaway pabalik....

"Tara na, maaabutan tayo nang liwanag kung di natin bilisan" Usisa nang kanyang isang kasamahang babae na naka sakay na sa kanyang kabayo.

Kaya sumakay narin sya sa kanyang kabayo.

At yun na nga nag simula na silang umalis ng lumingon sya sa kanyang tahanan at nakitang kumakaway ang kanyang magulang sa labas nang kanilang tahanan ay kumaway rin sya at ngumiti,alam nyang kita nang magulang nya ang kanyang ngiti dahil sa sinag nang buwan at sa mga ilaw na naroroon sa kanilang pwesto....mayroon kasing poste ng ilaw ang nakatayo sa bawat daanan na naroroon.

Pagtapos nang kanilang huling paalam ay tinoon na nya ang sarili sa daan.

The Two Island (Chosen Guardians Of Chantarya) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon