Day 001

34 7 2
                                    

Third Person's Point of View

Nag simulang ng umingay mula sa bawat sulok ng paaralan ang nakakabinging tunog ng bell at ilang mga sigawan ng estudyante dahil sa hudyat na nagsasabing makakauwi na ang mga estudyante ngunit nanatili pa din na nakaupo sa pwesto nila ang mgababarkada ni Jungwoo.

Tahimik lang ang bawat isa sakanila hanggang sa tumayo na si Doyoung mula sa upuan niya at nag punta sa harap para siyang mag salita at bumasag ng katahimikan.

"Ngayon ang unang araw ng mga kaparusahan niyo. Tig-2 oras lamang ang ibinagay ko kaya ayusin niyo ang pag tatrabaho. Mas magaan pa nga ang binigay ko sa inyo kesa sa mga naka away niyo kaya wag niyo ng dagdagan pa ang mga parusa niyo, walang masasangkot sa gulo, nag kakaintindihan ba tayo?"

Dahan-dahan namang napabuntong hininga ang mga kaibigan ni Doyoung bago isa isang tumayo sa kanilang upuan para maghanda sa kani-kanilang trabaho sa loob ng dadaang 2 oras.

Ng tuluyan ng makaalis ang mga ito ng walang angal na nadidinig si Doyoung ay agad naman niyang nilingon ang natitirang binata na hanggang ngayon ay naka upo parin sa kanyang upuan at tahimik na nakatulala lamang sa kawalan. Nilapitan ito ng nakatatanda at bahagyang tinapik sa balikat kung kaya't agad na napataas ang tingin nito kay Doyoung.

"Tara na. Kunin natin sa opisina ko ang mga gagawin mo sa detention room." Agad na dumiresto sa pinto si Doyoung habang nanatiling naka upo naman sa upuan niya si Jungwoo, na pinagmamasdan siya.

"Hyung, bakit?" Tanong ng nakababata na nakapag patigil kay Doyoung sa may pintuan ng kanilang silid aralan.

Nanatili namang nakatalikod sakanya si Doyoung bago sumagot.

"Sabi mo nga nadamay ka lang kaya bakit mabigat na parusa ang ibibigay ko? Tuamayo ka na dyan at tulungan mo ako." Direstong sagot ng nakakatanda na hindi man lang tinapunan ng tingin si Jungwoo hanggang makalabas ng pintuan.

Naguguluhan man ay nanatili na lang na tahimik si Jungwoo at tumayo para sundan ang Doyoung hyung niya.

---
Matapos humikab ay napalingon si Jungwoo sa cellphone niya na nakapatong sa lamesa sa gilid ng mga folder na nakakalat. Pag unlock niya dito ay agad na bumungad sakanya ang oras. Mag dadalawang oras na pala mula ng mag simula siyang ayusin ang mga report papers na hindi natapos ng ssc officers. Ito ang naging parusa niya mula sa di sinasadyang pagkakasali sa away ng mga hyung niya.

Wala naman talaga siyang balak makipag away ngunit ng mapadaan siya sa gym at nakitang binubugbog na ang ilan sa mga kaibigan niya ay agad siyang naki awat na nauwi sa pagkakadetention kahit hindi naman sinasadya na nandun siya sa lugar mismo kung saan nagkakagulo at hawak niya pa ang isa sa mga sugatang estudyante.

Pinagmasadan niya naman ang Doyoung hyung niya na nasa kabilang upuan at nakatulog na sa ibabaw ng mesa. Mahimbing ang tulog nito at bakas ang pagod sa muka. Bahagyang napangiti si Jungwoo dahil sa kabila ng pagkakadentention ay may maganda naman pala siyang nagawa at yun ay ang tulungan ang hyung niya.

Alam ng nakababata kung gaano pinapahalagahan ni doyoung ang trabaho nito bilang estudyante at ssc presidente. Saksi siya sa ilang taon na pagpapakastress nito sa katungkulan at ngayon dahil sa pagkakadawit niya sa iaang away ay nagka tyansa na siyang tulungan ang hyung niya at least ngayon alam niya na may pinatutunguhan ang ginagawa niya at nakakapagpahinga pa ang hyung niya.

"Ang sipag mo kasi masaydo hyung." Bulong ng nakababata habang dahan-dahang hinahawi ang buhok ng nakatatanda.

Pinagmasadan niya pa ito ng ilang minuto bago ginising. Umuwi ng may masayang ngiti ang nakababata na hanggang sa makapasok ng kwarto ay hindi mapagtanto ni Doyoung lung bakit ito masaya kung pinagtrabaho niya ito ng tambak tambak ng report papers sa loob ng 2 oras.

Napailing na lang si Doyoung ng tuluyan na silang makpasok ng dorm.

-end of day 1-

10 Days In Detention || DoWooDär berättelser lever. Upptäck nu