for baby girl

2.5K 55 0
                                    

Napagkasundoan namin ni Ricxon na gagawin na namin yung responsibilidad namin,

Siya bilang ama nang magiging anak namin,

At ako na ina nitong nasa sinapupuna ko.

Pumayag na akong bumawi si Ricxon samin, binigyan ko na siya nang pagkakataon na bumawi. Sakin... Samin nang anak niya.

Ilang buwan din ang lumipas, matapos ang gabing yun.

Nakulong si Vince, at nasintinsyahan nang tatlong taon na pagkakakulong.

Nakapag-usap na kami nang maayos ni Vince, at nakahingi siya nang patawad.

Sa gabing yun pala, nasa impluwensya siya nang druga, at saktong nakita niya uli ako,

Noon paman, addict na talaga sa Druga si Vince, mula pa nong una niyang ginawa sakin yun.

Sana tuparin ni Vince yung mga sinabi niyang magbabago na talaga siya.

Sana nga...

Pagkalipas nang isang taon...

Nakapanganak na ako, at dalawang buwan na si Baby McKenzie Nicolas. Oo, lalaki..

At masaya ako dahil lalaki talaga ang gusto ko,

Pero kahit na naging babae, masaya parin naman.  Anak ko parin naman eh.

Mas nakita ko na ang pag pupursigi ni Ricxon ngayon,

Nakita ko kung pano siya umiyak sa saya nang makita niya ang baby namin sa ultrasound palang.

At lalo na nong manganganak na ako,

Nakita ko kung paano siya kabahan at mataranta...

(Flashback)

"Teka, Ricxon.  Manganganak na siguro ako."—sabi ko nang maramdaman kong sumasakit na yung tiyan ko.

"Hah? Sigurado kaba? Teka..teka.."—nataranta na siya.."wait. Wait. Anong gagawin ko? Teka. Ano nga ba yun. Hoooh! Grabe. Magiging tatay na ako."

"Ricxon! Ano pabang ginagawa mo! Manganganak na ako, ang sakit sakit na!"—bulyaw ko.

"Ha?"—tumakbo siya palapit sakin at tarantang-taranta sa harapan ko na di alam kung paano ako hahawakan. At kung ano ang gagawin niya.

Hinawakan ko ang braso niya..
"Huminga ka muna.."—sabi ko.

"Ha? Ahh. Oo.. Hooohh.hooohhh."—siya na para bang siya yung manganganak.

(End of flashback)

"Kenziee... Kenzieee.. Do you want some?"—si Ricxon na kinakausap si Baby sabay lahad nang cookies.

"Daddy."—suway ko.

"Mommy naman, joke lang naman. Alam ko namang di pa pwede eh"—sabi niya habang natatawa.

"Hmmm.."—lumapit ako...

"Tingnan mo siya mommy oh, nong una kamukha mo siya, pero parang nagiging kamukha ko na siya ngayon,ah?"—pang-aasar niya.

"Hmmm.. Ewan ko nga sayo."—inirapan ko lang siya.

"Gawa tayung baby girl mommy. Yung kamukha mo na"—ang kaninang nakaroll eyes ko ay biglang nanlaki.

"Tumigil ka nga. Kakapanganak lang ehh. Gusto mo nang dagdagan. Hmm. Di mo pa nga ako pinapakasalan."—inirapan ko siya uli at nag walk-out.

"To naman oh. Inis agad."—hinabol niya ako't hinila.

Saka ako pinaharap sa kanya.

Lumuhod siya sa harapan ko ay may kinuha sa likod nang pantalon niya.

"Inaasar lang naman kita eh"—saka niya binuksan ang maliit na box na hawak niya.

Bumungad ang isang singsing.

"Mommy. Pakakasalan mo ba ako o pakakasalan mo ako? Pakasalan mo ako sa gusto mo man o sa gusto mo man, at gumawa tayu nang baby girl na kamukha mo"—di ko alam kung mata-touch ba ako, magagalit o matatawa sa sinabi niya.

Pero ang sagot ko.

"Sa gusto ko man o gusto ko man, pakakasalan kita, dahil wala naman talaga akong ibang choice kasi hindi naman ako makahanap nang iba, kasi ikaw yung gusto ko at ayaw ko rin sa iba kasi ikaw ang mahal ko. At ikaw ang Ama nang anak ko. At gusto ko ring ikaw yung magiging ama nang susunod ko pang anak. At gusto ko kamukha ko na."—natatawa pero seryuso kong sagot sa kanya.

"Seryuso yan hah"—saka niya isinuot ang singsing sa daliri ko.

Saka siya lumapit at hinalikan ako.. And said..
"Gawa na tayo'ng baby girl"

Having Sex With My Ex Boyfriend (rated-18) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon