01

835 14 14
                                    

Alex

Sinusuklay ko ang aking buhok ng biglang tumalon sa aking hita ang aso kong si terry.
Alam ko na parang ka nickname nya si blaster, So im gonna intoduce myself na nga.

Ako si alex taylor im 17 yrs old na and shs student ako (stem kinuha kong strand)
5'4 lang ako tas mahilig ako mag volleyball, at aaminin ko adik na adik ako kay blaster silonga yung sa iv of spades grabe ang galing nya kasi mag guitara at sa tuwing nanonood ako ng mga gig nila ay sobrang feel na feel niya yung tugtog na kanilang ginagawa. Pinsan ko si Badjao de castro yung drummer sa banda nila blaster
si badj yung partner in crime ko sa lahat. Halos di mo na nga kami mapag hiwalay pag magkasama na kami. Alam dim nyang gustong gusto ko si blaster, pero di ko pa nakakausap si blaster o mag pa picture manlang kasi nakakahiya hahaha.

Pinag iimpake na ako ni mama kasi aalis daw kami bukas, nilabas ko na sa cabinet yung mga damit na kailangan ko para bukas.

Nag patugtog ako ng "mundo" at pinasok ko sa aking tenga ang earphones ko.
Habang tinutupi ko ang mga damit na iniimpake ko. " saan kaya kami pupunta 🤔" bulong ko sa aking sarili.

----
Hay salamat tapos na ako, nilagay ko na sa upuan yung mga bag na kailangan ko para bukas. Nag vibrate yung phone ko at nag chat sakin si rachelle

From: rachelle
- oy gurl san ka?

To: rachelle
- sa haus lang kakatapos ko lang mag impake

From: rachelle
- ay weh tara mall tayo!!

To: rachelle
-sige tara!! Ligo lang ako

From: rachelle
-sige hintayin nalang kita sa baba tas paalam narin kita kay tita

[seen]

----
Pag tapos ko maligo ay nag bihis na ako, naka shorts nalang ako kasi maiinit tas naka jersey lang na shirt tas yung white kong converse. Sinuklay ko muna ang aking buhok at nag lagay ako ng liptint sa pisnge at sa lips ko kasi mukha na akong bangkay teh!

Tumingin lang ako saglit sa salamin at kinuha yung sling bag ko. Pag baba ko ay andun na si rachelle. "Ma alis na po kami!" Sigaw ko dahil nasa kusina si mama para marinig nya " sige mag ingat" sabi ni mama at umalis na kami ni rachelle sa bahay.

Nag trycicle kami papunta sa mall kasi nakakatamad mag lakad. "Saan kayo pupunta bukas teh?" Tanong nya " ewan ko nga eh, di naman sinabe sakin ni mama wer" sagot ko.

Maya maya ay nasa mall na kami. Nag punta kami sa coco at bumili kami ng milktea kasi nga diba mainet. "Uy teh pag may pogi chat mo agad ako ah" sabi ni rachelle habang tumatawa "gagu" tawa naming dalawa. Nag lalakad lang kami ni rachelle at nag kukwentuhan. Nag ikot ikot din kami sa ibang stores sa mall at nag tingin tingin.
Chineck ko yung phone ko at 5 pm napala.

"uwi na tayo 5 na" sabi ko at tumango na lamang sya nag trycicle ulit kami at nakarating na kami sa bahay. Nag paalam na kami sa isat isa at pumasok na ako sa bahay.

Pag pasok ko sa bahay ay wala si mama. Nag vibrate yung phone ko at nakita kong nag chat si mama

From: mama
- anak bili ka nalang ng pagkain sa labas bukas pa ako uwi.
Ps. Yung pera nasa table

To: mama
- oki

[ seen ]

Nilapag ko lang yung bag ko sa kwarto at dinala ko yung wallet ko at kinuha ko yung sinasabeng pera ni mama sa table.

Nag lalakad lang ako papunta sa bilihan ng bbq kasi kanina pa ako nag ccrave tas isaw huhu. As usual pinasok ko ulit yung earphones sa aking tenga at pinatugtog yung "tulog na" by sabu, finefeel ko lang yung kanta habang malakas yung hangin at nag lalakad ako. Medyo malayo yung bilihan pero okay lang para naman sa bbq at isaw eh.
----
Naka bili na ako ng bbq at isaw nag lalakad nalang ulit ako pauwi ng may makita akong lalake. Pamilyar mukha nya, may kasama din syang babae. Hinawakan nung lalake yung kamay ng babae at biglang pumasok na sa bahay yung gurl. "Mag bbreak din kayo" bulong ko saking sarili.

Pag lingon nung lalake nagulat ako ng makita ko si blaster.

Nalaglag ko yung dala ko at bigla kong dinampot yung plastic na lalagyan ng inorder ko. Ramdam ko na papalapit sya sakin tangina ano gagawin ko ano sasabihin ko pag kinausap nya ako anuna gagawin ko alex lord help.

"Alex?" Tanong ni ter
Napatingin lang ako sakanya napatitig sa kanyang mga mata. Grabe ang ganda ng mga mata nya ansarap titigan.
"U-uy hi" sabi ko
"gawa mo dito?" Tanong nya " uhm.. bumili lang ako ng bbq" sabi ko habang nakahawak sa siko ko.
"Ah" tipid nyang sabi "sige alis na ako" paalam ko sakanya at tumango nalamang sya.

Grabe yun na ata yung pinaka awkward na conversation na encounter ko. Pero ang pogi nya parin 😻 at nakausap ko na sya finally. Grabe yung mga mata nya parang nakakalasing.

Pero sino naman yung babaeng kasama nya 🤔 siguro... girlfriend nya, bat nya naman hahawakan sa kamay yung babae diba kung di nya naman jowa yun. Hay nako yan kasi akala mo alex ah may pagasa ka ulol wala.

Kumain na ako at hinugasan yung mga platong ginamit ko. Pag taas ko saking kwarto ay chinarge ko yung phone ko at humiga muna.

Hindi talaga ako makapaniwala na nakita ko si blaster ngayun. Ano bayan puro nanaman blaster ang nasa isip ko. Wala ng iba kundi blaster blaster blaster. Tamana nga. Maya maya ay pinikit ko na ang aking mata at nakatulog.

--------a/n---------

hi guys sorry kung maikli lang tong chapter na to. Medyo wala na rin ako masabe eh hahaha sa 2nd chapter abangan nyo yung sshhh muna ako hahaha sige basahin nyo nalang. Thank you for reading guysh. Comment nyo nalang yung mga thoughts nyo abt sa chapter na ito. Yun lang. Thank ulit and enjoy.
Sori sa mga typo ✌

Xoxo

Ako Nalang Where stories live. Discover now