Florante At Laura

14.5K 66 2
                                    

Narrator: Bagama't hindi pa naghihilom ang sakit na nararamdaman ni Florante sa pagkamatay ng kanyang ina, isang malaking hamon na naman ang kanyang haharapin. Sa kanya ipagkakatiwala ang malaking responsibilidad na iligtas ang Krotona sa mga Morong sumakop dito. Ang lider ng hukbo nito ay si Heneral Osmalik na bayaning Persya. Agad-agad pumunta si Duke Briseo kay Haring Linceo upang pag-usapan kung paano ililigtas ang Bayan ng Krotona, dala-dala niya ang kanyang magiting na anak na si Florante.

Florante: Ama, saan po ba tayo pupunta? Bakit tayo nagmamadali?

Duke Briseo:Pupunta tayo kay Haring Linceo, upang pag-usapan kung paano ililigtas ang Bayan ng Krotona

Florante:Ama, Pagkamatay lamang ni ina at ito agad ang naisip nyo?

Duke Briseo:Florante, alam kong masakit ang pagkawala nya. Ngunit dapat hindi tayo mag pa apekto sa mga ganitong kalagayan. Gusto mo bang mamamatay ang ilang mga tao para lamang sa pagbisita sa lamay ng iyong Ina?

Florante:Ngunit..(Nalungkot)

[Haring Linceo appears]

Haring Linceo: Duke Briseo! (Niyakap si Duke Briseo)

Duke Briseo:Haring Linceo!(Niyakap balik si Haring Linceo)

Haring Linceo: At sino naman yang nasa iyong tabi? Anong siyudad ba siya nanggaling?

Duke Briseo:Bugtong anak ko  ito, na nanangangalang Florante! Ito'y magiting at malakas na lalaki!

Haring Linceo: Aba! Ikaw ay karapat dapat maging Heneral  sa bayan ngAlbanya upang talunin ang mga Moro! (Niyakap si Florante)...Marami pa tayong pag-uusapan!

Narrator:Habang naglalakad ang hari at duke, nag-uusap sila tungkol sa pagliligtas sa Bayan ng Krotona. Tumitingin-tingin lamang si Florante sa Kaharian ni Haring Linceo na balot ng hiyas at yaman, nang siya'y may nakita na babaeng dumaan. Ito ay kumuha ng kanyang atensyon, tiningnan niyang mabuti ang babae at nahulog ang kanyang kalooban nito.

Florante:  O, kay ganda mo. Ikaw ay hulog ng langit. Ngiti mo'y mas maka-bighani,  mata mo'y tulad ng isang bituin. Ang iyong katawan ay perpekto! Kung ikaw ay aking pag masdandiwa ko'y nabubuhay. (Sinasabi sa sarili)

Narrator: Pagkatapos sabihin ni Florante iyun, siya ay napansin ni Laura. Nagtitigan sila sa isa't-isa, ngumiti si Laura at lumapit sa kanila.

Florante: Binibi-..

Laura: Ama!

Haring Linceo: Laura! (Nagyakapan)...Ito nga pala ang aking prinsesa! (Pinagyayabang)

Duke Briseo: Siya ang pinakamagandang babae sa buong kaharian! Hinahabol ng mga kalalakihan, kahit mga Moro ay nagkakagusto sa kanya!

Laura:(Laughs/Giggles) Salamat Duke Briseo, Mana lang talaga ako sa aking mga magulang

Florante: Ako nga pala si Florante (Hinalikan ang kamay)

Laura:  Laura... (Tinitigan si Florante)

Haring Linceo: Halina kayo Duke Briseo at Florante, marami pa tayong dapat pag-usapan!

Florante: Paalam sa iyo Laura, sana'y magkita tayong muli(Yumuko)

Narrator:Hindi mawala sa isipan ni Florante si Laura kahit sa isang saglit lamang, si Laura ay nasa kanyang isipan. Tatlong araw siyang nanirahan sa palasyo ni Linceo, araw-araw niya itong nakikita. Si Florante ay nahihirapan paibigin si  Laura,  sapagkat,maraming nanliligaw  at bumibisita sa kanya subalit siya naman ay may katungkulangunang dapat isasagawa ang planong digmaan sa Krotona na dapat niyang tugunan ng pansin upang manalo sa digmaan. 

FLORANTE AT LAURA SCRIPTWhere stories live. Discover now