Sino ba talaga si Chinchin?

8.6K 315 69
                                    

JUSTCHIN.

Justchin is a pseudonym I use in wattpad. Maraming nagtatanong saan ko nga ba nakuha ito? Pinagsamang pangalan namin ng crush ko? Pangalan ng first love ko? O pangalan ng boylet ko? Pero sa totoo lang wala talagang meaning yan .. Chinchin talaga ang pini push kong username kaso ayaw tanggapin ng wattpad kaya nauwi sa justchin.

Pero bago ako nakilala sa pangalan na yan .. isa lang naman talaga akong simpleng tao. Normal at ordinaryo .. bago ako pumasok sa mundo ng pagsusulat ay isa muna akong mambabasa.

I’m Hazel, 21, proud to be bulakenya, isinilang, nag aral at lumaki sa lupa ng Bulacan.

First Year High School na ako ng magsimula akong magbasa ng mga romance novel o mas kilala sa tawag na pocket book. Na-curious lang naman ako sa isang classmate na nagbabasa noon. Tapos hiniram ko, nag enjoy naman kami ng best friend ko (dahil sabay namin syang binasa .. oo ang weird namin!) tapos nun hiniram ko na din yung mga pocket book ng classmates ko.

Second year high school ng mapunta ako sa star section ng school namin, kapag sinabing star section, yan yung may mga locker sa loob ng room, mga matatalinong estudyante, mga sosyal, mayayaman. Natatandaan ko pa nung first day ng pasukan hilong hilo ako sa paghahanap ng class room ko sa main building. Pag sinabi naman na main building yan yung mga wild, at magugulong estudyante. Tapos nasalubong ko yung isa kong classmate nung first year nasa star section daw ako .. nak ng teteng naman! Pressure yun pre .. kaya naman kinabahan na ako .. magiging masalimuot yata ang second year life ko?

Pero hindi pala, kasi yung yung oras na tinuruan kami ng teacher namin sa Filipino gumawa ng tala arawan (Diary) at ipapasa pagtapos ng klase .. masasabi kong doon nagsimula ang pagsusulat ko .. minsan hindi ko na nga kinekwento yung nangyari sa araw ko .. kasi ang kinekwento ko na yung mga napanood ko .. yung nabasa ko .. nagmistula tuloy review notebook yung diary ko dahil dun ko nilalabas yung frustration ko sa mga nabasa ko .. kesyo bakit may Part 2 , bitin tuloy! Bakit di nagkatuluyan sila B1 at B2? Bakit namatay si Bebang? Tapos dudugtungan ko ng huhuhuhuh .. tapos isusulat ko yung gusto kong kahihinatnan ng kwento.

Yun din yung taon na humugot ako ng kapal ng mukha para magsulat ng sarili kong istorya .. isang araw .. Math subject at hindi ako nakikinig .. naisulat ko sa likod ng graphic notebook ko ang istorya nila Carlo at Ella .. ang magkaibigan na nagkagustuhan .. isang cliché story ng Bestfriend turns into Lovers .. ang kaso hindi ko na sya natapos dahil nahuli ako ng Math Teacher ko na hindi nakikinig sa klase nya ..

Kaya bukod sa hindi ko natapos ang una kong story .. hindi ko din nasagutan ang problem sa board .. napahiya na ako .. bumili na ko ng bagong graphic notebook .. natakot na kasi akong balikan kay Mrs. Peralta yung notebook ko. Dyahe tol .. tss tss

Third year high school .. yan daw yun pinaka masayang part ng high school, kasi familiar ka na sa school mo, kilala mo na lahat ng mga teachers, hindi ka na bully ng tulad ng Freshman, di ka na nangangapa tulad ng Sophomores, di  ka na nape pressure sa pagtuntong mo ng collage tulad ng Seniors .. petiks lang daw ang mga Juniors .

Siguro nga oo .. masaya din naman .. pero ang pinaka highlights ng pagiging Junior ko eh .. dun ko na realize na gusto ko pala maging Writer .. yun yung oras na nag iikot ang mga journalism Club at naghahanap ng mga ka club members nila .. pero dala ng takot at wala akong tiwala sa pagmumukha ko .. hindi ako sumubok .. pero naging observer ako .. bawat issue ng journal namin binabasa ko .. nakakatuwa yung pagsusulat nila ng intrams namin. Yung pagsali namin sa  sport fest yung paghahanda nila sa  bawat programs.

Kaya sabi ko sa sarili ko magiging Writer ako paglaki ko.

Fourth year high school .. masasabi kong yun yung lulong na ako sa pagbabasa ng mga libro .. di ko napapansin pati Horror Book ng Psicom pinatos ko na .. pati yung mga Filipino Novel binabasa ko na ..yung  stupid love nagmamakawa pa ako para makahiram sa mga classmates ko ..

Random StoriesWhere stories live. Discover now