Prolouge

45 2 0
                                    




Tinatawagan ko si Xander kaso ayaw niyang sumagot, lowbat ba siya ?




Pumunta ako sa Hotel na tinutuluyan ni Xander at nang nag-elevator ako ay nakasabay ko si Verron.




Huh,  anong ginagawa niya dito. Nakatira ba siya dito ?




"Oh,  kamusta kana Verron ?" nakipag-apir naman kami sa isa't isa. At masaya kaming dalawa na nagkita.




"Sa lahat-lahat ng lugar , dito pa tayo nagkita , haha." nakangiti niyang saad.  Tinignan ko naman siya at wala parin siyang pinagbago.  "Okay lang naman, pupuntahan ko sana 'yung girlfriend ko" nakita ko naman na sobrang saya niya at napangiti naman ako ng may makitang singsing sa bulsa niya. 




"Magp-propose kaba ?" nakangisi ko naman siyang tinignan at lumawak naman 'yung ngiti niya,  kaya 'yung mata niya parang nakapikit na , ang  cute.




"Oo, bridesmaid ka ah"




"Sure, kung may kailangan ka para sa kasal , tawagan mo lang ako , ah. Tutulungan kita , hahaha" niyakap ko naman siya ng mahigpit dahil alam kong 'yung babaeng papakasalan niya ay 'yung bumuo at nagpabago sa buhay niya. Kaso hindi ko pa siya nakikita , hays.




"Thank you for hugging me" bakas 'yung lungkot sa boses niya kaya naman mas lalo ko itong hinigpitan.  "Maaasahan ka talaga, Arialeine" tinanggal ko naman 'yung yakap sa kanya at binatukan siya.




"Nageemote na nga ako tapos biglang ganoon" napatawa naman ako sa sinabi niya ganoon na din siya.




"Ano nga palang ginagawa mo dito at may cake ka pa ah" napangiti naman ako habang nakatingin sa cake.




"Ah, 1st anniversarry kasi naman ngayon ng bf ko. Gusto ko sanang surpresahin siya.




"Ang swerte naman ng bf mo , haha"




"Dapat lang ako 'to eh" napatawa naman kami




Ting




Bumukas naman 'yung elevator kaya naman tinignan ko siya.




"Bye,  dito na ako. Huwag mong kakalimutan na tawagan ako ah,  kundi lagot ka sa akin" nagkunwari naman akong galit at ngumiti lang siya. 




Papunta na sana ako sa kwarto ng boyfriend ko nang makitang parang may sumusunod sa akin.




Tinignan ko kung sino 'yun at si Verron lang pala.




"Anong ginagawa mo dito ?" nagtataka kong saad.




"Huh , ako dapat magtanong sa'yo niyan. Dito nakatira 'yung girlfriend ko" tinignan ko naman siya at nakanuot ang kilay niya.




"Huh,  are you sure ? Dito nakatira boyfriend ko" parehas naman namin tinignan ang sarili ng nagtataka , ng biglang may mapagtanto kami.




Pumasok naman kami sa loob ngunit walang tao doon ngunit may bakas ng mga nakakalat na damit.




Dahan dahan naman ako naglakad at sinabayan 'yung mga nakakalat na damit.




Napaiyak naman ako ng may makitang damit ng babae at may bra at panty pang nakakalat.




Pinuntahan ko naman 'yung kwarto ay napaluha naman ako sa nakita.




Kaysa siya ang susurpresahin ko mukhang ako yata 'yung nasurpresa sa nakikita ko ngayon.




Mas lalo pa akong napaiyak ng may tumakpan sa mata ko.




Niyakap ko naman siya ng mahigpit.




"Bakit bestfriend ko pa !" sabay naming saad.  Tinanggal ko naman 'yung yakap niya at nagkatinginan.




Pinahid ko naman 'yung luha sa aking pisngi at tinignan namin ang isa't isa ng may nagaapoy na galit sa taong nag-traydor sa amin.




"Gusto mo bang maghiganti ? Lahat ng sakit na pinaranas nila sa atin ibabalik natin ng mas triple" malamig na saad ni Verron.




"Oo , gusto kong iparanas sa kanila kung gaano kasakit ang matrayduran ng kaibigan" pumikit naman ako para kontrolin 'yung nararamdaman kong galit.




Tinignan ko naman siya ng malamig ganoon na din siya.




Hinawakan naman namin ang isa't isa at sabay na umalis doon.  




"Makikita niyo 'yung paghihiganti namin , Xander at Marrianne. Maghintay lang kayo" galit kong bulong sa aking sarili.




2 years later...



****



I hope you will enjoy this story :)


- Queenaestha a_a

Flaming Hearts Where stories live. Discover now