*SPECIAL CHAPTER*

3.1K 43 5
                                    


"Segun!  bumaba kana dito kakain na tayo " sigaw ni sezel  mula sa baba ng bahay nila.

"oo ma baba na po ako" sigaw pabalik ng anak nya , pumasok sya sa kusina nadatnan nya ang bunsong anak nya na si silver na kumakain ng agahan katabi nito ang ama nya na abala din sa pag kain 

"mahal kain na bumaba na ba si segun?" tanong ng asawa 

"oo pababa na" umupo sya sa bakanteng upuan malapit sa bunsong anak nila na apat na taong gulang na 

"hai morning ma, pa, silver" umupo sya sa bakanteng upuan sa harap ko, kumuha itp  ng pagkain.

"nga pala ma ngayon po ba tayo pupunta sa batangas kina lola?" tanong ni segun

Ngayon ko na matutupad ang pangako ko sa kapatid ko na si dazel pagkalipas ng sampung taon kamusta na kaya sya sana mapatawad nya  ako na ngayon ko lng sya makikita at matupad ang promise ko sa kanya noon.

"oo kaya bilisan nyo nang kumain" sabi nya sa mga anak nya

"I'm done mama" napatingin naman si sezel sa bunso nya napangiti naman sya 

"excited ka talagang makita ang lola at tita mo" sabi ni rayvan at ginulo ang buhok ni silver 

"tapos na rin ako"

Papunta kami ngayon sa batangas kung saan yung pamilya ko sana mapatawad ako  ni dazel sya lng naman ang pinunta ko dun

"wala paba tayo ma"tanong ng bunso nila "wala pa nak pero makapit na tayo" sagot nya sa anak, hinawakan ni rayvan ang kamya ni sezel napatingin naman sya sa asawa, nginitian nya lang ito at pinagpatuloy ang pagmamaneho ni rayvan pa batangas.

Nang makarating sila sa bahay ng magulang nya, agad na bumaba ang dalawa nyang anak 

"yehey nandito na tayo" sabi ng bunso nya hinawakan naman sya ng asawa nya +

"mahal ok lng yan" sabi ni rayvan  sa kanya at hinalikan sya sa gilid ng noo nya pumanta sila sa tapat ng bahay nila

"gab bumalik ka nga dito pasaway  ka talaga"

"sowie mamay"

"gab----ATE"

"Dazel" bigkas nya sa pangalan ng kapatid nya napatingin sya bata sa harap nya 

Unti-unting lumawak ang labi ni sezel at umakap sya sa kapatid nya.

"dazel sorry ngayon lang si ate bumalik ha" umiiyak na sabi ni sezel 

"ate bumalik ka akala ko"

"mamay sino sya" nakatingala sa kanya si gab 

Humiwalay sa kanya si dazel sa kay sezel.

"ate ko sya, sya si sezel" tumingin sya sa ate nya "ate anak ko si gabriela"

"hai ako si sezel tita mo ako" nag pantay ang muhka nilang dalawa ng pamangkin nya 

"hai po, ako po si gabriela" pagpakilala ng anak ni dazel 

"nasan ang papa nya dazel" tanong nya sa kapatid."

 "pasok muna tayo" pag aanyaya nya sa kay sezel 

"si mama at tatay nandito ba sila" tanong ni sezel sa kapatid

Umupo ang mag anak ni sezel 

"wala si mama dito te ahm nasa bagong asawa nya" tumigil saglit si dazel "wala na si tatay"

"pasensiya wala ako dito sana tinawagan nyo ko, hindi ko man lang alam na patay na si tatay" sabi sezel 

"paano eh hindi ko nga alam kong saan ka tawagan pa"

"sa  labas muna kami mahal para makapag usap kayo ng maayos" sabi ni rayvan at niyaya ang mga anak nila at kay dazel, nang makalabas sila 

"sino ang ama ni gab" tanong ni sezel

"hindi ko sya kila,kasi nung mawala si papa nagtrabaho ako sa bar naging isang bayaran para mabuhay pero hindi sapat yung mga kinikita ko sa bar na yun at ang masama pa nabuntis ako na isa sa mga naging costumer grabe isang gabi lang kami may nabuo na kami" mapaklang tumawa si dazel sa harap ng kapatid nya 

"hindi mo man lang alam ang ischura nya ha dazel"

"alam ko pero mahahanap ko ba na di ko nga alam kong sino siya at san sya nakatira ng malaman kong buntis ako sa kanya hindi na sya napapakita sa bar na yun eh ano pa ang magagawa ko eh buntis na ako" 

"kukunin kita dito dazelsa batangas sa manila na kayo titira ni gab"

"paano si nanay" tanong ni dazel 

"bakit may pakialam pa ba sya sa inyo ng anak mo"

"wala, hindi na nga umuuwi dito sa bahay"

"so yun naman pala dun na nga kayo sa kin puwede ka don maghanap ng trabaho  dun"

"mamay, puwede ba tayong sumama kina tita sezel" sabi ng anak ni dazel 

"segi na po tita para may kalaro na po ako dun" sabi din ni silver 

"sila yung mga anak ko si segun si silver at ang asawa ko si rayvan" pag pakilala nya sa pamilya nya 

tumango lng si rayvan at ngumiti naman si dazel 

"segi pumapayag na ako"

Lumipas ang ilang mga araw nagpapahinga ni dazel sa bahay ng kapatid nya sa maynila kasalukuyan sya ngayon sa sala ng bahay kasama ang mga pamangkin nya na nanonood ng tv ng may kumatok sa pintuan nila napatingin naman ang mga pamangkin nya sa pinto

"ako na ang bubukas manood na lng kayo jan" pumunta sa tapat ng pintuan at binuksan yun napatingin sya may pinto isang napakaguwapo na lalaki ang kaharap nya matangos na ilong mapupulang natural na mga labi ala koreano ang peg na isang ito pero may sumagi sa isip nya na pamilyar ang lalaki na nasa harap nya napatakip sya ng bibig.

"teka pamilyar ka ha san ba kita na kita.................. sa bar diba nag tatrabaho ka dun bat ka nandito" sabi ng lalaki sa kanya

"ang liit ng mundo no may anak ka" 

"anoooo?"


FB; IRISH SEHUN QUERUBIN

INSTAGRAM; IRISHOH_

NAG IISIP PA AKO NG MABUTI KONG GAGAWAN KO NG STORY SI IVER PERO BAKA HINDI NYO RIN BASAHIN KASI BORING YUNG KAY RAYVAN ANO PA KAYA ANG KINALABASAN YUNG KAY IVER HAHHHA



One Nigth Stand With Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon