Unconditional Love

5.3K 181 20
                                    

Unconditional Love

by stupidlyinlove

------------♡------------

Sabi nila, lahat ng ginagawa ng magulang ay para sa kapakanan ng kanilang mga anak. Nagtatrabaho sila ng mabuti para lang maibigay lahat ng mga kailangan natin sa pang-araw-araw.

Kayod dito. Kayod doon.

Sabi din nila, gagawin ng mga magulang ang lahat para maprotektahan tayo sa mga bagay o taong makakapanakit sa atin. Kahit pa ialay nila ang buhay nila, gagawin nila yun para mailigtas lang tayo.

Pero minsan, dahil sa mga bagay na yan, hindi ka na nagiging masaya. Hindi na tayo nagiging masaya. Yung mga bagay na gusto mong gawin, hindi mo na magawa. Yung mga bagay na gusto mo, hindi mo makuha. Minsan, nakakasakal na. Nakakasawa na.

Ako nga pala si Hazel Santos. Isa akong ulila sa ama, isang kapatid, isang kaibigan at isang anak.

♡♡♡

"Ma, alis na ako," paalam ko bago pa man ako umaalis ng bahay tuwing umaga bago ako pumasok ng school.

"Teka lang, anak," tumigil si Mama sa pagluluto ng pagkaing baon ng dalawang bunsong kapatid ko at kinuha ang bag niya, "O, ito baon mo."

Inabutan niya ako ng 100 pesos. Ito na ang baon ko sa isang buong araw. Kasama na pamasahe, pagkain ko at iba pang kakailanganin ko sa school. Sa baon ko na 'to, karamihan hindi aakalaing college student na pala ako, fourth year college student pa.

"Sige po, alis na ako."

Tuluyan na akong tumalikod paalis nang may pahabol pa si Mama, "Umuwi ka agad pagkatapos ng klase para may kasama mga kapatid mo dito sa bahay pag-uwi nila."

"Opo," sagot ko na lang.

Ang hirap talaga kung bata ang mga kapatid. Kailangan lagi pang may nakabantay. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi man lang ako makalabas kung saan pagkatapos ng mga klase ko.

"Mag-aral kang mabuti," paalala ulit niya.

Paulit-ulit. Yan ang linyang lagi niyang sinasabi. Wala pa yang mga yan sa lagi niyang sermon sa akin. Tsk, nakakasawa eh.

♡♡♡

Pagpasok ko ng classroom, agad bumungad sakin si Zyra, "Hi Haze!"

Ngayong college, siya na ang naging best friend ko. Mabilis naman kasi siyang pakisamahan kahit na magkalayo talaga yung agwat ng pamumuhay namin.

"Hello, Zyra." Agad ko siyang nginitian at tumabi sa inuupuan niya.

Sa lahat siguro ng babaeng kilala ko, siya na ang pinakamaswerte. Maganda, may gwapo at maalagang boyfriend, mayaman, at higit sa lahat, buo ang pamilya. Chill lang siya sa lagi. Para bang wala siyang inaalala sa buhay. Kaya niyang maging masaya ng walang inaalalang iba. Kung pwede lang mamili ng buhay, buhay na ni Zyra ang pipiliin ko.

Siguro ang isinuwerte ko lang sa buhay ko ay naging matalino ako. Dahil doon, naging scholar ako dito sa university kung saan ako nag-aaral.

"Alam mo ba Haze, exactly one month na lang, matatapos na yung school year!" Balita niya sa akin pag-upong pag-upo ko.

Napatingin naman ako sa maliit na calendar na nasa loob ng bag ko, "Oo nga noh?."

"Grabe ang bilis," niyugyog-yugyog niya ako, "Gagraduate na tayo!"

Hindi ko naiwasang mapangiti nang marealize kong gagraduate na nga talaga kami. Hindi ko akalaing makakasurvive ako ng halos apat na taon dito. Hindi din ako makapaniwalang sa halos apat na taon, namaintain ko yung scholarship ko. Sabi ni Mama, yun na lang daw kasi ang matutulong ko sa pamilya namin.

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon