Princess of Genbu: Aiko

5.8K 96 36
                                    

Sorry. No prologue.

CHAPTER 1

"Kenan! Heto ang tubig ohh!" Ibinato sakin ni Floyd yung isang bote ng mineral water. Katatapos lang namin sa dance practice. 

Aaaahhh! Sa Sabado na ang sayaw namin. Isa yung debut party.. Nagbago kami ng pyesa ng sayaw kaya gabi na ang uwi namin ngayon. Buti na lang at alas kwatro ng hapon eh labas na namin sa school kaya dumideretso na agad ako dito sa studio. 

May sarili kaming studio for dancers.. Minsan dito ginaganap ang battle for the dance crew. 150 lang ang entrance fee then winner takes all.

Syempre hindi naman pwedeng sumali ang grupo namin kapag sa amin ginanap ang battle. Sumasali lang kami kapag sa ibang lugar ang venue ng battle.

Ngayong Saturday naman, hindi yun isang laban.. official dancer kasi kami ng "Floyd's" 

"Thanks dude!" sabi ko sa bestfriend ko, si Floyd. Yeah. Sila ang may ari ng Floyd's.. Isa yung lugar na ginaganapan ng mga events.. 18th birthday, 7th birthday.. kasal.. o kung ano ano pa. Malakas ang kita nina Floyd's dahil yun ang pinakamagandang place na ganapan ng mga special events dito sa lugar namin. Doon kami sa Saturday sasayaw.

"Oh pano Kenan? See you tomorrow!"

"Sige. Ingat!" sabi ko sa kanya. Sumalute na lang siya sakin at sabay ngiti.

Nahiga ako sa malaking dance floor namin.. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagod sa ginawa naming practice kanina.

Ako si Kenan Zoldyck. President ako ng grupo namin na kilala bilang "Freestylers Dance Crew" Binubuo kami ng sampung miyembro. Kasama na ako at si Floyd doon.

Pumikit ako ng ilang minuto.. 

Nakaramdam ako na parang may malamig sa paligid.. Iminulat ko ang mata ko at may nakita akong kulay asul na ilaw na nasa salamin. Bilog lang siyang nakalutang sa loob ng studio ko.. Ipinikit ko ang mga mata ko at nang buksan ko ulit ito ay nawala na ang kulay asul na ilaw na hugis bilog. Nawala na din ang malamig na pakiramdam ko.. Siguro nananaginip lang ako.. Nagsimula na akong mag lock ng gate at nagpatay ng mga ilaw. Sa second floor nitong studio ang bahay ko. Plus yung rooftop pa, dito kami nag iinom ng mga kagrupo ko pag natripan o kaya may dapat i-celebrate. Natulog na lang ako dahil maaga pa ang pasok ko bukas.

"Kenan!" tawag sakin ni Floyd pagkababa ko sa motorbike ko na kulay itim na may asul. Sakto palang kababa din niya, may driver kasi siya. Sobrang yaman kasi nila.

Nagsabay na kami ni Floyd since magkaklase naman kami ehhh.. Nasa 4th floor pa ang room namin. Kaklase ko nga pala siya. Pareho kaming Second year college. I.T ang course namin..

18 lang si Floyd, ako naman mag 19 years old na next month..

Ang weird.. nararamdaman ko na naman na may malamig sa paligid. Nasa hagdan ako at katapat lang ng hagdan ang room namin..

Pagdating ko, nagkukumpulan sa sulok ang mga kaklase kong lalaki..

"Anong meron?" tanong ko kay Floyd pero nagkibit balikat lang siya.

"Miss, ang ganda mo talaga.."

"Sang school ka ba galing?"

"Anong pangalan mo?"

Ang dami nilang tanong. Teka? May babae? Wala kasi kaming babaeng kaklase.

"Excuse me." sumingit ako sa mga kaklase ko at saka bumungad sakin ang isang napakagandang babae. Maganda talaga siya.. Ibang iba yung ganda niya. Meron siyang blonde hair na sobrang haba. Sobra din ang puti niya at pag tinamaan ng araw ay parang nag go-glow pa. Nakaupo lang siya na parang hindi alam ang nangyayari o isasagot sa mga tanong nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Princess AikoWhere stories live. Discover now