Ouch

5 0 0
                                    

Megumi's Pov

Ok nginitian ako ni Light totoo ba to..

"Hey L-"

"Liiiiiggghhhhttttt" may babaeng tumawag kay Light..na nasa likuran ko

At ayun lumapit na siya kay Light

Maganda siya infairness ang laki ng  boobs niya pang fhm yung datingan eeeiiiii

Hays akala ko pa naman ako na yung nginitian niya.

"Julz long time no see " sabi ni Light tapos nag beso sila ok ngayon ko lang nakitang ngumiti si Light ng ganun..

"hey Julz ngayon ka lang nag pakita samin aah" sabi ni Jiro

"Busy na kasi ngayon lang nag ka free time bintang binata na kayo aah" sabi niya kay Jiro tsaka bineso pati si Red..

So mag kakakilala sila..

"oh sino naman tong little cute boy" sabi nung Julz habang nakatingin sakin..

Little cute boy my ghad mukha ba kong batang lalake.

"Alex" sabi ko.. Nagulat ako bigla niya kong bineso..

"I'm Julz you're so cute" sabi niya sakin..

"Namiss ko talaga kayong tatlo lalo na si Light lalo kayong pumogi"  sabi niya

"May bago pa ba dun Julz? Matagal na kaming pogi" sabi naman ni Red.

"Oo nag matured na kayo anyways mamaya na lang ulit puntahan niyo ko sa Cab ok my treat Bye boys" sabi niya..

Sabay tumingin yung tatlo sa pwet ni Julz sobrang sexy niya kasi.. Hays mga lalake talaga.. 

"Hindi pa din siya nag babago ang pa din niya " sabi ni Red

" Oo nga eh" sabi ni Light habang naka-ngisi

Sumasakit ang puso ko sa nakikita ko hayssss..

"Ano ba mga Man tutunganga na lang ba kayo dyan" sabi ni Red

" Tara na Alex " sabi ni Jiro habang inakbayan ako

Ok nakikita ko pa lang yung mga ginagawa nila kinakabahan na ko

Marunong naman akong mag balance kasi nga diba nag figure skating ako

Kaso nga lang never ko pang na try sumakay sa skate board. Andito lang ako sa Gilid ng skate park nakahawak sa railing habng sila enjoy na enjoy sa pag lalaro Malilintikan ka na talaga sakin Red...Sumbong kita kay PAPA ... 

"Hey Alex bakit anjan ka lang" sabi ni Jiro sakin 

"Sabi naman kasi sa inyo di ko na kaya mag skate board matagal na kong tumigila sap ag lalaro" sabi ko

"Ang sabihin mo di ka lang talaga marunong" nagulat ako may nag salita sa tabi ko si Light Pala na pawis na pawis at nag pupunas ng pawis gamit ang tshirt niya bakat na bakat yung abs niya sa basa niyang white oversized shirt. Ok ang hot niya..

Ok at dahil sa sinabi ni Light nilakasan ko ang loob kong sumakay sa skate board

Ok Megumi isipin mo a lang na roller blades lang to inapak ko na yung kanang paa ko Sa board at nung iaangat ko na yung kaliwa kong paa

"Waaaaaahhhhhhhh" Ouch ok natumba ako una pwet ang sakit nabali ata spinal Chord ko at syempre bawal umiyak kasi nga lalake ako dito. Nakita kong sila Jiro na papalapit sakin ...ang sakit talaga na papikit na lang ako sa Sakit gusto kong umiyak at pumunta kay Papa.. 

"Hindi na lang kasi aminin na di ka marunong" si Light sabay abot ng kamay para makatayo ako Oh my gaaad dito na ba mag sisimula ang Love story naming gusto kong kiligin pero kailangan kong Pigilan kasi lalake ang tingin niya sakin .

"Ngayon na lang kasi ako nakapag laro ulit" sabi ko sabay hawak sa kamay niya grabe feeling ko may Kuryenteng dumadaloy sa ugat ko papunta saking puso..patuloy kong nararamdaman ang kilig..

"Ok na yung kamay ko" sabi niya sakin Nakakahiya kanina pa pala ako nakatayo. At balik nanaman siya sa dati.

"Alex Ok ka lang ba?" Sabi ni Red

" Gusto mong magpatingin sa Hospital?" sabi naman ni Jiro

" Ang payat mo pa naman" sabi ni Red loko to aah siya kaya may kasalanan

"Ok lang ako mga Man di naman masama yung pag ka bagsak ko " sabi ko

"Wag ka na muna maglaro Lex next time na lang " sabi ni Red buti naman nakaramdam siya

"Ok Lex ganito na lang turuan ka na lang naming" sabi ni Jiro

Ayoko nga pero kung tatangi naman ako baka sabihin nila ang KJ ko tsaka isa pa mukha naman Masaya mag laro dito

" Sige ba namiss ko na din kasi maglaro " sabi ko kanina pa ko nag sisinungaling dito napatingin ako

Kay Light na naka-ngisi.

"Sige na Ok lang ako mag laro na kayo hintayin ko na lang kayo dito " sabi ko sa kanila

nag laro na yung dalawa pero si Light di ko Makita at para di maboring habang nanunuod nag soundtrip na lang ako sa Ipod

Playing "Wonderwall" Oasis ...


di ako Fan ng Oasis. actually isang kanta lang alam ko sa kanila nalaman ko lang to sa isang bata nakilala ko 10 years ago pero di ko naman alam pangalan niya.

fan ako ng mga Pop punk bands and mga Jrock bands, 

Habang nag eenjoy ako sa pakikinig ng Wonderwall naramdaman Kong may humila ng earphone ko...

Sapakin ko na sana kaso 

lumakas tibok ng puso ko...

"L-LIGHT?" sabi ko 

"Oasis? fan ka ba?" sabi niya

"aaah hindi naman ito lang talaga alam ko sa kanta nila" sabi ko.

"Ahh you know what favorite ko yan" sabi niya.

"Ako din" sabi ko.

"You know what Ok ka din pala" sabi niya.

"Eh" sabi ko..

"Ok ka din pala" sabi niya

Sabay fist bomb....

.... Kinikilig na ko pero bawal kong ipahalata........

















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ma-N-LOVEWhere stories live. Discover now