Chapter 4

328 22 6
                                    


... Nabigla ako nang lumusot lang ako sa kaniya at napasubsub ako sa buhangin.

Sandaling tumigil ang kabog ng dibdib ko. Napako ako at napaluhod. Unti unti na namang kumawala ang hindi mabilang na butil ng luha mula sa aking mga mata.

Sinapo ko iyon ng aking palad at napayuko nalang.

"A-anjo." Rinig kong utal niya.

Napabungisngis ako.

"Hahahahaha! Tama! Nakalimutan ko. Nakalimutan kong patay ka na pala." Iyak-tawa kong singal.

Ang tanga mo. Ang tanga mo Anjo. Nakalimutan mo na? Kaya siya namatay dahil sayo. Kaya siya namatay dahil sa pagliligtas niya sayo. Kaya siya namatay dahil mahal niya ako.

"A-anjo." Tawag niya ulit pero hindi ko padin siya nilingon.

Umiyak lang ako.

"Naaalala mo pa? Anniversary natin last 2 years. May pinuntahan kami ni Mommy nun. Hindi ko lang maalala kung saan. Excited akong umuwi dahil sabay tayong magcecelebrate. Pero hindi pala ako ma eexcite nung araw nayun.

Araw pala yun na iiwan ako ng dalawang taong pinakamamahal ko." Nahihirapan man pero nagkwento ako.

Ramdam ko na lumapit siya sakin at lumuhod din sa harap ko. Pero hindi ko padin inaalis sa mukha ko ang kamay ko.

"Masaya mo kaming sunundo ni Mommy sa highway. Nasa kabilang dulo ka at naghihintay na mag red light para makatawid samin. At nagred light na nga. Putang ina. Ang saya mo pang tumatawid at kumakaway sakin. Masaya din ako nun kaya kumaway ako pabalik. Pero habang pinagmamasdan kita. Bigla ka nalang tumakbo papunta sakin at tinulak ako." Kwento ko padin habang tahimik na humahagulhul.

"Sunod na nangyare, wala na kayo sa harap ko. Hindi ko alam kung magagalit or matutuwa ako dahil sa pagtulak mo sakin dahil pagkatapos mo akong itulak nakarinig ako ng mga sigaw. Tinakasan ako ng hininga habang nililingon kayo ni mommy na duguan at nakahilata sa kalsada. Yun pala nahagip na pala kayo ng malaking truck." Pahina ng pahina ang boses ko.

"Jo, stop." Garagal nadin ang boses niya at naririnig kodin ang hagulhul niya.

"It took me a day bago ko narealize na nasagasaan kayo ng malaking truck. Tulala ako habang binuburol kayo. Nagising nalang ako isang araw." Tumigil ako.

Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha at tinignan siya.

"Isang araw, iniwan mo na ako." Huling sabi ko at hinyaan ang sariling humagulhol.

Tahimik kaming umiiyak habang magkaharap. Walang magawa dahil wala ang lahat. Huli na ang lahat.

"I maybe insane if i ask you this..." Sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya.

"But narinig ko sa kapwa kong kaluluha nalang na nagiging normal na tao ang isang multo kapag eksaktong alas dose ng pasko." Paliwanag niya.

Pinunasan ko ang luha ko.

"Tapos?"

"G-gusto ko sanang yakapin ka. Gusto kong subukan kahit sa huling pagkakataon." Nakangiting sambit niya.

Wala sa sarili kong kinuha ang phone ko mula sa bulsa at tinignan kung anong oras na.

11:58. Malapit na. Gusto ko din siyang hawakan. Gusto ko din siyang mayakap.

11:59. Tinitignan ko lang ang phone ko. Naghihintay mag alas dose.

12:00

"A-alas dose na." Putol na sabi ko habang umiiyak.

Tumalima siya at dahan dahang nilapit ang palad niya sa pisngi ko. Malapit na. Pinikit ko ang mga mata ko, nagbabakasakaling mangyare ang gusto ko.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pamilyar na init sa pisngi ko. N-nagawa niya. Nahawakan niya ako.

Dumilat ako para tignan siya na ngayon ay nakangiti na. Wala akong sinayang na oras at hinawakan ang palad niya tsaka iyon dinama. Niyakap ko yun.

"Ahhh." Humagulhul na talaga ko ng sobra.

Nabigla ako nang bigla niya akong hinila at kinulong sa bisig niya.

"God knows how i much i wanted to do this Jo. I love you so much." Sabi niya habang nasa kalagitnaan ng yakapan naming dalawa.

Wala akong sinabi at nilayo ang mukha ko sadibdib niya. Agad ko siyang hinalikan sa labi. Nagulat siya pero tumugon din agad.

Matagal kaming naghalikan. Sabik na sabik kami sa isa't-isa. Ayoko nang tumigil to. Ayaw ko siyang mawala.

Humiwalay na kami sa isa't isa at hiningal dahil sa paghahalikan. Parehong nakangiti sa isa't-isa habang yakap siya.

"Happy anniversary jo, merry christmas." Bati niya.

Hindi ako nakasagot dahil sa tingin niya sakin. Ang tingin nayun naparang huling pagkakataon na niya akong makikita.

Wag mong sabihing aalis padin siya?

"Hindi na akong pwede magtagal jo. Hindi ko na kaya." Nanghihina niyang sambit.

Nagsituluan na naman ang mga luha ko.

"W-wag muna. W-wag mo a-akong iwan. P-please." Nauutal kong sambit habang niyayakap siya ng mahigpit.

"Sorry Jo, tandaan mong mahal na mahal kita." Rinig kong sabi niya.

"Hindi! Hindi! Wag, please! Wag mo kong iwan! Dom! Parang awa mo na." Pakiusap ko.

Pero wala na. Nakayakap nalang ako sa kawalan. Hindi ko na siya nakikita. Hindi ko na siya nararamdaman.

Wala na siya, iniwan na niya ako ng tuluyan.

Napahiga ako sa buhangin at umiyak lang ng umiyak. Tinatawag ang pangalan niya at nagmamakaawang bumalik.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak. Hindi ko pinansin ang lamig. Gusto ko siyang makita ulit. Pero wala na.

Nang medyo mahimasmasan na ako ay naiiyak at nanghihinang tumayo ako at nilapitan ang gamit ko. Umupo ako sa tabi at inabot ang binigay sakin ni ate.

Pagbukas ko nun ay mas lalo akong napaiyak.

Ang Huling PagkikitaWhere stories live. Discover now