Chapter 1 - Twenty

6 1 0
                                    

Often times you have to take the risk to know if it's worth it. Thank you for having the heart to read the unread. Thank you for giving GTP a shot. I greatly appreciate you!

.......

“Maraming-maraming salamat po Aling Rosa. Pangako po, babayaran ko rin ito.” Nahihiya kong usal bago tinanggap pera.

“Huwag ka nang mag-alala pa riyan Dorcas. Ito naman! Para bente pesos lang eh,” mabait na tugon nito sa akin at bahagyang natawa “ano ba naman ang napakaliit na halaga kumpara sa lahat ng naitulong ng magulang mo sa akin.” aniya at pagkuway lumumbay ang tinig.

Ngumiti ako sa naka-wheel chair na si Aling Rosa upang itago ang kurot na naramdaman sa aking puso. “Maraming salamat po.”

“Walang anuman hija. Mag-iingat ka sa daan mo ah? Madilim pa naman. Kailangan mo ba ng flash light? Pwede kong ipahiram ang akin." Ani niya't akmang paaandarin na ang kanyang gulong para kuhain iyon.

Maagap akong umiling. “Salamat pero hindi na po. Kayang kaya ko na po ang sarili ko. Dito na po ako Aling Rosa,” usal ko “mag-iingat din po kayo.”

Ngumiti siya at saka tumango. “Salamat hija.”

Binaybay ko ang daan. Madilim ang paligid pero hindi naman nakakatakot. Ramdam ng aking balat ang preskong simoy ng hangin galing sa karagatang nasa gilid ko lamang. Ang tahimik na hampas ng mga alon ay nagpapakalma sa akin. Sandali akong huminto at tumingala sa kalangitan.

Ang crescent moon ay napaliligiran ng napakaraming bituin. I smiled; thankful that I’m still breathing this fresh air and seeing this majestic scene despite all the devastating circumstances I have.

Nagsimula akong lumakad muli. Tinanggal ko ang manipis nang panyapak at lumapit sa tubig dagat. Itinaas ko ng bahagya ang aking pajama para hindi ma-basa. Humahagikgik ako sa pamunti-munting hampas ng maliliit na alon sa aking paa.

Napangiwi ako nang may biglang tumusok sa aking hinlalaki. Huminto ako at saka tiningnan iyon. Maliit na bahagi ng basag shell ang bahagyang nakabaon sa aking balat. Nanaman. Pumikit ako at biglaan itong tinanggal at saka hinayaang lumabas ang karamput na dugo.

Ibinaba ko ang paa sa tubig na tila ba walang nangyari. Mahapdi man pero sanay na ako dahil kung gaano ako kadalas lumabas tuwing gabi ay kanoon din ang dalas ng pagkakasalugsog ko. Lumayo na ako sa tubig at saka isinuot ang tsinelas.

“Nakabalik ka na, Dorcas. Galing ka kay Rosa?” Salubong ni Mang Ador sa siyang silbing security habang binubuksan ang napalaki at napakatayog na gate para sa akin. It stood so high before me. Aaminin ko na sa tuwing pumapasok ako dito ay lubos akong nanliliit. Tila ba ipinagsusumigawan nito ang kababaan ko bilang isang tao.

"Opo. May hiniram lang po ako." Ani ko at tinulungan siyang isara ang malapam-palasyong gate. "Salamat po sa pag-bukas."

"Walang anuman, Dorcas. Aba sige at mag-handa ka na para sa lakad mo." Siya habang malawak na naka-ngiti sa akin.

"Opo. Ingat kayo dito." Bilin ko.

Pagpasok ko, gaya ng lagi ay isang engrandeng sala ang bumati sa akin. Napakaliwanag ng kabuoan dahil sa higanteng chandelier na malayang naka-sabit sa kataasan ng kisame. Pinalilibutan din ito ng matatayog na bintana na ngayo’y sinilyuhan na ng mga mamahaling kurtina.

Iginiya ko ang tuon sa aking kaliwa kung saan makikita ang nakapapagod na haba ng hagdan patungo sa itaas.

The image of a 10 year old me running while Mom and Dad chasing me joyfully flashed my mind.

This was once a happy home, but now nothing but a mere mansion standing stiff ruining the wonderful view of the seashore. Huge and aesthetic as it looks, but as empty as nothing.

Glamor through PiecesWhere stories live. Discover now