Lapida

10 0 0
                                    

Lapida
By: Jamelle Zarate
02/19/2018
Reverse Poetry

"Lapida"

I.
Sa mundong ito
May dahilan pa
Ang pag guhit ng lapida, sa dalawang pulso
Nanginginig sa pag babago, pag wawaksi
Sa mundong ito.

II.
Mayroong sampong rason
Nakakatakot na aminin sapagkat ito ay totoo
Mali ka!
(1) Walang maki-kinig, (2) walang maka-ka-kita
(3) Walang maka-ka-intindi, (4) sapagkat mag-isa ka lang.

III.
(5) Di totoo na
May Diyos na naka-antabay
(6) Sa paulit-ulit na pagkakamali
Kanilang inalipusta at tinawanan.

IV.
Manahimik ka
Wag pakinggan
(7) Wala kang kwenta!
Ang bobo mo!
Basura ka lang!
Mamatay ka na!
(8) Sino nga ba ako sa mundong ito?
(9) Patuloy na kinadena sa aking isip at puso.

V.
Manalig ka
Hindi totoo
Ang siyang pinangakong kapalaran
Ang mamatay sa salita at pang huhusga
Ng matang bulag at tengang bingi sa katwiran
Na tila sila ang dakila.

VI.
(10) Sa pag dungan ng gabi, sa aking silid
Naramdaman ko ang lamig
Sa unti-unting pagtawag, ang lapidang iguguhit.

VII.
Panginoon, ito'y nag iba
Nang maintindihan ko

Deutronomy 31:8

"It is the Lord who marches before you; he will be with you and will never fail you or forsake you. So do not fear or be dismayed."

Poems of the NightWhere stories live. Discover now