Chapter 26

573 22 10
                                    

I Want The Dress

"Ruth?" Narinig ko ang katok ni Luke sa pinto ng banyo.

Natigilan ako sa ginagawa. Shit! Hubo't hubad ako rito. My ghad! What to do?

"Bakit, Luke?" Sigaw ko pabalik.

"Uhmm... I actually bought you a dress. Iyun lang naman..." Aniya at may tono pa nang pag-aalinlangan sa boses niya.

"Sige... Ilagay mo na lang sa kama," sabi ko.

"And, hihintayin kita sa baba," aniya.

Napangiti ako bigla. Parang mag-asawa lang? Agad kong kinagat ang aking labi.

"Sige..." Ani ko.

Nagpatuloy ako sa pagligo. Nagtapis ako ng tuwalya at dahan-dahang lumabas sa c.r.

Baka nandito pa si Lucas, mapahiya pa ako! Napahiya na nga ako kagabi.

Nakalagay sa kama ang isang puting maxi dress na may maliliit na polka dots.

Ang ganda!

Ang ganda ng taste ni Luke...

Agad ko iyung kinuha at isinuot. Ang saya nito ay hanggang ankle ko. Spaghetti strapped at may heart-shaped neckline ito. Hapit naman nito ang bandang baywang ko. Mas lalo lang akong nagmukhang mataas. Kulang na lang maging kulay berde ito para mapagkamalan akong celery.

Linait ko naman ang sarili ko.

Though... I actually like the dress!

I pulled my hair into a ponytail, nagpabango at kung ano pa bago bumaba.

Lucas was sitting in one of the tables of this little restaurant. May tasa ng kape sa harap niya at tapsilog. Nakatingin siya sa dagat. He's wearing a plain white polo shirt and shorts.

Nang napalingon siya sa direksyon ko ay agad siyang ngumiti.

Para naman akong kinabahan dahil sa titig niya. I don't know why can't my system get used to this. O baka... Sadyang nasanay ang puso kong bilisan lang ang tibok kapag nakatitig sa akin si Lucas...

Dapat sanay na akong ganito, di'ba?

Goddamit!

Lumapit ako sa kanya at naupo na rin sa mesa. Napatingin ako sa menu board ng restaurant.

"Ano'ng gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Hungarian sausage?" Patanong ko ring sagot. "Dalawang serve."

Walang hiya! Umandar naman ang pagkatakaw ko. Pero kasi... Gutom ako.

Natawa siya. "May hindi rin pala nagbago sa'yo..."

I did not change. Alam ko sa sarili kong hindi naman talaga ako nagbago. I may change my priorities. I may change the way I dress. But, I'm still the same old Ruth. I may wear dresses but I still like to wear my signature shirt and pants attire. I got to change my perspective but I did not change.

"I need to eat a lot. Baka kalansay na lang ang matitira sa akin kapag nag-diet pa ako," sabi ko.

"Kahit anong kain mo, 'di ka naman tumataba," aniya.

Malakas lang ang metabolism ko, sabi nila. I can't even remember the exact definition of metabolism! Alam ko lang, it has something to do with food digestion. Wait, mali ba? Basta!

Matapos naming kumain ay tumulak na kami papuntang isla. Lightly packed kaming dalawa kaya hindi mahirap ang byahe.

"Buong araw ho kayo sa Sicogon?" Tanong nung bangkero.

"Opo."

Matagal-tagal rin kaming nasa laot. Hindi ko na binilang kung ilang minuto kaming doon. Naaliw ako sa mangasul-ngasul na dagat. Tila kumikinang sila dahil sa sikat ng araw.

Pagkarating namin sa isla ay agad naman naming linagay sa kanya-kanyang kubo ang aming mga gamit.

Should I be relieved or sad that we have separate rooms?

"Gusto mong maglakad-lakad sa beach?" Tanong ni Lucas.

"Sige," iyong lang ang nasabi ko.

Tama ngang maraming turista dahil palapit na ang summer. Nagbabakasyon ang mga tao. Nagkakasaya. Naiinis ako noong estudyante pa lang ako. Laging aral ng aral hindi naman ako kumikita. Tapos parang pinapamukha pa sa akin ni Dad noon na nakadepende ako sa kanya dahil iyun nga hindi maganda ang grado ko. Ngayon, na-miss kong maging estudyante. Atleast, students have two months of vacation, a week of semestral break and Christmas break. Ngayon, halos magmakaawa ako sa boss kong bigyan ako ng leave.

Sa katunayan hindi naman ako nanghingi ng leave, si Lucas ang gumawa 'nun para sa akin.

I looked at the kids playing with the seawater. Kasama niya ang kanyang ina at ama. They look so happy.

Nakalimutan ko na ang huling bakasyon ko kasama si Mom at Dad. Alam ko lang ang huling bakasyon namin ay noong six years old pa lang ako. Wala nga akong halos maalala. After our firm was built, nandoon na halos lahat ng atensyon ni Mommy at Daddy... Pati ni Kuya Rave!

Sandali, ngayon gusto ko namang magbakasyon kasama ang pamilya ko.

May isa na naman akong pag-iipunan!

Napalingon ako sa katabi ko at nahuli kong nakatingin lang siya sa akin.

There goes the mini heart attack again. Kailan ba 'to titigil, ha? Lagi na lang?

"What are you staring at?" I manage to say. Marahan akong tumawa para mabawas-bawasan ang aking pagkailang.

"I like your dress," puna niya. "Mabuting nagustuhan mo rin."

Gusto mo ring isuot? Gusto ko sanang sabihin sa kanya.

"Yes. Kumportable ako," ani ko.

"Good."

"Bakit binilhan mo 'ko?" I'm actually wondering.

Binaling niya ang tingin sa malawak na view ng dagat. "I like it. Naisip kong babagay sa'yo kaya binili ko na lang."

Bumagusbos ang hangin. I watched as the wind brushed his hair. His nose... His deep-set eyes...

Nakadama ako nang kaunting kiliti. I want to giggle so hard but instead, I just gave a suppressed smile. Sumagi ako sa isip niya kaya binilhan niya ako ng damit. Kahit kaunting bagay lang 'yon pero sapat na 'yun para maging maganda ang modo ko.

"Ang ganda kaya..." Dagdag niya.

Hindi ko man sadya pero sumasagi lang talaga palagi sa isipan ko.

"I'm not straight."

Hindi raw siya straight. Naisip kong bakla nga siya pero sabi naman ni Kaye, bisexual.

Kaya I assumed he's bisexual. But, now, I think he's gay closeting his own feelings!

He knows he can't ruin his reputation by cross-dressing!

There goes my out-of-the-world imagination again!

"Sa totoo lang, bagay ka maging model," aniya sa akin. "Noon pa lang, I can imagine you wear Kaye's designs in her fashion shows."

Gusto niya bang isuot 'to? He wants this yet he can't kaya ako na lang ang pinasuot niya. Just like any other girls, who wants to play dress up. Hindi niya magawa sa sarili niya kaya sa akin na lang niya pinapasuot.

I don't know how to frigging react!

"You want this dress, huh," ani ko sa mahinang boses at napayuko.

"Yeah," aniya. "I want the dress..."

Gusto niya nga!

"I mean... I want the dress for you," aniya.

🏙️

HaywiredWhere stories live. Discover now