Chapter 27

4.2K 94 0
                                    

Gia's POV

"Nay, Tay..,
Tawag ko sa kanila pag gising ko.

Agad naman akong nilapitan nila nanay at tatay. Nagulat naman ako ng nasa gilid ko si Mathew at hawak yung kamay ko.

"Jade, Yung anak natin samahan mo ko gusto ko siyang makita." Umiiyak kong pakiusap sa kanya.

"Okay, sasamahan kita pero you need to relax please..

"Relax Jade? Paano mong nasasabi ang salitang yan habang ang anak natin nasa ICU at nag aagaw buhay? Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

"Look Gia, It's not like that hindi makakabuti sayo ang sobrang---..

"Ah sa bagay, Madali lang sayo sabihin yan dahil eversince naman ganyan ka eh." Sabi ko, hindi siya natapos sa pagsasalita dahil naglakad na ko palabas ng kwarto at nagpunta sa ICU.

Mabilis naman akong sinundan ni nanay, kasunod nun si Jade. Iniwan na kami ni nanay hindi ko pa rin mapigilang hindi umiyak. Humihiling na sana ako na lang yung nasa kalagayan niya.

"Jade, Anong nangyayari?
Natataranta kong tanong when I see my son shaking inside the incubator.

Mabilis na tumakbo si Jade para tawagin ang mga doctor. Gusto ko ng pasukin yung anak ko.

"Anak kaya mo yan. Nandito si mommy anak, inaantay ka. Please lumaban ka anak.. Umiiyak kong sabi, Dumating na yung mga doctor.

Halos mabaliw ako ng makita kong tinatanggalan na ng aparato yung anak ko.
Mabilis akong pumasok sa loob at nagmakaawa na ulitin nila ang pagrevive sa anak ko pero iisa lang yung sinasabi nila. Na wala na yung anak ko.

Yakap yakap ako ni Mathew at maging pati siya ay umiiyak na rin.

"Jade please do everything to save our son, Sabihin mo sa kanila na ulitin nila parang awa muna Jade."
Pagmamakaawa ko sa kanya pero niyakap lang ako ni Jade.

Nakita kong dumating na sila ate, nanay at tatay kaya agad akong lumapit sa kanila. Paulit ulit kong sinasabi na ipaulit ang pagrevive sa anak ko. Pero kahit sila ay wala ng nagawa.

Mga ilang araw lang matapos yung libing ng anak ko ay nagliligpit na ko dito sa kwartong para sa kanya sana. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak.

Niyakap lang ako ni Annie ng maabutan niya kong nagliligpit.

"Enough Gia please.. Hindi makakabuti sayo yan baka mabinat ka.

"Alam mo Annie, Sana nga mabinat na lang ako para sumunod na ko sa anak namin." Umiiyak ko pa ring sabi.

Tinulungan na ko ni Annie na tapusin yung pagliligpit. At tyaka ko dinala sa kwarto ko.

"Magpahinga ka na, Pauwi na si Jade. Hindi kasi pwede hindi siya magpunta sa commitment niya dahil nasa kontrata yun..

Alam mo hindi mo kailangan magpaliwanag Annie, sa umpisa pa lang naman talaga yan na ang priority niya."

Nagulat ako ng may pumasok, si Mathew at lasing na lasing paulit ulit na tinatawag yung anak namin. Ayaw na naman tumigil yung luha ko.

Inakay ko siya papunta sa kwarto niya at inihiga. Akala ko ako lang yung nagluluksa sa anak namin. Kahit papano nawala yung galit ko sa kanya.

Gusto ko siyang sisihin sa nangyari, Kung sana hindi niya kami pinababayaan nung mga araw na nagpapacheck up pa lang ako eh hindi siguro mangyayari yun sa anak namin.

Nagpaalam na si Annie na uuwi.
Magpahinga ka na rin Gia okay? Everything will be okay. Sabi niya at hinalikan ako sa forehead.

Nagpunta na ko sa kwarto ko, Ewan ko ba kahit anong gawin ko naaalala at naaalala ko pa rin yung anak ko. Ang sakit sakit.





--- one year after ---


Halos isang na rin simula yung mawala yung anak ko, Katulad ng dating ako na lang lagi mag isa dito sa bahay. Palaging busy si Mathew sa mga tapings at guesting niya.

Para na naman akong hangin dito, Paminsan minsan naiisip ko pa rin yung anak ko. Masakit pero kailangan kong tanggapin.

Kung gaano kabilis nawala yung anak namin, Ganun din kabilis nagbago ulit si Mathew. Naisip ko lang na wala ng dahilan para magsama pa kami ni Mathew. Kaya lang naman kami nagpakasal dati kasi buntis ako.

Gabi na pero hinintay ko si Mathew. Lasing na naman katulad ng dati niyang ginagawa.

"Anak. Si daddy to, napapagod si daddy pero iniisip kita nak at nawawala ang pagod ko. Mag ingat ka parati dyan ha miss ka na ni daddy."
Halos kumirot na naman yung puso ko ng marinig ko kay Mathew yan.

Inalalayan ko siya papasok sa kwarto niya.
Kinabukasan himalang naabutan ko siyang nag aayos ng sarili niya. Gusto ko siyang makausap para magpaalam at alam naman naming dalawa na wala ng dahilan para magsama kami.

"Mat pwede ba tayong magusap?
"What? May taping pa ko. Sabi niya at palabas na sana ng bahay.

"Let's file an annulments.
Napatigil siya at napatingin sakin.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now