•CHAPTER 9•

50 1 0
                                    

SHAYE'S POV

Tahimik akong kumakain dito sa loob ng clinic pero ito namang si Cindy hindi mapakali at panay ang sermon sa akin. Naririndi na ako! Kanina pa siya ganyan, oo alam ko na nag wo- worry lang siya pero. Hayst. Dinaig pa niya si Dani kung pagalitan ako. Gigil siya masyado.

"Shaye naman! Kaibigan mo kami oh bakit kasi hindi mo manlang nasabi sa amin na naaksidente ka! Edi sana naalalayan ka namin o napigilang hindi pumasok. Jusq naman ano ba ang pumasok jan sa kukote mo?!"

Sigaw pa niya sakin sabay tutok ng hintuturo niya sa noo ko. Napanguso naman ako sabay subo ng fries na dala nila. Grabe naman kasi kung magalit wagas! Potek bahala ka diyan nagugutom pa ako! Kulang pa sa akin 'yung binili nilang carbonara at fries."Wala na bang pagkain??"

Nakangusong saad ko atsaka napatingin sa kanilang dalawa. Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Cindy samantala tinawanan lang ako ni JJ. Nakita ko pa ang pag face palm ni Cindy, problema nanaman ba nito.

Siya ba nasaktan?

"Shaye naman! Sa dinami dami ng nangyari pagkain pa rin nasa utak mo ha? Okay ka pa ba, o nabagok din ang ulo mo?" Nawawalan na ng pagasa na sabi niya sakin, at 'yung mukha niya anytime maiiyak na gusto ko tuloy matawa kaso nga lang baka lalo siyang magalit.

"Cindy manahimik ka na nga lang nakakarindi ka na. 'Wag OA andito naman ako oh, buong buo—"

"'Wag mo akong sabihan Alexandria, concern lang ako sa'yo! Ikaw na nga 'tong inaalala"

"Bessy, chillax ka lang ano ba? Ang OA mo teh. Tignan mo nga 'yang si Shaye oh parang wala lang nangyari, tapos ikaw? Dinaig mo pa ata 'yung pari sa pagsesermon, manahimik ka ha?" Natatawang saad ni JJ kay Cindy, wala namang nagawa si Cindy syempre kundi ang samaan ng tingin si JJ. Napaka pranka talaga. Bago pa man sila mag sagutan inunahan ko na sila. Pero wala akong sinabi na patitigilin ko sila, mamaya na. Makiki ride muna ako.

"Hay nako JJ siya na ata ang magiging unang pari na babae, support natin siya ah." panggagatong ko pa sa pangaasar ni JJ at lalo kaming nagtawanan. Lumapit sa akin si Cindy at agad akong binatukan. Pucha naman oh! "Napaka brutal mo!" Sabi ko pero sinamaan lamang niya ako ng tingin. Naman oh!

"Fine fine! Sorry kasi hindi ko sa inyo naipa alam agad, baka kasi makaistorbo lang ako sa inyo kapag—Aray!!" Binatukan nanaman ako ni Cindy, and this time hindi lang isang batok ang natanggap ko kundi dalawa! 'Yung isa nanggaling kay JJ kaya agad ko silang sinamaan ng tingin  pero mas masama pa rin ang tingin nila sa akin. Ano nanaman ba? May nasabi ba ako na mali!? Bias 'tong si JJ eh! Pagkatapos kong sakyan trip niya bigla akong babatukan.

"Ano ba ang akala mo sa amin Shaye?! Anong makakaabala? Kaibigan ba talaga ang turing mo sa amin o nagpaplastikan lang tayo rito? Sabihin mo!" Galit na sigaw ni Cindy sa akin. Napatingin naman ako kay JJ pero umiling lang siya kaya naman agad akong napatungo. Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin eh.

Nasaan na ba kasi 'yung nurse jusq naman bakit kami iniwan dito, oo iniwan! Pinalabas siya nung dalawa, nung una ayaw pa niya pero hayuuup tinakot nung dalawa, ayan tuloy napagtutulungan ako. Inosnte po ako huhu. Daig ko pa ang isang suspect na ayaw tantanan ng mga pulis sa pag i-interrogate. Mabuti nalang at may Doctor at Nurse na in- charge sa buong school kaya hindi na ako isinugod sa ospital. Kompleto na rin halos ang gamit dito sa buong clinic kaya naagapan ng Doktor ang tahi ko sa tagiliran. Mas magaling la nga ata 'to kaysa dun sa nagtahi sa akin sa ospital.

ALLURING LOVE [On-going]Where stories live. Discover now