----------
A/N: Aiel, ba't naging ganito ang format? Di pa sa end ka ng chaptie dumadaldal? Eh birthday number ko kasi 'to kaya special! ^___^ Anyway... pasingit lang ng thank you kay @TheOtakuPrince (ang ganda ng story niyan!) at sa inyo! Thank you sa mga nagbabasa!! Okay, read na kayo. :DD (panira eh! xDD)
----------
HOW TO OWN A SHOOTING STAR
----------
#16:KISSonmyHEART
----------
Tumayo siya sa kinauupuan niya pagkakita niya sa 'kin. Agad naman akong tumakbo papunta sa kanya at sa paraang hindi ko talaga sinasadya, napatumba kami. Humagulgol ako sa ibabaw niya. At nang akala ko'y itutulak niya ko palayo, hinaplos-haplos niya ang likod ko na mas lalo pang nagpaiyak sa 'kin. Akalain mong gagawin niya 'yon?
Unti-unti, napanatag na ko. Pero wala talaga sa utak ko ang tumayo kaya humiga pa ko sa ibabaw niya ng panandalian.
"Mabigat ba ako Brad?"
Antagal niyang sumagot... "Pag sinabi kong oo, tatayo ka na ba?" At imbes na ma-offend, napangiti na lang ako't tumayo.
"Masakit ba?" sunod kong tanong.
"Alin?"
"Ang pagdamba ko sayo..?" hindi pa ko sure sa term.
"Pang kalabaw kaya lakas mo," sagot niya, and now I'm offended. "ARAY! WHAT WAS THAT FOR?!?" sigaw niya pagkatapos ko siyang kurutin. Hindi na ko sumagot kasi ayokong makipag-away. Wala ako sa mood makipagbangayan.
Paglingon ko sa kaliwa ko, napansin kong may gitarang nakalagay sa tabi ng inupuan kanina ni Brad. "Sayo 'to?" turo ko sa gitara.
"Hindi," sagot niya. "Hiniram ko lang."
"Tugtog ka naman," sabi ko sa kanya pero hindi man lang siya sumagot. "Okay. Kung ayaw mo hindi naman kita pinipilit eh." At humiga na lang ako.
I know your face, your eyes, your lips, your taste...
Napadilat ako't napalingon sa kanya. "Anong kanta 'yan Brad?" tanong ko pero hindi niya ko pinansin at pinagpatuloy ang pag-strum ng gitara.
...I love the way~ you know just what to... say.
Magtatanong pa sana ako pero sa isang silip niya ng tingin, napatigil ako. Pinagpatuloy niya ang pagkanta. Ang ganda pala ng boses niya. Nanikip uli ang dibdib ko pero ewan ko ba kung bakit. It hurts like my heart is being squished and yet, I like the feeling. Para akong natatawa na parang gusto kong mabaliw. Teka, ano ba 'to?
Sa bawat strum niya ng chords, sumisilip siya ng tingin. At sa bawat tingin niya, napapangiti ako. Pagngiti ko, nakita ko ang pagngiti niya. At sa ngiting 'yon, naramdaman ko ang pagtunaw ng bawat organs ko sa loob ko. Parang nawalan na 'ko ng buto. Each words parang meant talaga sa 'kin. Nakakain-love ang boses niya. Nakakain-love ang pagkanta niya.
So cold, so cold
baby you're so cold, so cold
Binalik niya ang focus sa gitara bago magsimula uli.
Take is easy baby, we can make it right
girl you know my love is always on your side
Rest your eyes tonight
Tumigin siya sa 'kin sabay ngiti.
You know that my love
BINABASA MO ANG
How To Own A Shooting Star [On-Hold]
Teen Fiction"Paano mo makukuha ang isang taong nahuhulog na sa iba?" tanong ni Miracle Star. Hindi. Wala siyang balak gawin pero dahil sa isang snob na hindi gentleman na bastos na lalaki, she got hope. So, makukuha ba niya ang taong mahal na mahal niya? O sa h...