Chapter 6

6.4K 194 48
                                    


Warning: The following content is intended for mature audiences and may contain sexual themes, gore, violence and/or strong language. Discretion is advised.



This chapter is UNedited (yet). Some parts may have typos, misspells and grammar errors. Thank you.


**



CHAPTER 6

Lender's Pov.

Hindi parin ako makapaniwalang sinabi niya sakin lahat ng iyon. Bakit niya akong gustong maging alipin niya? Ano ba makukuha niya? Kasalanan ko ba? Para ba pahirapan ako? Andami kong tanong na hindi naman nasasagot.

Bumangon nalang ako sa higaan ko, ang bigat din ng loob ko dahil sa napanaginipan ko. Pagdating ko kasi mula sa school kanina ay natulog na agad ako. Hindi ko alam kung bakit antok na antok kanina.

Hindi ko din alam kung anong nangyare kay Kade kanina pagkatapos niyang sabihin yun ay iniwan niya lang ako na nakatulala at gulat dun sa restroom.

Pagkatingin ko sa labas ay magdidilim na pala kaya naisipan kong mag-ayos na at lumabas na agad ng kwarto. Dumeretso ako ng kusina pero wala akong naabutan dun.

"Nasan kaya sila Nanay?" pagtatanong ko sa sarili.

Naisipan kong baka nasa likod sila at nagmemeryenda kaya tumalikod ako at naglakad papunta sa likod. Pero bago paman ako makalayo nang tuluyan mula sa kusina ay biglang may tumawag ng pangalan ko na nagpatigil sakin.

"Lender!" rinig ko mula sa likod ko.

Hindi ko alam kung lilingon o tatakbo ako. Bakit na naman ba siya andito?

Kinakabahang lumingon ako patalikod at mas lalo kong ikanagulintang nang makita ko siyang naglalakad papunta sakin habang nakapamulsa. "A-ano yun, H-hans?" nauutal kong tanong sa kaniya.

Huminto siya sa harap ko at alam ng diyos kung gano ako kinakabahan ngayon. Sana wala siyang gawing kahit ano sakin. Nakita kong ngumiti siya ng maluwag. Kaya napahinga ako ng maluwag dahil dun. Alam kong mabait siya sa lagay na'to, kilala ko si Hans at naging best friend ko din siya. Pero sana talaga maibalik na sa lahat ang dati. Lalo nayung pagkakaibigan namin.

"Wala naman, I just came by here. Wala akong magawa sa bahay eh." Saka niya inilagay ang dalawang kamay niya sa batok niya habang nakatingin lang sakin.

Mas matangkad ng bahagya sa 'kin si Hans, pero magka edad lang kami.

"Ahh... gusto mo ba ng maiinom? Ipagkukuha kita. Hindi ko kasi makita sila Nanay eh." Pang-aalok ko sa kaniya.

Sigurado kasi ako na wala naman siyang gagawin sakin ngayon kaya medyo komportable ako sa kaniya ngayon. Pero hindi ko siya magawang tignan ng deretso. Medyo naaasiwa kasi ako sa mga tingin niya sakin. Hindi ko alam.

Umiling siya at lumapit sakin. "I still don't understand why you're doing this. You're better than this Lender. Ayaw kitang nakikitang nahihirapan. I miss the old you." Biglang sumeryoso ang awra niya at tinatapunan ako ng seryosong tingin.

Ngumiti lang ako. Andyan pa pala yung concern kong pinsan. "Alam mo naman ang dahilan Hans, kukuha muna ako ng tubig." At iniwan ko na siya dun. Ayaw ko kasing pag-usapan pa ang mga bagay nayun.

Pagkatapos kong kumuha ng tubig ay bumalik na agad ako sa kinaroroonan niya kanina at nakita kong nakasandal na siya sa dingding at parang nag-iisip ng malalim. Nagpekeng ubo nalang ako para ipaalam sa kaniya na dumating na ako.

I Am My Kuyas SlaveWhere stories live. Discover now