Mikropono

35 0 0
                                    

Huminga ako ng malalim kasabay ng mga luha at pawis na pumapatak at tumagaktak, animo'y gripo sa lakas ng agos, hindi maipaliwanag na kaba ang naramdaman ng buong sistema.

Kasabay ng pag-pikit ng aking mga mata ay ang pag-laho ng mga pangarap na aking minimithi, ang aking mga kamay ay nakagapos sa lubid na puno ng tinik na halos hindi maka-galaw sa sobrang higpit ng pagkaka-tali.

Ang aking katawan at puri na iniingat-ingatan kasama ng aking mga pangarap ay  na ngawala sa isang iglap.

Hindi maipaliwanag na takot at kaba ang aking naramdaman sa bawat haplos ang balat ko'y animo'y nalalapnos,
Magkahalong sakit at hapis ang dinulot ng nakaraan saakin.

Sinubukan kong lumaban sinubukan kong tumayo at ipaglaban ang aking karapatan, ang tama at katotohanan pero walang nakinig wala saaking pumanig ni-kahit isa, wala akong naaninag ni-kahit anino manlang,

Sinubukan kong sumigaw at umiyak subalit walang gustong makinig marahil napukaw sila sa dalang mikropono ng iba.
Marahil nabulag sila sa mga palamuti at mamahaling dekorasyon sa mundong ginagalawan naming dalawa, kung saan ang akala ng lahat ay ang lahat ng maganda ay ang  s'yang bida.

DownfallWhere stories live. Discover now