Chapter 8

58 12 2
                                    

"Hoy babaeng maliit may balak ka bang mag pa sagasa? Onti nalang malapit kana sa gitna ng kalsada" sabay irap ni Dane -isa sa ka barkada ko.

Sanay na akong umiirap yan. Masungit eh. Napaglihi ata sa sama ng loob. Pero pag tinopak yan. Naku! Huwag kang tatabi sa kanya. May saltik ata yan eh. Pero maganda siyang kasama.

"Tama ka dyan Dane! kanina ka pa tulala at tahimik Jara. Sabihin mo nga may problema ka ba?" nakakunot na tanong ni Yazle.

Umiling iling lang ang sinagot ko sa kanila. Tinatamad akong mag salita.

"Oh my gosh! Oh My Gosh!! Gosh Gosh sabihin mo nga ang totoo. Jara! Ang tali talino mo. Top one ka pa naman namin pero anong ginawa mo? Alam na ba yan nila Tita at Tito? Lintik ka talagang babae ka. Hindi mo dapat yan sinasarili. Alam mo namang nandito lang kami para sa'yo. Kaya ka naming tulungan. Ano bang pumasok sa kokote mo hah babae! Akala ko ba dalagang pilipina ka? Waeyo? Waeeeyoooo?" saad ni Kaile habang niyuyugyog yung balikat ko at malapit ng mapa iyak.

"Ano bang problema mo? ikaw ata ang may saltik sa inyong dalawa ni Jara eh. Kung ano anong lumalabas sa bunganga mo" natatawang saad ni Krizshen.

Pupunta kaming National Bookstore ngayon para bumili ng pang project. Nilalakad nalang namin dahil malapit ang school doon at mas masaya dahil buo ang barkada.

"Anong lumalabas sa bunganga ko? A luh! Wala akong naramdaman. Ano yun? Uy ano yun? sabihin niyo para masabi ko kay Mama. May sakit ba ako? Laway lang naman ang alam kong lumalabas sa bunganga ko. Halos lahat naman tayo eh. Marami ba? Sabihin niyooo anooo?" halong maiyak na sabi ni Kaile.

Hindi maipinta yung mga mukha namin. Ewan ko ba dyan kay Kaile kung paanong nakatungtong sa Highschool. Buti nalang kami naging kaibigan niya eh. Okay naman si Tita sa kanya. Pero bakit? Napangiwi nalang ako sa naisip.

"Wala Kaile sabi namin anong mga pinagsasabi mo kay Jara?"

Si Yazle nalang ang sumagot sa kanya. Walang balak magsalita yung iba eh. Haha! Pati pala ako.

"Hindi niyo ba narinig yung sinabi ko kanina? Gusto niyong ulitin ko? Ganito yun Yazle makinig ka kasi" sabay kamot niya sa batok.

"Oh my gosh! Oh My Gosh!! Gosh Gosh sabihin mo nga ang totoo. Jara! Ang ta---"

"Hahaha"

"Hanep ka talaga Kaile I lav yah na"

"Mahal parin kita kahit ganyan ka"

"Punta ka na naming mental hahaha"

"Yung mukha mo"

"Tara na uwian na"

"MAY NANALO NA Wahahaha"

Halos mapaluhod na sila sa lupa kakatawa. Tumigil nga muna sila maglakad eh. Pati pala ako.

Hindi ko rin mapigilang tumawa paano ba naman kasi yung act niya kanina habang nag sasabi ng o my gosh natataranta na ewan parang may hinahanap at paiyak na. Pwede talagang pang actress. Siya ang clown namin eh. Kawawang bata hindi manlang nagagalit.

Tumigil siya sa pagsasalita at tinignan kami isa-isa. Base sa reaction niya. Naguguluhan siya kung bakit kami tumatawa.

"Ano bang nakakatawa!? Sinasagot ko lang naman yung tanong ni Yazle kanina. Wala naman akong ginawa. Kayo ata ang ipapunta kong mental. Mga baliw, saltik, at topakin kayo. Ayaw kong tumabi sa inyo baka mahawa ako" sabay usog niya palayo.

"Hindi Lahat.."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon