Chapter 18: Big Surprised

1.1K 30 0
                                    

Alesha POV

Nandito kami ngayon ni Drake sa sala at nanonood ng T.V. It's been a month simula nang ikasal kami. Si Drake excited na talagang magkababy.

"Wubs anong iniisip mo?" tanong ni Drake.

"Wala Lang"

"Wubs punta tayo kina Kade may sasabihin siyang importante sa akin"

"Sige"

Pagkatapos naming manonood, nagbihis na kami at pumunta na sa bahay ni Kade.  Nakita naming naglilinis Ng bahay si Hera.

"Good morning, Ma'am may bisita po kayo"

"Uyy Drake buti napadalaw ka" bulalas ni Kade habang pababa ng hagdan.

"Alam mo namang miss na kita" pilyong sabi ni Drake kaya natawa nalang kami.

"Kumusta ka na, Alesha?" tanong ni Hera.

"Okay lang ako"

"Dito ka muna Wubs, boys talk muna kami ni Kade"

"Okay lang Hubs"

Pagka-akyat ni Drake, umupo muna ako. Pumunta muna si Hera sa kusina para kumuha ng merienda.

"Alesha, merienda muna tayo" sabi ni Hera at naupo sa tabi ko. "Alesha, humihingi ako ng paumanhin sayo at sa mga nagawa kong kasalanan"

"Ano ka ba Hera, okay na sa akin yon at alam kong masaya na tayo pareho"

"I'm so sorry talaga, pwede ba tayong maging magkaibigan?"

"Sure. Walang problema"

Kaya masaya silang nagkwentuhan at mas masaya nang makita nila Drake at Kade na maayos na ang lahat na nagkabati na ang dating magkaribal.

__________________

Hapon na kaming umuwi at pagkadating sa bahay pagod na pagod kami.

"Wubs" nang-aakit na sabi ni Drake.

"Tama na Hubs pagod ako"

"Pero"

"Walang pero-pero pagod talaga ako"

"Okay"

Next morning.....

"Hubs gusto ko nang ice cream na strawberry"

"Ano ka ba wubs, strawberry talaga"

"Sige na"

"Ano namang nangyari sayo at bad mood ka?" Mahinang sabi ni Drake sa sarili.

"Bilisan mo na Drake at baka Hindi ka makatabi sa akin mamayang Gabi"

"Magpapabili ako kay, Manong"

"Gusto ko Ikaw" nakasimangot na sabi ni Alesha sa asawa.

Pagka-alis ni Drake, agad akong umakyat at kinuha ang pinabili kong pregnancy test Kay Manang. Pumasok ako sa loob ng banyo. Pagkatapos laking tuwa ko nang Makita ko ang resulta.

Positive. Magkakababy na kami....

Ano palang date bukas? Nakita kong Birthday niya pala bukas... Alam ko na bukas ko nalang ibibigay ang regalo niya...

"Wubs nandito na ako" sabi ni Drake sa baba kaya tinago ko muna ang PT sa loob ng bag ko at inilagay sa pouch. Pagkababa ko nakita ko si Drake na nanonood ng movie.

MCIMFB: Back Off He's MineWhere stories live. Discover now