Prologue

217 27 4
                                    

"Are you sure about this?" Tinapik ako ni papa sa balikat habang nag-iimpake. Tipid akong ngumiti. Matapos na isara ang aking huling bag para dadalhin sa malayong lugar, nilingon ko siya at mahigpit na niyakap.

"It's for the better, I guess." Tinapik-tapik ni papa ang likuran ko at tumango-tango. Matapos niya akong bitawan, ginulo niya pa nang bahagya ang buhok ko.

"You can do it, son. Take care."

"I know, papa. Thank you and sorry for the trouble." Isinukbit ko ang bag pack at palabas na sana ng kuwarto nang mapansin ang isang paper bag na nasa lapag.

Pabuntong-hiningang dinampot ko ito. Maiwan ko na ang lahat.

Huwag lang ito.

Hindi Pangarap na Love Story
jhavril
2018

Hindi Pangarap na Love StoryWhere stories live. Discover now