Bakit

8 0 0
                                    


Sa tuwing makakaramdam ako nito,
Napapatanong ako.
'Bakit ba ako ganito?'

Ang dali kong malungkot,
Masaktan at magdamdam.

Walang kwenta kung tutuusin.
Naka-zero lang sa quiz,
Akala mo kung ano na.

Di lang nanalo,
Ayun! Ngumawa na.

Bakit ba wala akong kwenta?
Bakit ba ako nakakainis?
Bakit ba ang arte ko?
Bakit ang dali kong mawasak sa mga maliliit na pangyayari?

Magaling naman daw
Pero never pang napili.
"Maganda naman sana kaso..."
Sawa na kong marinig ito.

Saan ba nagkulang?
Ano bang dapat gawin?

Madalas, gusto kong saktan ang sarili ko.
Wala naman kasi akong silbi.

Bakit di ako magaling kumanta?
Bakit di ako marunong sumayaw?
Bakit di ako matalino?
Bakit di ako napipili?

Bakit di pa ko mamatay?
Ay di pa pwede.
Marami pa kong kasalanan.
Kailangan ko pang magbayad.

Sana lang, hindi na ako maging nakakainis.
Sana di na ko madaling malungkot.
Sana hindi na rin ako madaling panghinaan ng loob.

Puro sana,
Pero bakit nga ba?

040518

NilalamanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt