Chapter Two * Training

2.5K 58 0
                                    

Phia's POV

"Excuse me po" sabi ko saka naglakad paalis.

"Phia! saglit lang naman, makinig ka muna" sabi pa ni Lola.

Di ko siya pinansin saka pinihit yung doorknob para makalabas.

Pagpihit ko, ayaw bumukas. Letse naman!

Bigla na lang akong lumipad at napunta sa harapan nila Ms. Trinity at Lola.

O_O

"P-pano n-nang.. yari yun???" tanong ko.

"Well, Phia dahil lang yan sa magic"

o_O

"Ano pong magic??" tanong ko ulit.

"Mage University is a school for Students with special powers. Kaya ka nandito dahil nasa iyo ang pinakamalakas na kapangyarihan, ang Pure Magic. Ang Pure Magic na sinasabi ko ay ang Light and Dark Magics na kayang kontrolin lahat ng kapangyarihan sa mundo. Ikaw ang pag-asa namin para maging maayos ang lahat. Hindi ka pwedeng makuha ng Valomar at dalhin sa Gothic University dahil gagamitin ka nila at kapag nangyari iyon, katapusan na ng buong mundo" paliwanag ni Ms Trinity.

"Bakit? Ano pong pwedeng mangyari?" nagtatakang tanong ko.

"Halika, umupo muna tayo at may iku-kwento ako sayo" sabi ni Ms. Trinity.

"Mahigit 100 taon na ang nakakalipas, dati ang mundong ito at mundo ng mga mortal ay napakatahimik. Walang away na nangyayari at malayang nakakalabas pasok ang mga mortal sa mundong ito. Ang mundong ito ay kilala sa pangalang Eden. Ang Eden ay isang malaparaisong lugar na puno ng mahika kung saan may pito itong kaharian na pinamumunuan ng pitong Guardians at nagbabantay sa pitong orbs sa ilalim ng kapangyarihan ng diyos na gumawa ng mundo ng mga mahika na si Wobniar. Masaya si Wobniar at ang pitong guardians noong mga panahong iyon, pero nabago iyon nang mainggit sa kapangyarihan ang ika-pitong guardian na namumuno sa Valomar na si Vaegar. Naging sakim si Vaegar sa kapangyarihan at kinalaban si Wobniar. Maraming namatay na mortal at nagalit ang mga tao sa mages. Kaya pinasara ang Eden sa mundo ng mga tao. Pero hindi nagtagumpay si Vaegar sa mga binabalak niya kaya pinatay niya ang asawa ni Wobniar na si Azura, ang ika-limang guardian. Nagalit si Wobniar at nagkaroon ng digmaan pero agad din itong nawakasan ng kapangyarihan ng Pure Magic na hawak ng anak ni Vaegar na si Amaria, ang ikatlong guardian.

Dahil sa pangyayaring iyon, namatay si Vaegar at pinakasalan ni Wobniar si Amaria at nagbunga ito ng isang napakagandang batang babae na nagngangalang Asul. Si Asul ang nagsisilbing ika-limang guardian at ang anak ni Wobniar kay Azura na si Lila ang nagsilbing ika-pitong guardian.

Ngunit nagalit si Lila ng malamang pinalitan ng kanyang ama ang kanyang ina kaya pinapatay ni Lila si Amaria. Nalaman ito ni Wobniar at nagalit siya kay Lila.

Kaya simula noon, ang Kahariang Valomar na pinamumunuan ng anak ni Wobniar na si Lila ay humiwalay sa Eden at ito ay isinumpa ni Wobniar. Lumipas ang ilang taon, napalitan ang mga guardians. Pero ang Valomar, naghihiganti pa rin. Naghahanap sila ng butas upang tuluyang mawasak at masakop ang Eden at gusto nilang wasakin ang pitong orbs na nagsisilbing buhay ng Eden. Pero para mawasak nila ang pitong orbs, kailangan nila ang kapangyarihan ng Pure Magic. Kaya nang malaman nilang may isang mage ang may hawak ng Pure Magic ay hinanap nila ito at kapag makita ka nila, kukunin nila ang iyong kapangyarihan at sisirain ang pitong orbs.

Nang malaman ni Wobniar ang binabalak ng Valomar ay kinalat niya ang pitong orbs sa iba't ibang lugar dito sa Eden at hindi na nakita pa. Pati si Wobniar ay nawala na lang ng parang bula. Kaya kailangan ka namin Phia para mahanap ang anim pang orbs dito sa Eden dahil nasa amin na ang ikalawang orb, ang orb ng light magic. Pero bago yan kailangan mong mag-training" mahabang paliwanag ni Ms. Trinity.

"Ganun po ba. Sige po gagawin ko lahat ng aking makakaya para mailigtas kayo" sabi ko.

"Mrs. Scott kami na po ang bahala sa kanya" sabi ni Ms. Trinity kay Lola.

Tumango naman si Lola at tumingin sa akin.

"Phia mag-iingat ka palagi, okay? wag masyadong matigas ang ulo at wag kang mag-alala maaayos din ang lahat. Basta tandaan mo mahal na mahal kita" sabi pa niya sabay yakap sa akin.

"Opo. I love you too" sabi ko.

"Goodbye Phia mami-miss kita apo"

"I will miss you too Lola, goodbye" sabi ko at tuluyan na siyang umalis.

"Phia kailan gusto mong mag-train??" tanong ni Ms. Trinity sa akin.

"Ngayon na po" sagot ko.

***♥♠♣♦***

"Phia kailangan mong mag-concentrate" sabi ni Ms. Trinity.

Nandito kami ngayon sa Training Center ng Mage University.

Pinapalabas ko ngayon ang dark magic. Natapos ko na kasi yung Light.

Concentrate. concentrate. concentrate.

O_O

"Very Good! Phia. Siguro magpahinga ka na muna dahil 5:00 na. Sasamahan na lang kita sa dorm mo" sabi niya saka naglakad.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

Maya-maya pa ay huminto kami sa isang pinto.

Kumatok siya at bumukas naman agad yung pinto.

Nakita ko ang isang babae na matangkad at kulay berde ang buhok at ang mga mata.

"Alesha, this is Phia your new dorm mate" sabi ni Ms. Trinity.

Napatingin siya sa akin at agad akong niyakap.

"Kyaaah! ikaw pala yung bagong dorm mate ko kanina pa kita hinihintay" sabi niya.

"Mauna na ako girls. Alesha, ikaw na bahala kay Phia okay?" tumango naman siya kay Ms. Trinity.

Pagkaalis ni Ms. Trinity, hinatak niya ako sa loob.

Pagtingin ko.

O_____O

Ang ganda ng room namin. May mga halaman at bulaklak sa palibot nung kama niya.

"Phia dun yung kama mo tapos yung mga gamit mo dun mo ilagay sa taas ng cabinet, okay??"

Tinuro niya sa akin yung kama at cabinet.

Natuwa naman ako dun sa kulay ng kama ko, kulay rainbow kasi na may pony design.

"Ano nga pala yung power mo Phia?? ako kasi isang nature controller" tanong niya.

"Pure Magic" sabi ko.

Tiningnan ko kung ano magiging reaksiyon niya.

O_________O

"Phia kakaiba ang power mo parang may babasa na ako tungkol diyan pero di ko matandaan at ikaw pa ang ka-dorm mate ko"

"So ayaw mo sa akin? ganon??"

"Hindi naman sa ganun. Masaya lang ako dahil may ka-dorm mate na ako na may kakaibang magic" sabi niya habang kumikinang yung mata.

"Matulog ka na dahil bukas first day of school mo dito sa M.U." tumango na lang ako at natulog na.

to be continued...

*♥*♠*♣*♦*

Picture ----> Alesha 'Spring Mage' Leeshen {NATURE CONTROLLER}

Guys sorry kung mabagal ako mag-UD hehheh.... may isa po akong story mabilis po ang UD nun. Here's the link: http://www.wattpad.com/story/17240616-royale-clash-%E2%80%A2-princesses-vs-princes

Basta readers tandaan Vote po kung nagustuhan niyo o kaya kung trip niyo lang.. Hahaha..

Comment naman po para sa emotions niyo kung natutuwa, nalulungkot or naiinis kayo kay Author. LOLs!!

Ang hindi mag-Vote at mag-Comment papaluin ko sa pwet! Kuha niyo +___+

Joke lang.... HartHart po!!!!

- Charity

Mage University {School of Magics}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon