Chapter 1

373 2 0
                                    

Nasa sala ako ng bahay namin ng marinig ko tumunog yung cellphone ko, kaya agad na bumangon ako para kunin at sagutin ito.

Airrha's calling..

"oh bakit napa tawag ka?"
sabi ko sa pinsan ko habang ni lilipat ng bagong episode ng kdrama na pinapanuod ko.

"Hoy phy! baka nakakalimutan mo invited ka dito sa graduation celebration ni pamela?!" sigaw nito sa kabilang linya.

"Ay oo nga no? ngayon na pala yun, sigesige pupunta ako"

"Sumabay kana lang kina Gingle kasi sasabay ako kay pam, kami na bahala mag arrange duon."

"okay sige bye."

Muntik ko ng malimutan, celebration nga pala ngayon. masyado akong na di-distract sa date ngayon.

March 22

Kung saan masaya sana naming e ce-celebrate ang 8th monthsary namin kaso wala eh, naiwan akong luhaan at nag iisa. ipinikit ko ang aking mga mata para alalahanin ang mga huling salita na sinabi nya sa akin.

"Ayoko na, Sawa nako. mag break na tayo, napapagod na ako."

hindi ko namalayan na unti unti ng pumapatak ang mga luhang galing sa mata ko, hindi ko mapigilang masaktan at umiyak. Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko matanggap kung bakit bigla nalang niya akong iniwan sa ere. bumangon na ako at dali daling pinunasan yung mga luha at saka nag madaling pumasok sa cr.

@GrandCentral

Nang matapos ako ay nag pa alam na ako sa magulang ko at dumeretso na sa gc, medyo may kalayuan ito kaya after an hour ay naka rating narin ako.

"kring.. kring.."
Gingle's calling..

"Asan kana?! aba ikaw nalang hinihintay namin ah!" pagalit na medyo may halong birong sigaw ni ging sa akin.

"Aray naman! Nandito nako sa labas sa mismong tapat ng gc na, saan ba kayo banda?" Sabi ko Habang nag lalakad ako papasok ng gc.

"Ah okay, nandito lang kami sa may center. pag pasok mo makikita mo kam--"

"Kita ko na kayo." pag puputol ko sa sasabihin ni ging sakin. kumaway ako sa kanila at binaba na yung call. ng makalapit ako sa kanila ay isa isa ko silang yinakap at kinamusta.

"how are you guys? its been a long day since nagkita tayo ah?" sabi ko dito habang umuupo sa bangko.

"okay lang, maganda parin. ikaw?" sabi ni aisah.

Naalala ko nung dati, sobra din akong nasaktan sa kanya. kung ano ang pinag daraanan ko ngayon yun ding mismo ang nadaanan ko sa kanya. mas masakit lang ngayon kumpara dati. i used to love this girl, but now? i love her as a friend nalang and im glad na naging friends kami kahit na may past kami dati. madalas ko itong biruin kaya naman binuri ko ito.

"eto, namimiss ka *wink*" sabi ko dito, ewan ko lang ha pero nangiti siya sa sinabi ko eh. oh well, kaya tayo na sasaktan phy eh masyado kang assuming -_-

"Ayan! Ayan! kaya nag seselos sako si Jeya eh. ginaganyan mo si aisah, alam mo namang may something kayo before" sabi ni kristine sakin, kaya medyo natawa ako. Oo nga naman, nakakatawa mang isipin na kahit magbarkada kami ni Jeya ay pinag seselosan parin ako nito. Oh well sinong hindi mag seselos eh ex nga ako ni aisah? hahaha.

"Oh sya sya! pasensya, di na kayo ma biro eh. sino pa bang hinihintay, tara gora na tayo, gutom na ako" sabi ko sa kanila habang hinihimas yung tiyan ko, sobrang nagugutom na talaga ako. Feeling ko kahapon pa ako walang kain, tsk iba talaga epekto pag broken hays.

SHE'S INTO HERWhere stories live. Discover now